Chapter 8

55 0 0
                                    


Sinabi ko kay Xandrex na doon na lang kami sa mga street foods dahil mura na masarap pa, well alam ko din naman mura na masarap pa at syempre madumi pa. Hahahahhaha! Anong aasahan mo sa street foods? Tska minsan okay din na may dumi ka sa katawan.

Hila hila ko si Xandrex hanggang sa makapunta kami diteyyy, at eto ako ngayon na mimili na ng pwede kong ipalibre kay Xandrex aba minsan lang to no, palalagpasin ko pa ba?

Halo halo ang tinda dito, may kwek-kwek, fishball, kikiam, yung mga inihaw at syempre ISAAAAAW! orayt!

Pumili na ako ng gusto kong kainin at si Xandrex naman ay nakatayo lang sa tabi, mukhang ayaw nya eh kumain edi wag.

"Tapos ka na ba?" Tanong nya

"Wait lang m-malapit n-na" sabi ko habang punong puno ang bibig ko with talsik talsik pa ng kinakain ko.

Tumingin sya sakin na parang nakakadiri ako

"Ano ba yan, Bry! Ang bagra mo po! Dalian mo ngaa!" Inis na sabi nya

"Ang arte mo naman! Daig mo pa babae!"

Pinagpatuloy ko na ang pagkain ko, mura lang naman yon kaya siguro mga naka'60 ako, binayaran naman nya gaya ng napagusapan.

Mag galit'galitan kaya ako sakanya lagi no? Baka sakaling ilibre ako lagi.

Naglalakad na kami ngayon papuntang sakayan, mas malapit sakayan nya kaya mas mauuna sya yung akin kasi medyo malayo pa.

Nauuna syang maglakad kaysa sakin, napaka'gentleman talaga nya, bwiset!

Matangkad sya, hindi ganon kalaki ang katawan, payat sya na may onting laman, kung titingnan mo ang mukha nya masungit pero pagnakausap mo masungit pa rin, akala mo laging may regla.

Hinabol ko sya kasi medyo malayo na, mabait naman to eh, minsan nga lang, mahirap basahin yung iniisip nya napaka misteryoso nya, nagulat nga ako kanina kasi nga kinukulit nya ako para malaman kung sino yung gusto ko.

Hindi naman sya ganon eh.

"Gusto mo ba talaga sya?" Tanong nya out of no where

"H-ha?" Naguguluhang tanong ko

Tiningnan ko sya, seryoso ang itsura nya at parang ang lalim lalim ng iniisip nya kasi nakakunot ang noo nya.

"Wag kang magkagusto sa kanya kung una pa lang alam mo ng walang patutunguhan" sabi nya sakin

This time, ako naman ang nakakunot ang noo, ano daw?

"Si Chace ba? Crush lang naman yun no! Ito naman!" Sabi ko sakanya

Imposible naman kasing magkagusto ako don no! As in never evah! Alam ko namang kung sino ang gusto non tska wala akong balak umeksena.

"Sana nga" sabi nya na hindi manlang ako tiningnan tapos iniwan nya na ako

Bastos talaga yon! Napaka!!! Dumiretso na lang ako don papuntang sakayan ko, habang nasa tricycle ako at nagiintay ng mga kasabay ko napaisip ako sa sinabi nya.

Paano kaya kung nagkagusto ako don? Ay che! As if naman papayagan ko ang sarili ko magkagusto don no! Over my sexy dead body!

"Hindi talaga, never!" bulong ko sa sarili ko

-----------

Naging doble ang pagiging busy namin ngayon! Haaaay! Minsan nakakatamad talagang pumasok pero pag naiisip kong para sakin din naman to kaya kailangan.

Ilang weeks na din ang nakalipas simula nung na pagusapan namin ni xandrex at masasabi ko nga'ng parang mali ako sa sinabi kong crush ko lang si Chace.

MasokistaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon