1 | Ghost Two Kita

100 0 0
                                    


#Maine's POV:

Padabog na umupo ako sa upuan pagkapasok ko ng classroom. Ang aga ko pala masyado, wala pa mga kaklase ko e. Nilabas ko ang notebook ko at nagreview dahil may quiz kami mamaya!


"Goodmorning Maine." Bati sakin ni Alden. Arrggghhh, siya yung dahilan kung bakit badtrip na badtrip ako kahapon. Ipahiya daw ba ako sa buong klase?

Hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy nalang ang pagrereview ko. Pero maya-maya may nangangalabit na sa likod ko.

"Ano bang problema mo?" Inis na sabi ko.

"May itatanong lang ako." Tinaas ko ang kanang kilay ko.

"Pakibilisan kasi nagrereview ako, at make sure na may kwenta yang itatanong mo." Ngumiti siya. Ugghh kung hindi lang gwapo to di ko pagtiya-tiyagaan na kausapin to.

Teka.. May sinabi ba akong pogi? Nah, Nevermind!

"Promise may kwenta to." Tinaas niya yung kanang kamay niya na parang nangangako.

"Ano nga yun? Bilis."

"Dalawang multo ka ba?" Halos umusok ang ilong ko sa tanong niya. Argghhh! Talagang ginagalit ako netong lalaki na to. Yan din yung tanong niya sakin kahapon at takenote sa harap pa ng mga kaklase ko! Pinagtawanan tuloy ako. >_<

Mukha ba akong multo? At dalawang multo pa! Tsss.

"Ako nga alden tigil tigilan mo. Lumayas ka nga sa tabi ko!" Sigaw ko. Nawala ang kaninang ngiti sa mukha niya at naglakad na siya papunta sa kung saan siya nakaupo. Maya-maya ay nagsidatingan nadin ang mga kaklase ko!

Ilang araw at linggo pa ang lumipas at sa araw at linggo na yun, walang araw na hindi niya tinatanong sa akin ang walang kamatayan niyang tanong na "dalawang multo ka ba?" Hayst ewan. Punong puno na ako sa lalaking yun! T_T

Isa pa Alden bi-binggo ka na sa akin!

AlDub/MaiDen (Short Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon