"Alden, i'm pregnant!" Parang gumunaw ang mundo ko nang sabihin sakin ng girlfriend ko yung salitang yun.
"Kung ganun, ipalaglag mo yung bata!" Wala sa sariling sabi ko.
Nakatanggap ako ng isang malakas na sampal.
"Hindi ako baliw para gawin yun Alden. Panagutan mo nalang tong dinadala ko dahil parehas naman nating ginawa to!" Sigaw niya habang umiiyak.
"Ayoko maine. Ayoko pang maging tatay kaya ipalaglag mo nalang yan. I'm sorry!" Iniwan ko siyang luhaan nung araw na yun. At ngayon sobrang pinagsisisihan ko na yun!
3years ago na simula nung mangyari yun. At hanggang ngayon hindi ko pa siya ulit nakikita! Nung pinuntahan ko siya nun sa bahay nila para magsorry, wala ng tao dun kahit isa. Nagtanong ako sa kapitbahay nila, umalis na daw at hindi sinabi kung saan lilipat ng bahay!
Sobrang sakit pala na iwan ka ng taong mahal mo. Pero alam ko naman na kasalanan ko to, at alam ko din na mas masakit pa ang ginawa ko sa kanya!
"Kuya! Kung sinama mo lang ako dito sa park para panoodin kang mag-emote. Uuwi nalang ako!" Natawa ako at pinisil ko ang ilong niya. Panira talaga tong kapatid ko!
"Sorry na. Namimiss ko lang si Ate Maine mo!"
"Lagi naman kuya e. Tsaka kasalanan mo din yan! Kung pinanagutan mo nalang sana si Ate Maine, Edi sana kapiling mo siya at ang Anak niyo ngayon!" Sermon niya. Tama nga naman, at sana hindi ako nagsisisi ngayon!
"Oo na po. Alam kong malaki ang pagkakamali ko! Hindi mo na kailangang ipamukha sakin dahil napamukha ko na sa sarili ko!"
"Buti alam mo!" Ginulo ko ang buhok niya.
Maya-maya nakakita kami ng batang umiiyak. For sure nawawala siya kasi walang kasamang parents!
"Hi little girl. Bakit ka umiiyak?" Tanong ng kapatid kong si Grace.
"Wala wowa." Sagot niya.
"San nagpunta?" Umiling yung bata. Hindi namin siya makausap ng maayos dahil hindi namin maintindihan yung pinagsasabi.
Kinandong ko muna siya sa akin. Pag wala pang naghanap sa kanya after 1 hour dadalin ko nalang siguro siya sa baranggay malapit dito.
Tumigil naman na sa pag-iyak yung bata dahil nilalaro na siya ni Grace.
"Nasan daddy mo?" Hindi ko alam pero, nabigla ako sa tanong ni grace.
"La ko daddy!" Umiiling na sabi niya.
"Ha? San nagpunta?"
"Iwan kami mommy!" Magsasalita na sana ako pero...
"Alaine.. nandiyan ka lang palang bata ka, jusko lagot ako sa mommy mo neto!" Sabi ng may edad na babae.
"Sowi wowa" Tumatalon talon na sabi niya. Nangiti ako dahil sa kabibuhan niya.
"Kayo ba ang nakakita sa kanya? Salamat ha."
"Walang anuman po." Sabi ko. Nginitian niya lang kami at nagpipindot siya sa cellphone niya.
"Kuya parang kamukha ni ate maine yung bata." Bulong sakin ni grace. Napansin ko nga din! Madami namang magkakalook alike sa panahon ngayon diba?
"Anong gagawin ko?" Bulong ko din. Napailing siya.
"Bahala ka na nga diyan. Uuwi na ako, gagawa pa ako ng Assignments!" Tumayo siya at naglakad na palayo. Malapit lang naman bahay namin dito e.
BINABASA MO ANG
AlDub/MaiDen (Short Story Collection)
Ficção Adolescentex Hope you like it guys. ALDUBYOU ALL :*