3 | Be Mine Again

50 1 0
                                    


Nandito kami ng mga barkada ko sa bar. Inom inom lang pampatanggal saglit ng sakit na nararamdaman!

Alden bro, tama na yan lasing ka na. Pilit na inaagaw sa akin ni rick ang alak na hawak ko.

Pre di pa ako lasing. Ang OA mo! Sabay tungga ko sa alak.

Pabayaan mo na yan rick. Ganyan talaga kapag broken hearted! Naiiling na sabi ni chris.

Naalala ko nanaman tuloy siya. 3months ago na simula nung nakipagbreak siya sa akin.. At hanggang ngayon sariwang sariwa padin ang sakit na nararamdaman ko.

Grabe lang talaga. Hindi man lang siya nakinig sa paliwanag ko! Sabi niya may tiwala siya sakin pero ano tong ginawa niya?

Nakipagbreak siya dahil lang sa madaming nagchachat sa akin? Madaming nagtetext na iloveyou alden? Nakita niya bang nagreply ako sa kahit na isa sa kanila? Wala. Kasi siya lang ang mahal ko! Siya lang wala ng iba!

At kasalanan ko din ba kung sobrang sikat at gwapogi ako at madaming patay na patay sa akin? Tsss. Ang sakit lang talaga eh. Sobra! </3

Bro, lalim ng iniisip mo ah. Wag ka mag alala mahal ka non. Sabi ni ruru na kababalik lang galing cr.

Napailing nalang ako.

Hindi na ako mahal nun. Nilapag ko ang alak na hawak ko at napahilamos sa mukha ko.

Paano mo naman nasabi? Nakausap mo na ba siya after niyo magbreak 3months ago? Umiling ako.

Sabi niya wag ko daw siyang lalapitan at kakausapin. Ayaw niya na daw makita yung pagmumukha ko! Binatukan ako ni rick. Pakshet tong kupal na to. Sakit nun ah!!!

Sinunod mo naman? Kabaklaan tawag diyan. Umamin ka nga? Bading ka noh? Siya naman binatukan ko. Gantihan lang uy!

Ulul! Kahit libo libong gwapo na lalaki pa iharap mo sakin wala akong pakialam. Baka pagbubugbugin ko lang sila!

Eh kung ganun naman pala eh suyuin mo ulit si maine. Mahal mo siya diba? Wala kang dapat ikatakot. Paliwanag ni rick.

Ulul sino may sabing takot ako? Gumagawa ka ng kwento ah. Natatawang napailing si rick.

AlDub/MaiDen (Short Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon