Abbie's Pov
"Yaaaaaaa" masayang bangon ko
Nandito parin ako sa ospital pero habang tumatagal gumaganda ng gumaganda ang pakiramdam ko. Hindi narin masyadong masasakit ang sugat ko pati ang ulo ko hindi na siya masyadong sumasakit.
"Good morning anak!"bati sakin ni mommy
"Good morning din po"sagot ko
Si mommy ang nagbabantay sakin sa umaga at sa gabi naman yung si Ej na private nurse ko. Malapit na ako makalabas ng ospital at ang saya ko kasi nakakaboring dito.
Kumakain kami ng sabay ni mommy ng agahan, may trabaho ang kuya at papa ko kaya kami lang dalawa ni mommy lagi tuwing umaga tapos minsan kumpleto kami.
"Mama nakalimutan kong itanong kumuha ka pala ng private nurse?"tanong ko
"Oo anak ano inaalagaan ka ba niya tuwing wala na ako?"tanong ni mama
"Opo lagi po niya ako binabantayan at di siya umaalis hanggat wala pa kayo"sabi ko
"Mabuti naman"sagot ni mama
Umalis na si mama dahil marami pa siyang aasikasuhin sa office nila,at ako naman eto nagiisip kung ano kaya pwedeng gawin. Bigla nalang may pumasok si Ej lang pala, nandito na siya agad. Ano kaya kung ayain ko siya pumunta sa rooftop?
"Hoy ikaw!"sigaw ko sakanya
"Bakit appleppie?"tanong niya
"Bakit ka naka-hospital mask lagi?"tanong ko
"Kasi trip ko honeybee"sagot niya
Parang ewan naman sumagot kung ano-ano pa ang tinatawag sakin.
"Gusto kong pumunta ng rooftop samahan mo ako"sabi ko
"Sige cookielove"sagot nito
Agad akong tumayo sa higaan ko at naglakad dala yung may gulong na sabitan ng dextrose. Nakalabas na ako ng room ko at pagtalikod ko ay nandoon lang siya nakatayo nakatingin sakin.
"Anong ginagawa mo dyan?"tanong ko
"Tinitignan ka chocochip"Sagot niya
"Ewan ko sayo ano tara na!"sigaw ko
Agad naman siyang lumapit at sumunod sakin, nakarating kami ng rooftop ng maayos.
"Waaaaaah nakalabas din akooooo!"sigaw ko
Nakita ko siyang nakatingin sa langit at napaka lungkot ng mukha. Anong problema? Hayaan na nga, umupo ako sa isang bench at tumingin sa langit. Tumabi naman siya sakin.
"Ang ganda ng langit no?"tanong ko
"Mas maganda ka dyan Sweetcake"Sabi nito
"Ej gaano kana katagal nagtatrabaho dito sa hospital?"tanong ko
"3 months palang ako dito caramel"Sagot niya
"Talaga? Ako rin e coincidence naman hahaha"masaya kong sabi
"Ngapala Ej tawagin mo nalang akong Abbie kasi naman nakakailang kaya kapag iba-iba tinatawag mo sakin"sabi ko
"Ayoko masasanay karin sakin"sabi nito
"Aba?!"inis kong sagot
Biglang pumatak ang malakas na ulan kung kaya naman ay tumakbo agad kami pabalik sa hospital. Habang pabalik kami sa room ko ay may nadaanan akong kwarto pero nakasara ang pinto,napatigil ako sa harap ng pintong iyon dahil biglang sumakit ang ulo ko.
"Ayos ka lang ba? Halika na ibabalik na kita sa kwarto mo makakasama sayo kung nandito ka pa."Sabi ni Ej na may alalang alala na tono
Bumalik na kami sa room ko at masakit parin ang ulo ko. Bakit naman sa dami ng pagkakataon e dun pa sumakit yung ulo ko. Bakit parang may kakaiba sa pintong iyon? Parang sinasabi na lumapit ka sakin at pagkatapos ay biglang sumakit ang ulo ko.
Ang weird naman o baka ako lang yung masyadong nagiisip ng mga bagay-bagay kaya naman ay sumakit nanaman bigla ang ulo ko. Matutulog nalang muna ako.
Nagising ako at ang una kong nakita ay si Ej na nakaupo sa sofa at the usual nagbabasa siya.
"Nagugutom ka ba strawberry?"tanong niya
"Hindi naman"sagot ko
"Kumusta na ang pakiramdam mo?"tanong ulit niya
"Ayos naman na hindi narin masakit ang ulo ko"sagot ko
"Mabuti kung ganon"sabi niya
Nagbasa na ulit siya at ako naman ay humiga ulit. Ano kaya yung binabasa niya? Ang boring nanaman kasi ang tahimik, nako naman.
BINABASA MO ANG
If I Could Touch You
RomanceThe story of two young lovers, where their fate has extremely surprises. Will they get through with it? Or will they give up? Let's find out.