Chapter 2:Private Nurse

14 1 0
                                    

Abbie's Pov

Nasaan ako ang dilim ng paligid, wala akong makita. Lakad ako ng lakad ngunit parang wala itong katapusan.

"Sugarplum iwan mo na ako maging masaya ka sa tunay na mundo babantayan kita lagi" sabi ng isang boses

"Nasaan ka? At sino ka?" sigaw ko

"mahal na mahal kita Sweetcorn" sabi nanaman ng isang boses

"Magpakita ka!" Sigaw kong muli ngunit wala ng sumagot.

May isang puting pinto akong nakita mula sa di kalayuan tumakbo ako at lumapit dito. Kitang-kita ang liwanag na nanggagaling sa loob ng pinto. Binuksan ko ito sobrang nakakasilaw kaya naipikit ko ang mga mata ko.

Pag dilat ko nasa ibang lugar na ako, puting kwarto at sobrang liwanag na ilaw.

"Doc ang anak ko gising na! Doc!"Rinig kong sigaw ng isang boses

Nakita kong chinecheck ako ng doktor tapos kinausap ang isang babae at tumabi ito para makalapit sakin ang babae.

"Anak kamusta kana?" sabi nito

"Si-sino po kayo?"tanong ko

"Ako ang mommy mo anak"sabi nung babae

"Dok ano nangyari sa anak ko? Bakit hindi niya ako nakikilala?" tanong nito sa doktor

"Ahm misis malaki ang naging damage ng aksidente sa utak niya na dahilan upang mag ka amnesia siya" sabi ng doktor

"Pero dok habang buhay na ba yan?" tanong nung babae

"Temporary lang yan misis"sabi nung doktor

"Thank you dok"sabi nung babae

Pag katapos umalis na yung doktor at ang naiwan dito yung babae.

"Anak nakikilala mo ba ako? Ako ang mommy mo"sabi nung babae

Siya pala ang mama ko bakit wala akong maalala ano bang nangyari?

"Mama kita pero bakit hindi ko po maalala?"sabi ko

"Kasi anak nagkaroon ka ng car accident nung 18th birthday mo last last month"sabi ni mommy

"Then?"sabi ko

"Then nacommatose ka anak dahil sa accident"sabi ni mommy

"Bakit ako naaksidente mommy?"tanong ko

"Papunta ka sa party na inihanda namin para sayo then nasa intersection daw ang sasakyan mo ng dumating yung truck sabi nung driver ng truck nasira daw ang preno ng truck kaya bumangga ito sa sasakyan mo"sabi ni mommy

"Eh mommy kung ganun wala ba akong driver o kasama kasi 18th birthday ko yun? Dapat may driver ako? Wala ba?"tanong ko

"Wala anak gusto mo kasi ikaw nalang mag drive. Wala kang ibang kasama ikaw lang sige na anak magpahinga kana"sabi ni mommy

"Okay mommy sige po"sabi ko tapos nagpahinga na ako.

Natulog na ako ulit at nagpahinga..

Nagising ako walang tao sa hospital room ko, nasan kaya si mommy? Nilinga ko yung paningin ko tsaka umupo sa higaan ko.

Napansin kong may naka upo sa sofa, hindi siya babae kundi parang lalaki. Pinindot ko yung bukasan ng ilaw sa gilid ng higaan ko. Pag bukas ko nakita ko ang isang lalaki na nagbabasa na nakaupo sa sofa.

"Sino ka?"sabi ko

"Ako ang nurse mo sweetcake"sabi nito sabay ngiti

"Sweetcake?Ha?Private nurse ka ba?"tanong ko

"Ayaw mo ba non pumpkin? Ako nga ang private nurse mo"sabi nito

"Ako nga pala si"hindi ko natuloy yung sasabihin ko dahil kahit pangalan ko di ko maalala

"Ikaw si abbie sugarcream"sabi nito

"Eh ikaw ano pangalan mo?"sabi ko

"Ako si EJ sweetypie"sabi nito

"Ah hindi ka pa ba aalis?"tanong ko

"Hindi..."Sabi nito

"Hindi na muna.."dugtong nito

"Ha? Hindi na muna?"tanong ko

"Wala yon hahaha hindi ako pwedeng umalis dahil private nurse mo ako"sabi nito

"Ganon ba? Si-sige"Sabi ko

Ang mukha nang lalaki ay may hospital mask hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang aking nararamdaman, naninindig ang aking balahibo at masyadong malamig dito sa aking kwarto. Ngunit kasabay ng nararamdaman kong ito ang di maintindihang  seguridad na aking nararamdaman, bakit ganito? Ayoko na munang isipin dahil medyo sumasakit na ang ulo ko.

If I Could Touch YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon