Chapter 4:The Story

9 1 0
                                    

Abbie's Pov

Nakatingin lang ako kay Ej habang siya ay busy sa pag-babasa, ano kayang maganda gawin? Kakagising ko lang alangan naman matulog ako hay nako ang corny non!

"Uhmm may tanong ako Ej!"singhal ko

"Yes munchie?"tanong niya pabalik

"Ano magandang gawin? Nabobored ako eh"tanong ko

"Matulog ka nalang ulit chocochip para mas mabilis kang gumaling"sabi niya sabay kindat

"Hello? Kakagising ko lang kaya?!"singhal ko sakanya

"Kung ayaw mo naman matulog, kumain ka nalang"sabi niya

"Eh hindi naman ako nagugutom e? Hmp?"sagot ko

"Kwentohan nalang kita"suhestiyon niya

"Sige"excited kong sagot

Nilapag niya yung binabasa niya at mula sa kinauupuan niyang sofa ay lumipat siya sa upuan na nasa tabi ng kama ko at doon umupo.

"Bilis simulan mo naaaa!"parang bata kong angal sakanya

"Ang title nito ay If I Could Touch You"sabi niya

Nakatutok akong mabuti sakanya.

"May isang binatang nagmahal sa isang napakagandang babae.." Kwento niya

"Ang babae ay napakaganda,mabait at halos nasa kanya na ang lahat.."kwento pa niya

"Walang problema sa relasyon nila dahil parehas silang takot mawala ang isat-isa kung kaya naging kuntento sila sa isat-isa"kwento niya

Tumigil siya sa pag kukwento.

"Tapos?"tanong ko

"Hanggang diyan nalang muna Sweetlove nakalimutan ko na yung kasunod e"sabi niya sabay kamot sa batok niya

"Ang daya mo naman!"angal ko

"Wag ka magalala sa susunod na ikukwento ko sayo yung kwento ay siguradong kabisado ko na hahaha"sabi niya tapos tumawa

"Hmp?! Siguraduhin mo lang!"sabi ko

Humiga na ulit ako at siya naman ay nakaupo parin sa upuan sa tabi ng kama ko. Ano kaya ang kasunod nung kwento niya? Hindi kaya naging magasawa sila sa huli? Nakakakilig naman yung lovestory nila kung ganoon nga.

Ako kaya? Bago ako maaksidente meron kaya akong maitatawag na boyfriend? Kung meron man bakit wala siya bakit di niya ako dinadalaw? Siguro nga wala dahil kung mayroon ay dadalawin niya ako dito.

Bigla naman akong nakaramdam ng gutom kaya naman umupo ako at lumingon sa lalaking nasa tabi ko.

"Ej.."tawag ko sakanya

"Hmm?"tanong niya habang nakatingin sakin

"Nagugutom na akooo~"reklamo ko sakanya

"Ano bang gusto mo kainin my creampuff?"tanong niya

"Ahmm gusto ko ng ice cream at bread!"sagot ko sakanya

Tumayo siya at binuksan ang ref.

"Honeybunch walang ice cream"sabi niya

Lumapit siya sakin na may dalang tinapay at inabit niya ito sakin.

"Tinapay nalang"sabi niya tapos ngumiti

Nakasimangot kong kinuha yung tinapay at binuksan tapos kinain. Napansin kong nakatingin lang siya sakin habang kumakain.

"Gusto mo?"tanong ko sakanya

"Makita lang kitang kumakain busog nako applepie"sagot niya

Naweweirduhan talaga ako sa lalaking to? Ang daming tinatawag sakin pwede naman sa pangalan ko nalang.

"Sigurado ka bang ayaw mo?"tanong ko ulit

"Ayaw"sabi niya sabay ngiti

Kahit naka hospital mask siya ay mapapansin mong nakangiti siya dahil sa mata niyang animoy anime na ngumingiti rin.

Alam kong nasa hospital kami pero ang exage naman ata na nakamask siya segu-segundo. Parang di rin siya mabubuhay na walang mask, ano isang bagong trip nanaman? Pauso niya lang baduy ah?

Anyway bakit ko ba iniisip yang trip niya sa buhay? Eh kung kumain nalang ako ng kumain? Diba?

"Matutunaw na ako cutiepie tama na ang pag titig at pagiisip sakin"sabi niya

"Wow?! Nakalunok ka ba ng electric fan? Ang hangin mo eh!"sabi ko

WOW TALAGA! Okay na sana e mabait siya kaso marami lang hangin sa utak.

Pag-tapos ko kumain ay humiga na ulit ako hanggang sa makatulog ako ng nasa tabi ko lang siya nakaupo.

If I Could Touch YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon