Abbie's Pov
Nakita ko ang isang lalaki na nagmamaneho at nandito ako sa tabi niya. Ngunit bakit ganon? Bakit hindi ko makita ang mukha niya? Blurred ang nakikita ko pag sakanya ako tumitingin.
Itinuon ko nalang ang pansin ko sa daan malapit na kami sa intersection..
"Mahal na mahal kita sweetcake"sinabi ng lalaki sakin
"Ereeeeeen!!!!!"sigaw ko
Nagising ako sa isang tapik, panaginip lang pala ang lahat. Pero bakit ganon mukhang totoo at sino ba ang lalaking yon? Sino si Eren?
"Hey anak ayos ka lang ba?" Tanong ni mommy
Lumingon ako sakanya at ngumiti.
"Kamusta na ang pakiramdam mo? Malapit ka nang lumabas anak ang mga sugat mo ay mabilis maghilom sabi ng doktor anak" masayang sabi ni mommy
"Ganon po ba?" Sagot ko
"Oo anak" sagot ni mommy
Nag-ring ang phone ni mommy kung kayat lumabas muna siya. Nakita kong pumasok si Ej at papunta siya sakin.
"Good morning chocochip!" Bati niya
Tinignan ko lang siya ng masama.
"Ej malapit na raw ako makalabas dahil mabilis daw maghilom ang mga sugat ko." Balita ko sakanya
"Kung ganon ay maganda yan mabilis magrecover ang katawan mo applepie!" Masaya niyang sagot sakin
Nakatingin lang ako sakanya.
"Cookiechip mamayang gabi susunduin kita dito may ipapakita ako sayo. Kita tayo mamaya" sabi niya sabay kindat tapos umalis na
Anong problema non? May sakit ba siya sa mata? Naasiwa ako bigla e.
Biglang pumasok si mommy na may pagtataka sa kanyang mukha.
"Anak may kausap ka ba dito?"tanong ni mommy
"Ha? Opo yung private nurse ko kinakamusta po ako." Sagot ko
Mas lalo pang gumuhit ang pagtataka sa mukha ni mommy at this time naka kunot na ang kanyang noo.
"Pero wala akong nakitang pumasok sa room mo?" Tanong ulit ni mommy
"Baka hindi mo lang napansin mommy talaga pumunta siya dito" sagot ko
"Baka nga hindi ko lang napansin" sabi ni mommy
Tsaka lang siya ngumiti ulit at nagpaalam na dahil tumawag na raw ang secretary niya. Kaya naman kailangan na niyang umalis. Hinalikan niya ako sa noo bago umalis.
Buong araw akong nabobother sa sinabi ni Ej. Bakit kaya susunduin niya ako mamayang gabi? Ano nanaman kayang trip niya ngayon? Wala nalang akong nagawa kundi ang mahiga at isipin yon hanggang sa abutin na ako ng gabi.
Naisip ko munang lumabas ng room at maglibot sa buong ospital, dahil mukhang mamaya pa naman siya darating. Napadaan nanaman ako sa pintong parang hinahatak ako papasok. Ang pinto na nakita ko kung saan sumakit bigla ang ulo ko nung nakaraan.
Napansin ko ang number na nakalagay sa gilid ng pinto.
ROOM 504
Kung ganoon ito ang room sa itaas ng room ko? Dahil ang hospital room ko ay ROOM 404! Kaya siguro kakaiba ang pakiramdam ko dahil ang kwartong to ay konektado sa kwarto ko. Sa tingin ko hindi na ako magiisip ng magiisip masyado ngayon.
Hahawakan ko sana ang pinto ng may humawak sa balikat ko na ikinagulat ko. Pag lingon ko nakita ko si Ej lang pala.
"Sabi ko susunduin kita diba?" Sabi ni Ej
"Pasensiya na akala ko mamaya ka pa darating kaya naman nagikot-ikot muna ako hehe" sagot ko
"Nandito kana lang din naman, tara na?" Sabi niya
Tumango nalang ako bilang tugon sa kanyang alok.
Nakarating na kami sa rooftop. Napakaganda ng tanawin at napakalamig rin. Ang sarap sa pakiramdam na parang lumilipad ako kasabay ng hangin.
Napatingin ako kay Ej na siyang nakatingin lang sa langit kung kaya't tumingin din ako sa langit.
"Napakaganda ng mga bituin sa langit diba?" Biglang sabi ni Ej
Napatingin ako sa kanya.
"Pero alam mo ba na may mas maganda pa dyan sa mga bituin sa langit?" Tanong niya
"Yun ay ang babaeng kausap ko ngayon." Sabi niya sabay titig sakin
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sakanya o kung anong dapat na reaksyon ko sa sinabi niya. May kakaiba akong naramdaman sa sinabi niya isang pakiramdam na may sinseridad, kalungkutan at pagmamahal.
Bigla nalang akong nakaramdam ng mainit na likido sa pisngi ko. Bakit ako lumuluha? Bakit may sakit akong nararamdaman sa puso ko?
Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. Nakita ko nanaman ang nakangiti niyang mga mata.
"Hindi pa nga ako naglalaho umiiyak kana.." Sabi ni Ej
"Pano pa kaya pag iniwan na kita.." Dagdag pa niya
Mas lalo akong nagulat sa mga sinabi niya. Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. Bigla siyang tumawa, isang tawang wala ng bukas.
"Naiyak din ako nung binabasa ko sa libro yung mga linyang sinabi ko sayo! Sabi ko na e! Maiiyak ka rin gaya ko HAHAHAHAHA" Malakas na sabi ni Ej
"As expected pag inacting ko yon maiiyak ka at ipapasok ko ang susunod na linya! Bravo! HAHAHAHA" dagdag pa niya
Ano?! Acting lang yon? Pinaglalaruan niya ba ako?! Ang kapal! Galit akong tumalikod sakanya, magsisimula na sana ako maglakad ng magsalita siya ulit.
"Wag kang umalis.." sabi ni Ej
Pero humakbang parin ako.
"Baka hindi na kita mabalikan pa.." dagdag niya
Huminto ako sa paglalakad at humarap sakanya. Nakakunot ang noo kong tinitigan siya.
"Ano bang trip mo ha?! Bakit mo ko pinaglalaruan?!" Sigaw ko
Ngumiti ang mga mata niya kaya naman alam kong nakangiti nanaman siya.
"Gusto lang kita patawanin pero mukhang mali ang timing ko" sabi Ej
Sa tingin ko kaya niya ako gustong ngumiti dahil hindi ako palangiti sakanya.
"Hmp! Che! Babalik nako sa kwarto ko!" Pagtataray ko
Ngumiti siya tsaka lumapit sakin at sinamahan ako pabalik sa kwarto ko.

BINABASA MO ANG
If I Could Touch You
RomanceThe story of two young lovers, where their fate has extremely surprises. Will they get through with it? Or will they give up? Let's find out.