Huedj's Brother

6 1 0
                                    

HUEDJ'S BROTHER

Π•Π•Π

HINDI mapakali si Volt sa bangko sa salas. Hindi dahil sa pupunta ang kasintahan ni Vina kundi dahil pupunta ang nakatatandang kapatid ni Huedj bukas.

Naguguluhan siya kung bakit pakiramdam niya ay maaaring kapag isinama na ito ng kapatid ay hindi na sila muling magkikita.

Dapat ay natutuwa siya, pero hindi, eh. Sabihin na nga bang isa siyang walang kwentang tao at makasarili, gusto niyang abangan ito sa kanto, bugbugin, at itapon sa pinakamalayong lugar kung saan di na nito makikita pang muli si Huedj. Pero hindi naman niya magagawa iyon.

Napamura siya nang biglang sumulpot si Vina mula sa likod ng backrest ng bangko. "What the heck, Vivi?!"

"Kuya, si Richard lang ang tumatawag sa akin ng ganoon," anito at naghikab.

"Wala akong pakialam. May iniisip ako. Matulog ka na," irita niyang taboy sa kapatid.

"Kuya, itinabi ni Ate si Vic sa kaniya. Gusto mo bang buhatin ko na siya para magka-time kayo?"

"Ano ba'ng pinagsasasabi mo?"

"You know what I mean. You can tell her you like her."

"By the means of your tell it literallt means DO IT BECAUSE YOU LIKE HER."

"Bakit hindi? Ganoon din naman ang ginawa ni Richard sa akin. His hands lingeribg over me overwhelms the love I have of him."

"Oh, yeah. I remember, I knocked the punk's face of what he did. Itinakas ka ng may dignidad at pagkatapos ibinalik ng kaniya na? Gago ba ako sa tingin mo?"

"Kuya, ang ibig kong sabihin, malaki ang posibilidad na kapag sumama na si Ate kay Richard, hindi na kayo magkikita pang muli dahil itatago na niya ito sa kung saan maski ako di niya sasabihan."

Natahimik siya't napaisip. Nakilala lang siya nito kahapon. Wala itong alam sa kaniya, sa kanila ng pamilya niya.

"Wag kang mag-alala, Kuya. She knows about our family."

Napabangon siya ng wala sa oras. "What?"

"Kaya lang, di niya pa alam na tayo iyon. Wag kang mag-alala, lingid sa kaalaman niya ay ako ang babaeng mahal ng kuya niya."

EXCITED na excited si Huedj para sa pagdating ng kuya niya. Nakapagpaalam na siya kay Volt na papupunrahin niya ang una sa bahay nito.

Hindi na siya mapakali sa gate. "What's taking him so long? Sabi niya 6am nandito na siya!"

"Wag kang atat," ani Volt na nililinis ang motor nito.

"Eh pasado alas siete na eh! Ang tagal niya!" ungot niya ay tumulungko sa tabi ni Volt. "Haay, kapag ako naiinis niya ng todo di ko na tatanggapin iyong Vivi niya!"

Natigil ito. "Ano'ng alam mo sa pamilya ng Vivi na iyon?"

Nagulat siya sa pagkainteres nito. Pero mabuti na ring may kausap siya kaysa kinakausap niya iyong lupa.

"Ah, anak siya ng isang corrupt na senador at isang magaling na lawyer. But I never look at someone with judging facts. Basta mabait, totoo sa sarili, okay na sa akin."

Undoubtly ClaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon