Huedj's Escape

11 2 0
                                    

HUEDJ'S ESCAPE

Π•Π•Π

NAMAMAWIS ang mga kamay ni Huedj. May mga di kilalang tao ang pumasok sa bahay nila. Dinakip nito ang mga magulang niya samantalang iniwan siya at ang dalawa niyang pinsan.

Kinakabahan siya samantalang ang dalawa ay kalmado, nag-iisip kung paano makakatakas.

May mga lalaking nakaitim at armado. Dalawa lang ang naiwan nang ilabas ang iba pang kasama niya sa bahay.

"Jeng, ano'ng gagawin natin?" aniya sa isang pinsan. Binalingan niya si Kc. "Uy... ano'ng gagawin ng mga 'to sa'tin?"

"Hindi ko alam," turan ni Kc. "Pero isa lang ang sigurado, gusto nila ang dugo mo."

"D-dugo? Aanhin naman nila ang dugo ko?" naguguluhang tanong niya.

"Basta," si Jeng.

Pumasok ang isang naka-white coat na lalaki. May di magandang ngiti sa mga labi nito.

"Would you look at this! Three Acantilado youngsters! Napakaswerte!" anito.

Kinabahang lalo si Huedj, napakapit kay Jeng. Iniharang naman ni Kc ang sarili.

"Wala kang makukuha sa'min," matatag at puno ng dignidad na saad nito.

"Oh?" Tumawa ang lalaki ng nakakaloko. "Wag kang mag-alala, Kc. Si Huedj lang ang may pinakapurong dugo sa inyo." Nag-sign ang lalaki para hawakan si Jeng at Kc ng dalawang lalaki.

Si Huedj naman ay hinila ng lalaki sa kamay. May inilabas itong medical knife mula sa coat. "Hindi ito masakit, wag ka lang gagalaw, my 'future wife'."

Akmang hihiwain nito ang likod ng palad niya nang patumbahin nina Jeng at Kc ang dalawang lalaki at dinamba ang lalaki.

Nakawala si Huedj sa hawak nito. "Kc! Jeng!"

"Tumakas ka na!" -Kc.

"Whatthefuck?!" ang lalaking naka-coat.

Saglit na nagdalawang-isip pa si Huedj bago tumakbo palabas ng bahay. Isa siyang malaking duwag! Walang kwenta!

Hindi pa gaanong nakakalayo si Huedj nang may marinig siyang mga yabag. Nang huminto siya ay nakita niyang may nakasunod sa kaniyang dalawang lalaking nakaitim.

Nahagip ng isa ang braso niya bago pa siya makatakbo. "Yaaaah!!!! Bitiwan mo ko!!!!"

Bigla na lang sumulpot si Jeng at ni-necklock ang nakahawak sa kaniya. Si Kc naman ay sinipa sa tiyan ang isa.

"Dalian mo, Huedj! Tangina wag kang babagal-bagal!!!!" sigaw ni Jeng.

Muli na namang tumakbo si Huedj gaya ng sabi ng mga pinsan niya. Nangingiyak na siya.

Nang malayo-layo na ang natakbo niya ay may nakita siyang isang lalaki. "Teka! Kuya! Tulungan mo ko!"

Nang makalapit siya sa lalaking nasa edad 20 pataas ay kumapit siya sa braso nito.

"Please! Kuya! Itago mo ako!" Umiiyak niyang pakiusap.

Mukha namang mabait ang lalaki sa kabila ng seryoso nitong mukha. Hinila siya nito sa isang bahay na puno ng kahoy.

Undoubtly ClaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon