Huedj's Heart Beat

7 2 0
                                    

HUEDJ'S HEART BEAT

Π•Π•Π

NAPABUGA ng kape si Volt nang makitang bumababa ng hagdan ang kukusot-kusot-matang si Huedj. Kasabay nitong bumaba si Victor.

Pinunasan niya ang bibig gamit ang likod ng palad. Putcha. Sinong nagsabing isuot ng babaeng iyon ang damit niya? Mukhang ipinantulog nito iyon.

Napansin niya si Vina na ngingisi-ngisi habang nagsasawsaw ng tinapay sa kape.

"Ano'ng nginingisi-ngisi mo diyan?" sita niya rito.

Umupo ito sa hapag kandong si Victor. "Pansensiya na, Volt. Nasukahan kasi ni Vicky kagabi iyong damit na ipinalit ni Vina sa akin."

Tuningnan niya si Victor. Napansin niyang namumula ang ilong nito.

"Siya nga pala. May sinag si Vicky kagabi." Nag-aalalang sinalat nito ang noo ng kapatod niya. "At mukhang di pa rin nawawala."

He lean to touch Victor's forehead. It's kinda hot. "Shit."

"Aww! Para kayong isang pamilya~♥3♥!!!"

Sinamaan niya ng tingin si Vina na tila mo kiti-kiting kinikilig.

Namula ang mukha ni Huedj. "Ano ka ba, Vina..." nahihiyang saad nito.

He can't recall it but he felt something strange inside him. "Aalis ako saglit. Ikukuha ko ng gamot si Victor sa bayan." Tumayo siya at kinuha ang susi ng big bike niya.

"Ah, teka!"

Binalingan niya si Huedj. "Uhm, ano... pwede ba akong sumama?" Namumula ng todo ang mga pisngi nito. "May kailangan kasi akong bilhin sa... ano."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano?"

Kinagat nito ang labi at hindi sinasalubong ang tingin niya. "Ah..."

"Kuya, girl thing," sabat ni Vina na ngumangata. "Ate, pasabay na rin ako. Last na kasi iyong ibinigay ko sa iyo kagabi."

Nalukot ang mukha niya nang ma-gets ang tinutukoy ng dalawang babae. "Okay, fine. But first, ayusin mo ang sarili mo."

Agad na tumango ito. Ibinaba nito si Victor sa upuan. Yumukod ito, nahantad ang mga hita nitong kay puputi't makikinis. "Dito ka muna, Vicky, ah? Bibili ng gamot mo si Kuya't Ate Edji, okay?" Nang tamango ang bata ay binikyan nito ng halik ang huli sa pisngi bago punahik.

"Nasa kama ni Kuya iyong mga damit ko kahapon!" pahabol ni Vina.

HINDI malaman ni Huedj kung paanong sakay ba ang dapat niyang gawin sa big bike ni Volt. Kulay puti at asul iyon na may dalawang kidlat na sricker sa magkabilang tangke.

Sa simpleng maong pants at itim na t-shirt nito at kakulay ng motor na helmet, ay nagmukha itong rider. "Ano? Sasakay ka ba o gusto mong magalakad?"

"Ah, kasi..." binaba niya ang tingin sa puting palda niya.

"Argh." He growls and pulled her. Binuhat siya nito gamit ang isang braso at iniupo sa likod nito ng pambabaeng upo. "Kumapit ka't baka mahulog ka."

Undoubtly ClaimedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon