KALMADO ANG PINTIG ng puso at walang bakas ng takot sa dibdib ni Agent Ravenna habang ini-scale ang gilid ng seventeenth floor ng high-rise building na iyon sa kalaliman ng gabi. Nakasuot siya ng matted, all-black, body hugging jumpsuit, black mask, at nakaangkla sa ere dahil sa scaling equipment.
She was also electronically wired and was connected to Agent Bug who was her handler for tonight. Naka-monitor ito sa lahat ng kanyang ginagawa in real-time habang nasa isang itim na van na nakaparada malapit sa lugar na iyon.
That night, she was on a Black Agency mission.
Si Claudia Franco ay isang BAE, o Black Agency Elite. Ang code name niya ay Ravenna. Ang Black Agency na kanyang unit ay isa lang sa mga nasa ilalim ng umbrella ng isang private entity na nagngangalang Black Bureau, Incorporated.
Ang misyon niya sa gabing iyon ang isa sa pinakamahalaga niyang assignments sa kanyang career, isa sa mga serye ng assignments na kailangang kumpletuhin ng Black Agency para tumulong ibagsak ang international drug lord na si Voltaire Cokish, isang African national na lider ng drug ring na nag-o-operate sa buong Pilipinas at ibang mga bansa sa Asia. Isa siya sa mga BAEs na nakatalaga sa intelligence gathering na gagamitin sa imbestigasyong hinahanda ng gobyerno laban sa mga operasyon nito.
Kailangan nila ng ebidensya na maglalagay sa mga galamay nito sa mga lugar ng transaksyon sa mga dates kung kailan naganap ang mga iyon – malalaking bentahan ng shabu, date rape drugs, amphetamines, heroin, at marijuana.
Black Agency had tagged the places and the dates and had in custody some of the subordinate drug lords. Pero hindi maibabagsak ang masalimuot na sistema ng bentahan at distribusyon kung hindi mahuhuli ang mismong hari ng organisasyong iyon.
Take down the head to take down the body.
May pagkapalos ang suspect. Lagi itong nakakaalis ng bansa kapag mainit na rito ang mga awtoridad, palibhasa may mga corrupt na connections na nasa pwesto na nagbababala rito lagi. Pero batid nilang may plano itong bumalik sa susunod na mga araw.
Pasikreto itong lilipad sa isang private jet plane na pag-aari nang isang napakayamang politiko pabalik sa Pilipinas at lalapag sa isang private airstrip. May mga BAEs nang nagmamanman at agad na magbibigay ng senyales kapag nasa ere na ito pabalik sa Pilipinas.
Ang mga agents ng PDEA at NBI ang aaresto sa drug lord pagpasok nito sa airspace na teritoryo ng Pilipinas. The intelligence they had gathered so far had gone to these government agencies. After the arrest, the plane would be landing not on the private strip where it was supposed to land to, but in a place where not one of his minions could get Cokish.
Ang partikular na misyon ni Clau – mapasok ang opisina ng pinaka-valuable employee ni Cokish at ma-hack ang computer system nito para makuha ang sapat na information na magbe-verify sa hawak na mga ebidensya ng NBI. Black Agency's Operations Department usually worked with NBI, PDEA and NICA. Its nature would not commit it to any protocol that curtailed government operations. Considered a private entity inside the country and a non-government entity outside of it, it had freedom to its own set of protocol more flexible than of government agencies and more confidential when it needed to be.
Kung ang operasyon ay under ng Vanta Ops, ang departamento nilang gumagalaw para sa mga kontratang black ops, there would be no obligation to divulge anything, of information or even the existence of the contract, to anyone.
Sa gabing iyon din sa isang probinsya, isa pang senior elite ang nanloloob sa mansion nang isa pa sa mga tauhan ni Voltaire Cokish. Isa namang BAE ang nasa loob na ng penthouse sa isa pang high-rise building sa Cebu na pag-aari nang isang napakayamang negosyanteng allegedly ay kasapi rin sa drug ring. She was the only one who had to scale the side of the building, though. The other two used different ways to get to where they needed to be.
BINABASA MO ANG
Black Bureau Inc (Book 1)_Code Name: Ravenna (A Sample)
Mystery / ThrillerWhen Clau enters the woods where her father was attacked to find clues about the assassins, little did she know they are still there! "Oh, I was scared out of my wits... scared about why I still didn't have you in my life yet when I've wanted you fo...