Chapter SEVEN

2.9K 101 1
                                    


THERE WAS ONE MOMENT there that Clau knew not what she would do. Pero noong kumilos ang mga labing iyon sa sumunod na mga sandali, she was there, opening her mouth, kissing him back. Uminit agad ang halik nito, halatang na-encourage sa kanyang pagtugon. But she couldn't think anymore. Nothing but...

Oh my god, he kisses like an angel...

Umungol ito sa halik. Pakiramdam ni Clau ay kinuryente ang buo niyang katawan. Buhay na buhay ang kanyang dugo at bumibilis ang daloy sa kanyang ugat. Her heart was racing as her hands went up his chest to plant on his neck and caress him on his exposed skin. Her fingers touched his ear, and she next touched the side of his face as his mouth continued to devour her lips.

At the back of her head, that part of her that always wanted her to take care, to be in control, to think everything she did through, and planned her every step a day or a week before, was telling her to stop and breathe for a moment. Try to think if she was doing the right thing. Dahil hindi ba kanina lang na araw pa, sinabi niya sa kanyang sarili na hindi siya pwedeng basta mahulog kay Luc? Nagsimula nga ang kanyang araw nang ni hindi niya nalalamang magkikita sila nito.

But. She. Couldn't. Stop. She was kissing him as passionately as he was kissing her.

Si Luc ang umurong. Suddenly, her lips were exposed to the air and she was staring at his hooded eyes as he looked down at her, breathing hard. She was breathless, too. Sandali siyang nag-alala kung may problema ba. Na-disorient siya. Sandali lang niyang naranasan ang halik nito pero pakiramdam niya, parang hindi na siya mabubuhay kung wala iyon.

Nakakahiya sana, but he seemed to be going through the same thing. "Clau..." bulong nito. Unti-unti itong ngumiti na parang isang batang nakahuli kay Santa Claus na naglalagay ng regalo nito sa ilalim ng Christmas Tree.

Pero napatingin ito bigla sa likod niya, sa bintana. Pagkatapos ay nanigas. Napalingos din tuloy siya.

Bubog ang bintana at nakasara ang mga kurtina. Pero kapag ganoon kadilim sa labas, hindi maaaring hindi nila mapapansin sa loob ang nakikita nila ngayon.

Ilaw ng flashlight, tumatama sa bintana mula sa kung sinumang may hawak niyon sa kabila.

May tao sa labas ng cabin.

"Baka naman taga-rancho," bulong ni Clau kay Luc. "Hinahanap ka—"

"Miss Franco?! Yu-hoooo!" sigaw ng boses ng lalaki sa labas.

"Okay. Hindi taga-rancho," pagtatama niya.

"Sshhh," sabi ni Luc sa kanya. Hawak pa siya nito, actually. Yakap pa. Yakap na awtomatikong humigpit sa unang tawag sa kanya sa labas.

My heart.

"Alam naming nasa loob ka. Wala ka nang ibang tatakbuhan kaya mabuti pang buksan mo ang pinto at huwag mo na kaming pahirapan pa dahil kung hindi, mas madadagdagan ang hirap mo."

Black Bureau Inc (Book 1)_Code Name: Ravenna (A Sample)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon