Chapter NINE

2.8K 102 0
                                    

MAY ILANG MGA NBI AGENTS nang nakatrabaho ng BAEs sa mga clandestine operations, halos lahat ay may kinalaman sa national security. Mine-maintain pa rin ng Black Agency ang scope ng organization mission and vision, pero sa piling mga tao ay may reputasyon itong isang pribado at effective na intelligence agency.

Ang secret headquarters ng Black Agency ay nananatiling nasa underground bunkers ng high-rise commercial tower na pag-aari ng Ventura Enterprises sa Maynila.

Sa magkahiwalay na helicopter nakasakay sina Clau at Luc nang lumipad ang mga iyon pabalik sa Maynila. Mga lalaki ang kasama ng mga apprehended sa unang helo, sa pangalawa silang mga babae. Hindi maniwala si Ara na nakuha niya ang injury niya dahil nahulog siya sa puno. Axel couldn't believe it either, lao nga't ito pa ang nagbigay sa kanya ng Monkey Pigtails na nickname.

Sa kabila ng vibrations, nakatulog siya sa byahe dahil sa pain killer na pinainom sa kanya ng paramedic na tumingin sa kanyang paa.

Sa debriefing sa headquarters nalaman ang impor-masyong alam na ni Luc noong nakatago at nakikinig sa pag-uusap ng mga hired killers bago siya nito hinanap sa gubat. Hinahanap siya ng mga kriminal para kunin sa kanya ang impormasyon tungkol sa kung saan tinago ang kanyang ama through torture. Ang ikatlong lalaki ay naatasang magmanman sa rancho at nakarinig ng balitang patay na si Uncle Jules, which was what Mang Rudy was instructed to say to the others. Luc and she didn't know about this because they were in the woods during the time.

The men who were at the woods after them were petty criminals, mahigit isang dekada nang nangho-hold-up sa Maynila at iba pang krimeng gaya ng bank robberies at akyat-bahay daw ang mga ito at wanted ng awtoridad dahil din sa pagpatay. Iyong napatay niya ay may h-in-old-up sa jeep na isang babaeng estudyante na sinaksak nito ng ice pick at napatay, sinabi sa kanya ni Allie. It was her first homicide, and she was helping her remember that she was on the good side. She was a protector, an enforcer.

Hindi niya alam kung gaano iyon ka-effective, dahil nagse-set in na sa kanya na nakapatay siya ng tao.

At the same time, nagaganap din ang interrogation. Ayon sa ikatlong lalaking pinatulog ni Luc gamit ang taser, may contact ang na nagbibigay ng instructions at hindi ng mga ito kahit kailan nakaharap ang nag-utos ng pagpatay. Pinangalanan nitong Leon ng contact.

Si Leon ay may record na sa NBI, at sa Black Agency files, at may reputasyon bilang isang assassin na nakakarating maging sa ibang bansa para sa assignments. Hindi ito madaling hulihin at hindi alam kung saan ito naroroon.

Finding and taking him was the next assignment of Black Agency, then.

Pagdating niya, she went to Doc's clinic for a thorough check up. Nabasa lang niya ang debriefing sa transcript na pinayagan ni Ara na mabuksan niya sa office ng mga psychs kung saan siya nagpunta pagkatapos niya sa clinic, naghihintay nang maghahatid sa kanya pauwi sa kanyang condo pagkatapos niyang pirmahan ang mandatory counselling niya.

The counselling was for her first justifiable homicide. It was ruled as that in the investigation conducted as she was going through her medical checkup. Ang CCTV footage sa cabin tungkol sa pangyayari ang nagsara agad sa kanyang kaso.

Hindi pa sila nagkikita ni Luc mula noong sumakay sila sa magkahiwalay na helo. Nang dumating ang maghahatid sa kanya sa kanyang condo, hindi pa rin tapos si Luc sa kung anong debriefing nito na hindi siya kasama.

Black Bureau Inc (Book 1)_Code Name: Ravenna (A Sample)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon