Chapter FOUR

2.7K 100 1
                                    


SA SUMUNOD NA dalawang minuto lang ay napupuno na ang buong butas ng agos ng tubig. They had to leave it, at bumitin sila sa mga ugat. Malulunod sila kung mananatili silang nakabitin sa mismong entrance niyon.

He inched their way up as soon as that became obvious. But she didn't think they could stay holding on to the roots forever. The water was very cold at nangangatog na nga ang baba niya agad. The pain on her sprained ankle was insignificant then. It had become painfully obvious they would fall to their deaths if they could not get up that cliff.

"Kumapit ka nang mahigpit at kahit anong mangyari, huwag kang bibitaw!" sigaw ni Luc sa kanya. Nakayakap siya sa leeg nito habang ang mga kamay nito ay nasa mga ugat. Her thighs were clamped around his waist and as wet as they were, she had to do it as tightly as she could.

"Oo! Anong gagawin natin?!" sigaw din niya. It didn't matter. Kung nasa taas pa ang mga kriminal, she doubted they would hear them. Ang lakas ng ingay ng ulan at patuloy pa rin ang pagkulog at pagkidlat.

"Aakyat tayo. Bahala na!"

Tumango siya, hinahayaang tumama ang kanyang noo sa leeg nito para maramdaman nito ang pagpayag niya. Rain was pelting them from everywhere. Nahihirapan siyang makakita. He tried to wipe his eyes of water with his shoulder. She reached for his face and wiped them herself. Hindi nito magagamit ang kamay dahil naka-hawak ito sa mga ugat.

Ang naging sagot nito ay sandaling idikit ang ulo sa kanya.

Isang sandali iyon na naramdaman niyang sobrang close nila, hindi lang pisikal kundi emosyonal. There were just the two of them there, clinging to each other, hanging for dear life together. Wala silang ibang aasahan kundi mga sarili nila.

Then he started to move up the roots, one hand after another, habang parang pinipigilan sila ng hampas ng ulan at hangin. Muntik na niyang nalunok ang kanyang dila noong humawak ito sa isa pang ugat para madagdagan ang nasa isang kamay nito at ma-secure iyon, pero naputol. Sandaling na-suspend sila bago umabot at kumapit ang kamay nito sa isang bato, saka ito muling naghagilap nang ibang ugat na makakapitan.

Parang pumaga ng singlaki ng pakwan yata ang ulo niya.

Mabuti na lang, hindi bumigay iyong nasa kabilang kamay nito. Umabot siya sa isang ugat pa at hinila. It was sturdy, but slippery. Nai-imagine niya kung gaano kadulas iyong hawak ni Luc sa kabila nitong kamay habang nakabitin siya sa likod nito, dagdag na bigat, at ang mga paa nito ay nakatukod sa gilid ng bangin. His arms were incredibly strong. Hindi lang siya ang babad sa chin ups sa gym, then.

Tinanggap nito ang dalawang ugat pa na binigay niya. He secured them under his armpit and tightened his hold on both. Sandali itong tumigil na parang nagdarasal. Kumulog nang malakas. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa likod ng batok nito para iiwas ang mukha sa hampas ng ulan, saka niya muling pinawi ang buhos niyon sa mukha nito.

Muli silang gumalaw paakyat, paunti-unti. He could scale. Malamang na kasama sa training nito iyon, at nabanggit ni Uncle Jules na in his college days, Luc used to go mountain climbing with a national mountaineering club. In fact, bago nito nalamang nasa malapit lang ang rancho nang tunay nitong ama, ilang beses nakaakyat sa tuktok ng bundok ng Halcon si Luc.

But those roots could still give up on them. O maaaring tamaan sila nang kasunod na kidlat.

O iyong dalawang kriminal ay naghihintay lang talaga na sumulpot sila sa gilid ng bangin, waiting to shoot their brains out with their guns.

Palapit na sila sa mismong edge. There was no time, really, to get ready. Wala silang hawak na kahit anong magagamit para maipagtanggol nila sa kanilang mga sarili. Kapag naroon pa nga ang mga ito, and they happen to be looking at where she and Luc were at, patay silang dalawa nito.

Black Bureau Inc (Book 1)_Code Name: Ravenna (A Sample)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon