Chapter THREE

3.1K 115 4
                                    

NAPATITIG SI CLAU kay Luc, unti-unting nahuhulaan kung anong nangyari. Sinalakay ng awa ang dibdib niya dahil sa nakikita niyang paghihirap sa mukha nito. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang hinala niya. He might be an NBI agent, pero hindi ibig sabihin niyon ay may automatic clearance na itong mabigyan ng confidential information.

Kasi, she was pretty sure na may kinalaman ang BBI sa problema ngayon ni Luc.

Isa sa mga silent funders ng BBI ang kanyang Itay. Pagkatapos nang pagtatangka sa buhay nito, all informa- tion would be gathered about anyone or anything connected to him for the investigation and to secure who could still possibly be in danger. They would have found out about Uncle Jules before that first hour was over, whether she would be informed of it or not. They would have secured him right away, gaya nang ginawa sa kanyang ama.

O sa kanya rin sana, if she wasn't capable of taking care of herself and if she hadn't insisted to come here and check the crime scene herself.

At least, alam ng Black Agency, ang unit niya, kung nasaan siya. Hindi man niya makokontak ang mga ito sa mga sandaling ito dahil walang signal ang phone sa gubat, but the watch she had on her wrist would have pinpointed her exact location if they wanted to check through satellite.

At kanina pa niya na-tap ang distress button.

"Wala ka ba talagang alam? Wala ka bang narinig kung bakit pinagtangkaan ang buhay ni Tito Edu? How could I not think it's related? May relasyon sila, and it was done almost at the same time!"

Helpless siyang napatitig dito. Paano niya sasabihin kay Luc na baka ang kanyang agency, ang Black Agency, ang kumuha kay Uncle Jules sa ospital, nang hindi mabibisto ang koneksyon niya roon?

And now that she knew about Uncle Jules... kahit siya ay nagsususpetsa na rin na meron nga yatang kinalaman ang dalawang attacks sa isa't isa.

DUMIDILIM NA pero wala pa ring indikasyon kung ang mga kriminal sa taas ay aalis o hindi. Isang beses na sumilip si Luc sa taas sa paglambitin sa ugat at, ayon dito, nakaupo daw ang dalawa sa damuhan na parang may hinihintay. Hindi tuloy sila makaakyat para makatakas.

Luc had his phone, too. Pero kahit anong gawin nito, wala itong mahanap na signal. Alam na niyang walang signal sa parteng ito ng bundok at dinala lang niya ang phone niya para makakuha ng pictures sa crime scene, hindi para tumawag.

She was more concerned about snakes right now. Mabuti na lang, wala silang nabulabog na ahas. Kung meron, sa unang landing pa lang nila ay meron na iyong nakagat sa liit ng space ng butas na iyon na pinagtataguan nila ngayon. But that didn't mean hindi na magkakaahas kasi may butas sa kanilang likod na maliit na tunnel kung saan magkakasya ang maliliit na mga hayop kung sakali, kaya nga nakamata siya roon.

Mahina silang nag-usap. Wala rin daw alam ang immediate family ni Uncle Jules at base sa ekspresyon sa mukha nito at pagtiim ng bagang, hindi maganda ang komprontasyon nito at kung sino mang nakaharap nito sa mga Valverde.

Black Bureau Inc (Book 1)_Code Name: Ravenna (A Sample)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon