Chapter 3: Start of the Clash Part 2 >.<

14.4K 190 6
                                    

STELLA ALLEXZANDRIA's POV

Wala na akong nagawa sa naging decision tungkol sa sitting arrangement namin. Since si Kuya Nathan naman ang gumawa nito. Siya ang school principal namin and ang pamilya nila ang may ari ng school. Older brother siya ni Michelle.  Nagpatuloy si Ma'm sa pagsasaayos ng arrangement namin.

"Ms. Salonga, sit beside Ms. Villegas followed by Mr. Flores." - Ma'am

Nagkatinginan kaming tatlo nina Ezra at Ethel dahil pareho ko, nalilito rin sila kung sino sa kanilang dalawa ang tinatawag. Nakuha naman agad ni Ma'am ang gusto naming itanong kaya bago pa kami makapagsalita ay na una na siya.

"Ms. Ezra ikaw ang katabi ni Ms.. Villegas na katabi rin ni Mr. Flores." - Ma'am

Medyo gumaan ang pakiramdam ko ng marinig kong si Ezra ang katabi ko but that time na marinig ko rin na katabi nya si Harry eh bigla na lamang akong kinabahan. Pati si Enzo na relax na relax sa pagkakaupo niya eh muntikan ng mahulog ng marinig ang sinabi ni Ma'am. Pati na ang iba namig kaklase eh nagulat rin. Ganito ang mukha naming lahat.  -----> O__O

"I can't believe this!" - Ezra

Narinig kong bulong ni Ezra ng marinig ang sabi ni Ma'am. Kaya nakisali na rin ako.

"Ma'am do you think magandang ideya na pagtabihin silang dalawa?" - Ako

"Dear, even me. Nagulat din ako dito. But what can I do? Mr. Nathaniel Kiel Scott made this" - Ma'am

Psssh. At kinompleto pa talaga ang name ni Kuya Nathan.

"Ez, kalma lang. Magkatabi naman tayo eh." - Sabi ko sabay hawak sa kamay ni Ezra.

Kung tinatanong nyo kung bat naging ganoon na lang ang reaction namin kanina eh kase, Ezra and Harry are the best enemies. Kung lahat kaming royalties ay may malaking banggaan, mas malaki yung sa kanila. Since they were kids magkakilala na sila. They go on the same school during their Kindergarten and Elementary years dahil sa parents nila na good friends and business partners. Ang napag alaman ko lang Ezra hates Harry so much because of something he has done to Ezra na naging dahilan ng pagmuhi nito kay Harry.Kung ano man ang bagay na yun, ewan ko lang. Taging sila lang dalawa ang nakakaalam.

"Let's go to the second row." - Pagpapatuloy ni Ma'am

"Ms. Morales, sit behind Mr. Martinez then follow Mr. Villafuerte. Next Ms. Ethel Salonga then Mr. Rosales." - Ma'am

Halos malaglag naman ako sa kina uupuan ko ng marinig yun. ARE YOU KIDDING ME?!?! Yan ang sigaw ng utak ko. ANO BANG BALAK NI KUYA NATAHAN?!

"Third row, Ms. Scott then Mr. Mercado' - Ma'am

"Pssh." - Kieth

Yun lang ang narinig ko mula sa kanya and nag proceed na si Ma'am sa iba pa naming kaklase.


CAMILLE SAMANTHA's POV

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Di ba talaga matatapos ang clash naming sampu?!?! Nakakapagod na kaya! 3 years na kaming ganito at dumadagdag na naman ang taong eto. GUYS NAMAN! MAGING OKAY NA TAYO! T____T Yan ang nasa utak ko habang nagdediscuss na si Ma'am.

Haaaay. Matapos ang madugong gyera sa naging sitting arrangement namin ay yun pa rin ang nasunod. Bale ganito ang naging position namin.

Enzo      Allex          Ezra              Harry

Ako          Jj              Ethel            Vince 

Mich      Kieth    Classmate   Classmate

Yan! Ganyan ka AWKWARD ang position namin. Habang nagdediscuss si Ma'am napansin kong di makapag focus si Ezra sa pakikinig ganun na din si Harry. Nakuha ni Allex ang atensyon ko ng may itinaas siyan papel na may nakasulat na "TANUNGIN MO KAYA SI MICH KUNG ALAM BA NIYA ANG GINAGAWA NI KUYA NATHAN" Pagkabas ko nun tumagilid kaagad ako para makausap saglit si Mich. Nung patagilid na ako, nakaharap ko tuloy si Jj! Aiiiiysh! WRONG MOVE CAMILLE!! Takte! Napaiwas ako bigla at sa kabila nalang tumagilid. Nakita ko naman si Mich na may sinusulat na kung ano.

"Hey Mich! Ano bang naisip ni Kuya Nathan at ginawa niya to? - pabulong kong sabi

"I don't know! Nagulat nga rin ako na sya pa mismo ang gumawa ng sitting arrangement natin eh." - Mich

"Is he available today?' - Ako

"As always. Nasa office." - Mich 

Yun lang at tinalikuran ko sya. Tumingin naman ako kay Allex na naghihintay ng sagot. Nagkibit-balikat nalang ako as a sign na hindi din nya alam. Alam kong gusto lang ni Kuya Nathan na magkasundo kami. Pero sa gingawa nya, mas lalo kaming nagkakabangaang sampu. OH PLEASE. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa susunod. 

Clash of the Campus RoyaltiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon