"Ngayon, ganito gagawin natin dante, magtago ka lang dito at lumabas at tumakas ka lang kapag narinig mo na ang senyas ko. Oh eto ang crossbow mo, inayos ko ng onti ang crossbow mo kagabi at ang mga bala niyan." Iniabot ko sa kapatid ang crossbow niya, at naghanda na ako para sa pagsugod ko. Sinilip ko muna ang Higante kung nandoon pa, pero wala na siya doon, wala nadin akong napapansin na pagyanig ng lupa. Siguro nakalayo na iyon, pero kelangan siguraduhin ko yun baka mapunta pa ang buhay namin ng kapatid ko sa peligro dahil sa hindi ko pagsiguro na wala na iyon. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko ng dahan dahan at isinara ito ulit, tumingin ako sa paligid. Wala na nga ang higante. Habang nakikita ko na ng harap harapan ang mga dugo at labi ng aking mga magulang, may nararamdaman akong masama, parang may nagmamasid sakin sa itaas, paglingon ko sa likuran ko ay nakatitig na pala sa akin ang higante, at titig na titig sakin. Hindi ko magalaw ang katawan ko sa takot, pero kailangan kong mabuhay. Para sa kapatid ko, at para mahiganti ko ang aking mga magulang. Hindi ko nakita ang kamay ng higanteng papapunta na pala sa akin, kaya't swerte lang ang nangyaring nakailag pa ako doon. Itinutok ko na sa kanya yung prototype kong cannon kung sakaling tama nga ang inimbento ko. Pinindot ko na ang trigger nito at biglang pumutok ito, pagtingin ko ay naputol pala ng cannon ko ang braso ng higante.
"Dante! Takbo na! ako na bahala dito!" Sigaw ko sa kapatid ko at masama parin ang tingin sakin ng higante, nang lumabas ang kapatid ko, hinarang ko ang higante at inasinta ko ang isa nitong paa at doon ko pinaputok ang cannon ko, at biglang natumba ang higante at nagdulot ng malakas na pagyanig ng lupa. Napalibutan ako ng alikabok dahil sa lakas ng pagtumba ng higante, napatahimik ang paligid nang nakita kong lumundag pala ito papalapit sa akin. Wala akong naisip na gawin kundi barilin ito.
------------------------------
Nagmadali na akong tumakas at hindi na lumingon pa. Sinunod ko lang ang payo ng kapatid ko, alam kong kaya niya yun. Dahil alam kong si ate lang ang may alam kung paano makapatay ng mga ito. Kapag nasa panganib siya, ako ang sasagip sa kanya, kaya't kailangan kong maging mahusay na swordsman. Hindi pa sapat ang tinuro sa akin ng aking ama kahit siya ang kilalang swordsman sa bayan. Habang tumatakbo ako, nakarinig ako ng malakas na pagsabog galing sa kinaroroonan ng ate ko. Hindi parin ako huminto dahil kailangan kong humingi ng tulong sa bayan. Sa wakas, natatanaw ko na ang bayan ng Olivestein, dederetso nalang agad ako sa garrison court para humingi ng tulong para sa kapatid ko. Pagbukas ko ng pinto nila ay gulat sila sa itsura ko, "Oh dante, bakit ka hingal na hingal at bakit andumi ng damit mo?" tanong ng kaibigan ng ama ko. "Sir, patay na po pareho ang aking mga magulang, si ate nagpaiwan para patayin ang higanteng kumain sa magulang po namin." Sagot ko habang napaupo ako dahil sa magkahalong pagod at kalungkutang nararamdaman ko ngayon. Halata sa mga mukha nila na gulat na gulat sila sa nalaman nilang balita. "Kailan pa namatay si Sir Walther at ang asawa nya?" Tanong ng isang sundalo. "Ngayong umaga lang..." Sagot ko habang nakatulala sa sahig. "Narinig niyo si Dante! Pupunta tayo ngayon sa bahay niya upang tulungan ang kapatid niya!" Sigaw ng isang sundalo at bigla silang nagsitakbo upang kunin ang mga armas nila at ang iba ay madaling lumabas upang pumila. Matapos ng ilang segundo ay ako nalang ang tao doon sa loob, kaya't sumunod nalang ako sa kanila. Pagdating namin sa gate ay nasalubong namin ang kapatid kong puno ng dugo. "Dante.... Tapos na ang paghihiganti..." at bigla siyang napaupo sa pagod.
----------------------------
Napatay ko na ang higanteng sumira at pumaslang sa magulang ko, napaupo ako sa pagod dahil sa pag-paslang ko sa halimaw na sumira ng buhay namin ng kapatid ko. Hanggang ngayon di ako makapaniwala na nasa akin ang susi sa pagkapanalo ng tao laban sa mga higante. Pinilit kong tumayo at tinignan ang paligid, maraming tao at nagsasaya sila at ang hindi nila alam. Kung kailan may darating na higante sa bayan nila, naalala ko ang nakita ko habang naglalakbay kami, may dalawang higante at isang ogre na papunta sa bayan namin, nakita ko habang papunta ako sa bayan, kailangan ko ng lakas ng loob para isigaw ito sa bayan para makapaghanda sila. "Mga mamamayan ng Olivestein. Maghanda na kayo dahil may nakita akong mga paparating na dalawang higante at isang ogre." Nagtiginan silang lahat at nagsitawanan naman ang mga nag iinumang lalake. "Hoy bata! Alam mo bang limang taon na ang lumilipas at wala paring pumupuntang mga halimaw dito? Nakikipagbiruan ka ba? Hahahahaha" lumapit ang isa sakin at hinawakan ang bitbit kong cannon, "ayos tong dala dala mo ah, artillery na maliit. Hahahaha" Nainis na ako sa kanila, at sinampal ko ang lalakeng nasa harapan nila. Napatahimik sila sa pagtawa at sumama ang tingin sakin ng nasa harapan ko at sasapakin niya dapat ako pero, sumugod ang kapatid ko at siya ang sumalag sa pag sapak nya, natumba ang kapatid ko pero tinigilan ko siyang sumugod sa kanya at gumanti, "Dante, tumigil ka.." Tumigil siya at tumayo nalang, halata parin ang galit niya at pati ng lalakeng nasa harapan ko. Lumayo nalang ako at pumunta sa malapit na tavern at para makapag renta na kami ng kwarto at maka-kain narin. "Hoy! Bumalik ka ditong Bata ka!!!!!" Sigaw ng lalaking umiinom. na-aninag ko sa salamin na hinaharangan siya ng mga kaibigan niya, hindi ko sila pinansin at pumunta nalang sa loob.