Nakapasok na kami sa Tavern, maraming mga nag iinumang mga tao at mga miyembro ng garrison, hindi namin pinansin at pumunta na kami sa may babae sa gitna para rumenta ng kwarto. "Oh bakit kayo nandirito Dante at Camille? Kamusta mga magulang nyo?" Tanong ng Tavern master na si Olivia. "P . . Patay N . a . Po sila . ." Pautal utal na sagot ni Dante habang napaluhod siya sa pag iyak. Halata ang gulat sa mukha ni Olivia habang nalaman niya ang balita, "Opo, Patay na po ang magulang namin, inatake kami ng isang higante kaninang umaga. Ako po ay lumaban sa higanteng iyon para makatakas kami papunta rito." Sagot ko habang napaupo ako sa pagod ko sa paglalakad at sa pagpatay sa higanteng sumira ng buhay ko. "I. . Ibig sabihin, dugo ng higante ang mga nasa damit mo?!?!" Tanong niya habang gulat na gulat siya sa damit kong pulang pula dahil sa dugo ng nakalaban ko, tumango ako para masagot ko ang tanong niya, lumabas siya sa desk at lumapit sa akin at tinignan ako kung may sugat ako. "Halika. Dadalin ko kayo sa kwarto nyo, at bibigyan ko narin kayo ng bagong damit." Mabait na sabi ni Aling Olivia. Umakyat kami at binuksan niya ang pinto ng kwarto, malinis at dalawang kama ang mayroon dito at isang lamesa na may lampara. "Dito muna kayo at magpahinga, magdadala ako ng malinis na damit at pagkain para sainyong dalawa." Umalis si aling Olivia at tumungo na ako sa palikuran para tumingin sa salamin at maglinis ng katawan. Nilinis ko ang mukha ko at ang salamin ko para luminis ako tignan, bigla akong nakarinig ng ingay galing sa labas, pumunta ako sa bintana upang dumungaw sa labas.
Dumating na pala ang mga Elite Garrison kasama ang anak ng hari na si Alexander, kasama ang mga sundalo niya."May dalawang higanteng gumagala pa sa gubat at may kasama itong Ogre. Isa lang ang napatay namin sa kanila, at habang papaalis na kami ay may namataan kaming patay na higante doon sa bahay ni Sir Walther. Wala din kaming nakitang miyembro ng kanyang pamilya, siguro'y nakain sila o nakatakas ang iba." Sigaw niya habang hawak hawak ang mata ng higante. Buti't naalala kong haluin ang likido na galing sa mata ng higante kong pinatay kanina sa mga kemikal kong dala para makagawa ako ng bala ng artillery ko. "Heto na ang pagkain niyo, kung gusto nyo pang kumain, bumaba lang kayo at humingi lang kayo sakin." Bumalik na pala si Aling Olivia dala-dala ang mga bagong damit at pagkain. Nagbihis na kami ng kapatid ko at kumain, malapit na palang mag-gabi at ramdam ko na may masamang mangyayari mamayang gabi.
-------------------
Sa wakas makakapagpahinga narin, pagkatapos naming kumain ay humiga nalang ako sa kama at nagpahinga ng sandali, nakita ko na nililinis at inaayos parin ni Ate Camille ang artillery niya. Inilabas niya ang libro niya ng Alchemy at may binasa siya, kumuha rin siya ng mga maliliit na bulitas na bakal sa bulsa ng bag niya at may ihinalo siyang kemikal at buhangin at inilagay niya ito sa bala ng kanyang artillery, sabay inilagay niya ang mga bulitas sa unahang parte at sa dulo naman ang mga kemikal na hinalo niya. "Ate, ano yang hinalo mong kemikal?" Tanong ko sa kanya habang nakahiga at nakadungaw sa bintana. "Compound. Compound ang tawag kung pinaghalo mo ang dalawang elemento para maging isa. Etong hinalo ko ang magdaragdag sa firepower ng mga bala o ng artillery na ito." Sagot niya, halatang dalubhasa na ang kapatid ko sa alchemy. Simula noong bata pa kami, Alchemy na ang pinag aaalan niya, ginawa nyang makatotohanan ang mga kathang isip na mga istorya ng mga matatanda sa amin noon. At itinama niya ang iba sa mga ikinwento nila.
---------------
Nakatulog na pala ang kapatid ko, samantalang ako, kahit pagod na pagod na ako simula noong umaga ay gumagawa parin ako ng bala ng artillery ko, isa nalang at magpapahinga na ako. "MAY MGA HIGANTE SA LABAS!!" Sigaw ng isang lalake sa labas, dinungaw ko ang labas at may nakita akong tatlong dambuhalang mga anino sa mga pader ng Olivestein. Nagsilabasan ang mga garrison sa loob ng tavern at naghanda naman ang iba para sa mga artillery nila upang mabilisan ang pagpatay sa mga higante, pero mahina pa ang fire power ng mga artillery nila at mag higit pa ang gamit kong cannon kesa sa artillery nila. "Dante! Gumising ka, may mga higanteng umaatake sa Gate!" Sigaw ko sa kapatid kong mahimbing ang pagtulog, "oo ate eto na. . ." Sagot niya habang natutulog parin, binuksan ko ang bintana para marinig niya ang pagsabog ng mga artillery ng mga garrison at mga sigawan ng mga tao. Napatayo agad siya at kinuha ang crossbow niya at naunang lumabas, "Ate, lalaban ka ba?" Tanong niya habang inaantay niya ako sa pinto. "Oo, lalaban ako Dante." Kinuha ko ang bag ko at ang Cannon ko at tumakbo ako sa labas, habang palabas kami ay may narinig akong pagsabog. Bumagsak na pala ang mga pader at ng mga scout tower ng Olivestein, hindi kase sila naniwala. Paglabas namin ay nakita ko ang anak ng hari at ang leader ng Elite Garrison, si Alexander na sinusundan ng mga Elite. "Ikaw ba ang anak ni Sir Walther? Camille ang pangalan mo hindi ba?" Tanong niya sakin habang sumakay siya sa kabayo niya, "Oo, ako nga po si Camille, at ayun ang kapatid kong si Dante." Sagot ko habang itinuro ko ang kapatid kong umaakyat sa bubong ng isang bahay upang maasinta ang ogre na sumisira at pumapatay ng mga tao. Sumugod na ang mga Elite at si Alexander, sumabay narin ako sa pagtakbo at nilalagyan ko ng bala ang cannon ko habang tumatakbo. Tumigil ako at pinulot ang espadang nakakalat sa daan, at ibinigay ko sa kapatid ko. "Dante, tandaan mo ang itinuro sayo ni ama." Ngumiti si Dante at tumango habang pinagpatuloy niya ang pag-akyat sa bahay, marami akong nakikitang mga garrison at mga taong mga namamatay at kinakain ng mga higante. Itinutok ko sa ulo ng ogre ang cannon ko at napansin ko rin na binaril pala ni Dante ang higante sa batok kaya't napaling sa kanya ang atensyon nito. "Camille, barilin mo na!" Sigaw niya habang tumalon siya pababa para makailag sa ibinato ng ogre. Binaril ko agad ito at tumama iyon sa dibdib nito at natumba iyon. Nagulat ang mga rlite sa nangyari at napatingin sila sa akin. "Ikaw ang gumawa nun sa Ogre?" Tanong sa akin ng isang elite. Biglang lumapit sa akin si Alexander at ngumiti sa akin, "Halika, tulungan mo akong patayin ang dalawang higante." Tinulungan niya akong umakyat sa kabayo at pumunta kami doon sa higante, habang papunta kami ay binaril ko ang kamay ng isang higante, at tuloy parin kami sa pag-punta sa sira-sirang pintuan ng Olivestein. "Guguluhin ko sila at barilin mo sila." Tumango ako at naglagay ng bala sa cannon ko, sumugod si Alexander sa isang higanteng putol ang kamay at hinampas lang ng higante ito at buti nalang na nakatakas siya doon. "Camille ngayon na!" Inasinta ko ito sa ulo nito at binaril ko ang higante, nagkalat ang laman at buto ng higante sa paligid at lumapit ako kay Alexander para sa gagawin ko, "Sir Alexander, pahiram ng Espada niyo po, at magtago po kayo para makapagpahinga kayo. Ako na ang bahala sa natitirang higante." Sabi ko sa kanya habang tinatanggal niya ang nakatusok na bakal sa paa niya, iniabot niya ang espada niya. "Wag mo akong tawaging sir, magkasing tanda lang tayo." Pabiro niyang sabi sa akin. Tumakbo na ako papunta sa natitirang higante.
-----------
Masakit parin ang sugat ng pagtusok ng bakal sa hita ko, nagtago ako doon sa loob ng sirang bahay at naghanap ako ng panlaban dahil ibinigay ko kay Camille ang tangi kong panlaban, nakakuha ako ng mahabang kahoy at ikinabit ko doon ang kutsilyo ko para may maipanlaban ako kung may darating na kaaway. Nakarinig ako ng mga pagputok ng mga artillery at biglang umangat sa mga tunog ang pagputok ng artillery ni Camille, napatay na niya. Natapos na niya ang umatake sa Olivestein. Bigla akong may nakitang anino na papalapit sa akin, "Sir, Halika na po kayo. Tulungan ko po kayong tumayo." Sabi ni Camille habang inaakay niya ako, paglabas ko ay maraming mga patay na mga Elite at mga Garrison kasama narin ang mga patay na mga mamamayan ng Olivestein, mabubuo pa kaya ang mga pader para hindi kami mahirapan sa mga sumusugod na mga higante. . .