Prologue

65 2 6
                                    

Masaya na sana ang buhay ko kasama ang pamilya ko, pero nangyari ang kinakatakutan ko...

"Dante! Bilis magtago ka na sa kwarto ng ate mo!" Pasigaw na sabi ng ina ko na ramdam ko ang takot at lungkot. Nagising ako sa pagyanig ng lupa at sa paghagulgol ng nanay ko, tumayo ako at inabot ko ang salamin ko upang makakita ng maayos, sa gitna ng mga ilaw at ng iba't ibang kemikal ay ang kapatid kong si dante na iyak ng iyak. Tuloy parin ang pagyanig ng lupa at biglang nagliwanag ang kwarto ko. Sumilip ako upang makita ko ang nangyayari sa itaas, nakita ko sa aking mga mata ang pagkain ng higante sa aking ama at ang paghagulgol ng aking ina dahil wala syang magawa at haharapin na niya ang kanyang kamatayan.. Hindi ko masikmura ang nakita ko kaya't napaupo ako at tahimik na umiyak para hindi ako marinig ng higanteng pumapatay sa pamilya ko... Bigla kong narinig ang sigaw ng aking ina at pagtingin ko ay kakainin na siya ng higante... Nakaisip ako ng ideya para makatakas kami ng kapatid ko at para humingi ng tulong sa syudad.

"Dante, kunin mo yung librong nasa tulugan ko, at maghanda ka na. Tatakas tayo." Sabi ko sa kapatid ko at bigla siyang nabuhayan ng loob at kinuha niya ang libro ko at isinilid sa bag. Kinuha ko ang inimbento kong pampatay ng mga higante, sa isang tinginan ay mukha siyang maliit na artillery, ngunit mas malakas ito dahil sa ihinalo kong kemikal sa bala nito. Kinuha ko ang bag ko at naglagay ako ng mga bala ng mini artillery ko at ang kutsilyong may pampasabog kung sakaling may mangyaring masama.

The Final Frontier: The first Alchemist (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon