Napagod kaming mga tumulong sa pagpatay sa mga higanteng lumusob. Yung mga Elite at kami ng kapatid ko ay tumulong sa paglinis at sa pag-ayos ng Olivestein, samantalang ang mga Garrison naman ang tumulong sa mga taong nasalanta ng maliit na digmaan, inilikas nila ang mga mamamayang nakatakas sa mga higante, at humanap naman ng mga buhay ang ibang mga garrison. "Camille, Dante! Ano nangyari sa inyo? Nasugatan ba kayo?" Sabi ni Aling Olivia habang tinitignan ang kapatid ko at ako kung may sugat ba kami. "Wala ho akong galos Aling Oliva, si Ate ata meron." Sagot ng kapatid ko habang pumunta agad si Aling Olivia sakin upang tignan ang sugat ko sa braso at paa. "Halika, gagamutin ko sugat mo iha." sabi niya kaya't sumunod kami sa loob ng tavern niya. May mga natutulog doon dahil sa daming nainom na alak, ang iba naman ay umiinom upang mawala sa itsura nila ang takot sa nangyari kanina. Umakyat uli kami sa kwarto namin para gamutin ako ni Aling Olivia at para makapagpahinga ang kapatid ko. "Buti't nandito kayo Camille, nako takot parin akong humarap sa mga higante, simula noong nakita kong kainin ang asawa ko ng isang higante." Sabi ni Aling Olivia. Ramdam namin sa kanya ang kalungkutan nang sinabi niya iyon, papakalmahin ko sana siya pero hindi na raw kelangan sabi niya, "kalimutan na natin iyon, nakaraan na iyon." sabi niya sakin habang nakangiti. Tapos nang gamutin ni Aling Olivia ang sugat ko, nilagyan lang niya ng benda at nilinis lang niya ito, "salamat ho aling Olivia." "Walang anuman Camille, ay oo nga pala, makapag handa na ng pagkain ninyong dalawa. Oh siya, iiwan ko na kayong dalawa ha." Umalis na agad siya, narinig kong bumukas ang pinto ng Tavern at kinausap si Aling Olivia.
"Asan ho si Camille?" narinig kong sabi ng taong pumasok. "Ay Ikaw pala iyan prinsipe Alexander, tamang tama gumagawa ho ako ngayon ng pagkain, kumain na po kayo rito, nagluto ako ng paborito kong luto." "Ay huwag na ho aling Olivia, sandali lang po akong pumunta rito para kausapin siya, at kumain narin ako sa Kwartel namin." sabi ng lalake kay Aling Olivia. "Umakyat po kayo at kung may nakita ho kayong pintong may bote ng gatas sa harapan, sa kanila ho iyon." Bakit kaya pumunta si Prinsipe Alexander rito? May masama ba kaming nagawa? Bumukas ang pinto at itinutok ko sa kanya ang artillery ko, mahirap na ngayon mabuhay sa mundong ito, kahit mga kaibigan mo ay pagtataksilan ka. "Hey, bakit? Wala naman akong intensyong masama ah." Sabi niya habang nakataas ang kamay, ibinaba ko ang artillery ko at inabutan niya ang kapatid ko ng espada niyang bitbit. "Dante, tama ba? Gusto mong sumali sa Elite?" sabi niya sa kapatid ko. Nagdalawang isip muna siya. "Camille, sumama ka sakin mamaya sa Kwartel ng mga Elites. Sama mo narin si Dante. Dun ka na magdalawang isip na sumali samin."
Sumunod nalang kami sa kaniya. Sa unang tingin ko ay magulo at nag-iinuman ang mga elite sa kwartel pero, tahimik sa loob. Mga nag-iisip ng plano sa pagpatay ng mga lumalapit na mga higante, may mga naglilinis ng sandata nila, may iba namang naglalaro lang ng baraha. BIglang nagtayuan ang mga garrison nung pumasok ang leader nila. "Alright, Dante, sasali ka na ba sa amin sa Elite?" Tanong ni Alexander sa kapatid ko, naglibot ako sa kwarto, at binigyan ako ng upuan ng isang elite. "Salamat." "Walang anuman." Sabi ng nagbigay sa akin ng upuan. Biglang bumukas ng pinto, isang elite rin ang pumasok na may dalang papel. "Sir Alexander." Sabi niya habang lumuhod at iniabot ang papel. Tinanggap niya ito at binasa niya ng tahimik. "Ha?! Nasira na ang syudad ng mga Philosophers? Papaano sila nasira eh sila lang ang tanyag sa matibay na depensa ng syudad sa bansang ito?" Gulat na tanong ng Prinsipe sa nag-bigay ng mensahe. "Sir, sabi daw nila biglang may nagbagsakang mga malalaking mga bato. Galing raw sa mga Higante at biglang sumugod ang mga mararaming higante, saka ang mga natira lang ay mga nagtago sa gubat. May nakadating ditong isa. Humihingi ng tulong sa mga Garrison para maisalba ang mga kasama niyang mga Philosophers." Sagot ng isang Garrison. "Pupunta ako sa Philosopher's City. Sasama ako sa grupo ng mag-iimbestiga." sabi ko at bigla akong umalis para kunin ang mga gamit ko.
"Prinsipe Alexander, nakapag-isip nakong sasali ako sa inyo. Gusto kong maging katulad ng ama ko. At ipaghihiganti ko sya." Sabi ko habang tumayo ako. Ngumiti siya at tinawag ang isang Elite. "Mabuti yang naisip mo Dante, mamaya isasama kita sa misyong ito, at magigi kang isang tunay na Knight ng Olivestein." sabi niya sakin. "Dominico, sukatan mo si Dante ng Armor niya, at tanong mo sa kanya kung ano ang gusto nya, Gabriel, pagkatapos ni Dante sa pag-pili ng gagamitin niyang armor, tawagin mo siya at itanong mo kung anong klaseng espada at kalasag ang gusto niya." Utos niya sa mga Elite na tinawag niya. "Masusunod po ang inyong utos Sir Alexander." Sabi nila at sumunod nalang ako sa isang elite para makagawa kami at makapili ako ng gagamitin kong armor.
Sumunod na si Dante kay Dominico para makapag-pasukat ng armor, kailangan kong pumunta sa Kampo ng mga Garrison para malaman ko ang tunay na nangyari at kailangan ko ring sumama sa Investigation Team na papuntang Philosopher's City. Pumasok ako sa loob ng kampo nila, andun si Camille na nag-susuot ng armor niya, "kanino galing yan?" Tanong ko sa kanya, bumagay sa kanya ang mayroong armor, pero sa tingin ko ay hindi ito masyado matibay, pero ayos na iyon dahil kailangan niya ang magaan para bumilis siya. "Bigay sakin ng mga garrison, oo nga pala, aalis na ba?" Tanong niya sakin. Tinignan ko ang espada ko kung tama ang dinala ko. Biglang dumating ang alalay ni Gabriel na si Jose, "Señor Alexander,Su espada está aquí y la enviar española ha aterrizado! Andito na po ang barkong galing España." Sabi niya sakin. Ibinigay niya ang isang espadang naka tago sa tela habang nakaluhod siya, kinuha ko ito at pinatayo ko siya. "Gracias Juan. decirles que vamos al embarcadero." Ngumiti siya at sumagot, "Si Señor!" at biglang tumakbo papuntang Pier. "Paano ka natutong mag-espanyol?" tanong sakin ni Camille, ngumiti ako at sinagot ang tanong niya, "Maraming mga barkong galing españa ang sinasalanta ng mga Pirata at ng mga Halimaw sa karagatan, ang mga naisasalba namin o ang mga nabubuhay ay dito napapadpad at dito na nagtuloy ng buhay. Kaya't tinuruan akong magsalita ng Español ng aking ama dahil pag-laki ko raw ay ako ang magiging hari at para matuto akong makipag-usap sa Hari ng España. Oh Tara na, naghihintay na ang mga Grupo ng Investigator at ng mga Kawal ng Hari ng España sa Pier." Tumakbo na ako at tumungo muna sa labas para makilala ang grupo ng mag-iimbestiga sa Philosopher's City.
Sumakay kami sa karwahe at pumunta sa Pier. Kinausap namin ang Heneral ng kawal na si Heneral Dominador Delos Reyes. Pansin ko sa kanya na maraming beses na niya naranasang makipag-laban sa mga higante. "Kamusta Prinsipe Alexander, heto ang grupo ko ng mga magigiting at mga mga kawal kong pumapatay ng mga Higanteng Taga España. Wag niyo nang itanong kung ano ang itsura ng mga iyon dahil baka umayaw kayo sa misyon na ito." Sabi ni Heneral. Biglang dumating ang mga Elite Garrison kasama si Dante pati si Camille. "Ipapakilala ko nga pala sa inyo itong kasama ko, eto si Camille, ang babaeng sumalba sakin sa tatlong higanteng sumalakay rito, at ang kapatid niyang si Dante." Tumingin ang Heneral sa dala ni Camille, at nagtaka. "Ano yang dala mo ija? Isang Maliit na Cannon?" Tanong ni Heneral Dominador sa kanya. "Opo Heneral, ako po ang gumawa nito." "Edi Ibig Sabihin ay isa kang Batang Imbentor? Mabuti yan! Sa edad mong yan ay magigi kang pinakamahusay na Pilosopo. Teka, paano mo nga pala naimbento iyan?" "Ginawa ko lang na makatotohanan ang Alchemy, ang mga ikinukwento sa amin ng aming mga matatandang mga tao. . ." Nagtawanan silang lahat sa sinabi nya, at halata ang pagkainis ni Camille sa mukha niya. "Ibig sabihin, hindi ka tunay na dalubhasa?!?! Dahil ang pinag-aaralan mo ay mga kwento ng mga matatanda? HAHAHAHA" mapanlait na sabi ni Heneral. Nagulat ako dahil napangiti si Camille. "Oo, hindi ako isang Pilosopo dahil Alchemy ang pinag-aaralan ko. At alam kong hindi ito totoo. Pero gamit ang siyensiya at matematika, nagawa ko itong makatotohanan, at heto ang kinalabasan." Sinabi niya sa kanila habang iniangat niya ang Artillery niya. "Itigil na natin iyan, maaari bang mag-handa na tayo sa pag-punta at sa pag-imbestiga sa mga syudad ng mga Pilosopo?" sabi ko sa kanila, sumang-ayon sila sa sinabi ko at sumakay na silang lahat sa karwahe kong inihanda. Nagpaiwan si Camille at sumabay nalang siya sa akin sa pag-lalakad.