Chapter 2

3 0 0
                                    

Sunday.

Three hours lang ang klase ko, at kahapon naman ay absent ang isa naming professor sa 3- hour subject namin. Nainis ako nung hindi kagad nasabi yung reason bakit wala kaming klase. Why not, as a student nagbabayad ako nang tuition fee ko at isa pa, sayang ang oras ko. Nahihirapan kasi akong mag isip nang matino kung ano ang pwede kong gawin kapag may bakante akong oras na ganun. But still, wala akong nagawa kasi nadala daw sa hospital yung anak nang prof ko. Medyo naguilty pa ako right after na masabi yun sa amin nang assistant nya. So, what happened kahapon ay nagstay ako sa Starbucks for 4hours. May libreng wi-fi kaya naisipan ko na mag check nang personal e-mails at social accounts ko. Kinakabahan ako while keying in my user id and password. My facebook account has been deactivated for quite 3years.. As well as my personal email.. Yung ginagamit ko to communicate my parents and my brother eh dummy account ko. Sila lang ang naka-add dun. At noong buo na ang loob ko sa paglo-log in, saka naman hindi mabuksan. It seems na mali ang password ko. At dun naubos ang oras ko, sa pag iisip nang possible passwords.

"iAmInDeepHole4321"

Enter.

Try Again. Password or the e-mail address is incorrect

iAmAHugeShit0987

Nakailang kakapindot na ako. Nakakailang reshuffled and rumbled letters na ako nang mga kakornihan kong passwords. But it's like a sign of not giving up at first. Tipong nanggagalaiti na ang kamay ko sa pagtitipa sa netbook ko.

And for the nth times that I actually lost in letters reassembling for my password....

And the same try again warning.

Sad. Kasi napagod ako at sumakit ang ulo ko trying to remember what freakin password I made.

Actually, papalit palit ako nang passwords. Ewan ko ba, but I have this feeling na kelangan ko sya palaging palitan. Feeling ko, someone has an access with my way of thinking. Wala naman akong scandal or any malicious things hidden in my accounts.

Ako kasi yung tao na, unusual at unpredictable sa ginagawang password. Yung tipong what I feel is what I kept. Tipong sa passwords ididaan ang pag eexpress nang nararamdaman. When I am happy like my happiness drives me insane, so ayun papalit ako nang password nyan.

"Hays. Kamote naman." I sighed.

Naubos yung oras ko kahapon sa walang kagaling galing na password retrieving session ko. Mukha lang akong ewan na tipa nang tipa. Kung may nakakita siguro sa ginagawa ko, iisipin nila na hacker ako.

So ayun, 3hours lang ngayon. Bale, pa-2nd meeting pa lang naman namin this sem. Nagulat ako na pag pasok nang prof namin sa Research ay may kasama ito. Malayo pa lang ay ramdam ko na ang hindi mapalagay kong sistema.

Kita ko malayo pa lang dahil usually, bukas lang ang pinto nang room namin. At yung room namin ay nasa kantuhan which is, ang pinto ay nakaharap sa hallway. Kaya makikita mo talaga ang mga taong naglalakad sa labas. Ako naman, hindi ako umuupo sa unahan. Simula nang nagmasteral ako, at kapag hindi nirerequire nang prof ang sitting arrangement, then masayang masaya ako sa medyo dulo.

"Hi everyone." Pagpasok na bati ng propesora namin

Nanlamig ang buo kong katawan.

Nasa likuran nang prof namin ang lalaking kilalang kilala ko.

Parang natanggal ang kaluluwa ko sa katawan at gustong maghanap nang pwedeng lipatan. Pero kahit saan naman ako lumipat ay wala iyong magagawa.

Napakaliit lang nang bilang namin sa silid aralan. Twenty- students lang kami. Marami sa mga kaklase ko ay nasa 30's and their 40's na. Ilan lang kaming mga bagets.

Sleepless in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon