Chapter 3

5 0 0
                                    


Matatapos na naman ang linggo.

Napagdesisyunan ko na huwag magcommute at dalhin ang sasakyan ko. Minsan kasi lumalabas ako nang gabi sa opisina kapag Friday. Hassle kasi kung makikisabay sa rush hour. Nga pala, kahit may sasakyan ako, which is regalo nang parents ko after my graduation, bihira ko itong gamitin. Yun ngang lumang sasakyan namin na naiwan nang Dad ko ay napilitan na akong ipagbili. Kung hindi nga lang ako nanghihinayang na masira sa garahe namin nang walang gumagamit, hindi ko ipagbebenta. Ganun kasi ako, mahilig ako pagbigay nang sentimental value sa mga bagay na nagbigay nang magandang karanasan sa akin. At isa katwiran ko, kapag nabili na, wag nang ibenta.

Kaya siguro bulok na, pinapahalagan ko pa. Kaya siguro kahit ang dami nang bulok at nag uumapaw na ang basura sa dibdib ko, kinikimkim ko pa din. Dahil I always give value to everything I have. Pero sana yung ganun kung attitude, sa bagay na lang. Wag na sa tao. Lalo na kay Ian.

Friday at katapusan. Palagi kapag ganito, nagcecelebrate ang mga may birthday sa buong month. Nalimutan ko, isa pala ako sa mga magbibirthday. So yung pang quarter allowance for the team tapos tig 1k from the celebrant, yung ang ipang-pipig out nang buong team.

So seven kami na may birthday. 7k plus 20k na budget from company. At dahil TGIF ang feeling nang mga kaopismate ko at halos lahat ay mga wala pang asawa, nag aya sila na kanya kanya muna nang lunch. Dine out at inom na lang daw sa labas after office hours.

Ang totoo, planado na nila yun kapag natapat na friday ang quarterly at month-end. So, hindi naman ako aloof sa mga kaofficemate ko. Although, hindi ako sumasama sa mga outgoings nila at night life, may maganda naman akong relasyon sa kanila as co-employee.

Mas maganda nga siguro na limited lang ang pagkakakilala nila sa akin. Walang chance na mahalungkay ang private life ko. Walang chance na may mapagkwentuhan ako nang mga mala-MMK kong drama. Kasi kung hindi, tyak may magrereplay nang magrereplay nang nakaraan sa akin. Ganun naman ang mga bestfriends at mga kaibigang mahadera di ba. Kapag kilalang kilala nila tayo, ipipilit at ipipilit nila ang usapan kahit ayaw mo na.

After office naisipan nila na sa Metrowalk sa may Ortigas kami kumain at magparty all night. Syempre ang mga kaofficemate kong halang ang mga baga at sikmura sa alak, ayun waging wagi sa saya.

Masaya naman. Hindi naman ako killjoy para hindi maging masaya. Besides, isa ako sa mga celebrant.

"Happy Birthday to you! Happy birthday to you guys." Kanta at hiyaw nang mga kalog sa grupo. Syempre siglang sigla sila.

Ang mga baliw, isa isang nagwish para sa aming 7. So bale sa team namin, 23 kami.
May nagwish nang general. While yung nakararami, especially mga kalapit cube ko, nagwish sila na sana, palagi daw sana akong makipag usap at sumamang gumimick sa kanila.

"Kay Ma'am Nina, sana palagi syang sumama sa mga outgoings natin kahit unrelated sa work." Sabi ni Myra

"Oo nga Ma'am." Sang-ayon nang karamihan

Medyo namula ako. At napangiti na lang. Naaappreciate ko naman yung kagustuhan nila na mapalapit sa kanila.

Siguro nga it's time na din. Hindi naman siguro ma-e-invade ang privacy at buong buhay ko nang mga kaopisina ko. Tutal, mababait naman talaga sila kahit one look at a time lang ang pakitungo ko sa kanila.

"Thank you guys." Natatawa kong pahayag

"Yun oh. Ganda nyo Ma'am, araw arawin nyo yan." Sabi ni Aldy ang pinamaingay at makulit sa mga kateam ko

Well kahit naman may pagka introvert ako, kilala ko silang lahat at alam ko naman kahit paano ang attitude nila. Kasi ka-age ko naman halos sila. Kami nga yung team na naipon ang puro bagets. Unlike sa ibang department, mga lola at autie na sila. Kaya sa team lang din namin naiipon ang memo sa kaingayan, lates at tardiness! Paano, mga gimmikera at gimmekero! Pero wala naman silang maiipintas pagdating sa trabaho. Magagaling at efficient naman ang team ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sleepless in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon