Chapter 5
Mino's POV
Naalimpungatan naman ako dahil sa liwanag ng araw na sumisilaw sa mukha ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko dahil sa nangyari kahapon. Ilang oras akong naglakad pauwi sa amin kahapon dahil naligaw ako kaya hindi ako nagising sa tamang oras at ngayon siguro pupunta nalang ako dun sa skwelahan pagrecess time na. Tumayo na ako at lalapit sana dun sa bintana para lumanghap ng sariwang hangin pero nabigla nalang ako ng bukas na ito at may isang taong nakaupo sa bintana.
"Good morning" bati nito habang busy sa pagbabasa ng isang nobela.
"Ah-ahhhhhh! AKYAT BAHAY! MGA KAPITBAHAY TULONG!" sigaw ko dahil sa pagkabigla at napaupo sa sahig habang tinuturo yung tao na nakaupo sa bintana.
"Oy tahimik! Nakakadistorbo ka" sabi nito at tinapunan ako ng libro sa mukha.
"AHHHHH! PAPATAYIN NIYA AKO! TULONGG!" patuloy ko parin na sigaw at nagtatakbo pabalik balik dahil sa pagpapanic.
"Wala ka ba talagang balak na tumahimik?" Tanong nito pero hindi ako nakinig at patuloy parin sa pagsisigaw ng tulong. Napabuntong hininga naman yung tao na nasa bintana at may kinuha mula sa jacket niya at itinutok ito sa akin.
"Now calm down and sit down kung ayaw mong paputukan ko yang napakaingay mo na bunganga" seryosong sabi niya at kinasa yung baril. Napahinto naman ako at napataas sa aking dalawang kamay. Nanginginig na yung mga tuhod ko at para na ako maiihi sa pajama ko dahil sa takot at kaba. Ano ba ang kelangan nila sa akin? Ba't ang daming humahabol sa akin? Ganito na ba talaga ako ka pogi?
"Ahh yung libro ko, hindi ko pa ito tapos mabasa" biglang sabi niya sa kalmado nitong tono at bumaba na sa pagkakaupo mula sa bintana at pinulot yung libro na itinapon niya kanina sa akin.
Tsansa ko na ito para makatakas! Sabi ko sa isipan ko.
Mabilis naman ako tumakbo patungo sa pintuan. Lumingon ako pabalik sa kaniya pero nagulat nalang ako dahil nakatayo lang siya doon habang tinitignan ako na walang emosyon sa mukha na tumatakbo palapit sa pintuan. Hindi man lang niya ba ako hahabulin?
Pagbukas ko naman sa pinto ay may dalawang lalaki na nakasuit ang nakabantay sa labas ng pintuan ko. Napatingala naman ako habang ngumiti ng pilit sa kanila. Napakataas at napakalaki ng mga katawan nila na parang higanti. Tinitigan lang nila ako ng madiin kaya unti unti ko namang sinarhan yung pinto.
Yung babae naman na nasa kwarto ko ay humiga sa kama ko at busy sa pagbabasa. Siya pala yung babae kagabi. Ano na naman ba ang kelangan nila sa akin?
"Wala akong inutang ng kahit na ano sa inyo kaya umalis na kayo sa pamamahay ko!" Sigaw ko dun sa babae habang pilit na pinapatatag yung sarili ko kahit may hawak na baril yung babae.
"Hindi ako pumunta rito para sumingil, I'm here to get you" wala sa mood na sabi niya at humikab pa habang nakatuon parin ang pansin sa pagbabasa.
"Pwes sorry nalang miss dahil hindi talaga ako sasama. Lumabas ka na dahil kelangan ko pang pumunta sa eskwelahan" sabi ko
Umupo naman siya sa kama at sinarhan yung libro niya habang tinitigan ako.
"Pumasok kayo" sigaw niya at agad agad naman pumasok yung dalawang mga lalaki sa labas at hinawakan ang magkabilang kamay ko tsaka ikinaladkad palabas ng apartment ko.
"Hoy saan niyo ko dadalhin!? Tulong! Kidnapping! Tulong!" Paulit ulit kong sigaw pero wala ni isang kapitbahay ang lumabas man lang mga para makiusisa.
Yung babae naman ay lumakad sa unahan habang nakapamulsa.
"Somewhere safe, your lucky we found you first" sabi naman nung babae at humikab. Lumalabas na yung bags sa mata niya at namumutla naman yung mukha niya, parang walang tulog.
BINABASA MO ANG
The Bodyguard of the Mafia Boss
AléatoireSi Zia Scarlet Walter, 16 years old. Normal sa paningin nila katulad ng mga kabataan, pero ang hindi nila alam ay anak pala siya ng namumuno sa isang napakalaking Crime Organization ng Italy. She's a professional when it comes to assassination, she...