Chapter 3:My Hero

9 1 0
                                    

Lyra's POV
Kakatapos ko lang maligo at magbihis.Pababa na ako para kumain nang biglang may bumusina."Sino yon,kuya?"tanong ko."Ewan ko."sabi niya.Lumabas si kuya para tignan.

Sino naman kaya yun?"Lyra,kaibigan mo raw."sabi ni kuya.Kaibigan,na nakamotor?Lumabas ako para silipin."Hi,Lyra."sabi ni Dwayne."Ano ginagawa mo dito?"tanong ko."Sinusundo ka."sabi niya.

"Wait lang,di pa ako nakakakain."sabi ko."Mamaya na yan,halika na."sabi niya.Kinuha ko yung bag ko at umangkas na ako sa motor niya."Bakit ka ba nagmamadali?"tanong ko."Di mo ba natatandaan?7 dapat tayo papasok kasi sasali tayo ngayun sa mga club."sabi niya.

Oo nga pala.Nang makarating kami sa school,pumasok na agad kami sa classroom."Wala pa si Ms.?"tanong ko kay Myka."Wala pa."sabi niya."Buti naman."sabi ko.Bigla namang pinapunta na kami sa gym.

"Anong sasalihan mo?"tanong ni Myka."Di ko pa alam ehh.."sabi ko."Lyra,sa music club na lang tayo."sabi ni Candy."Ako rin."sabi ni Myka."Oo na."sabi ko.Pumunta na kami sa sa may music club.

"Meron po kaming dalawang category sa music club.Merong singing at instrument."sabi nung babae."San tayo?"tanong ni Myka."Sa singing na lang kayo."biglang sabi ni Dwayne."Sige."sabi ni Candy.Pumirma na kami sa papel.

"Sinundan mo ako dito noh."sabi niya."Kapal mo,ikaw nga naginvite sa amin dito ehh.."sabi ko."Masyado ka namang defensive,nahahalata tuloy kita."Sabi niya.Nakakainis talaga itong lalaking ito.Grrrrrrrrrrr....

"Punta na tayo sa music hall."sabi nung leader."Ate,ano po pangalan nyo?"tanong ko."Tawagin mo na lang akong Lory."sabi niya.Ang ganda naman ng name nya.Kakainggit!<3

"Ngayun,magpractice tayo ng kanta.Simulan natin sa mga fav song nyo."sabi ni ate Lory.Ano kaya?Ang dami ko kasing fav song ehh..."Anong fav song mo?"tanong ni Dwayne."Madami nga ehh.. Di ako makapili."sabi ko.

Ano kaya?Alam ko na!I knew you were the one by tiffany alvord.Yun na lng kaya?"Lura,anong kakantahin mo?"tanong ni Ate Lory."I knew you were the one po by tiffany alvord."sabi ko."Dun ka na sa may stage."sabi niya.

Hala,kailangan ba talaga sa may stage.Nagsimula na yung kanta.

Playing "I knew you were the one" by Tiffany Alvord

(Pakinggan nyo na lang po)

Pagkatapos kong kumanta napansin ko na lang na nakatitig sa akin si Dwayne.Lumapit ako sa kanya."Ano prob mo?"tanong ko."Wala naman,ang galing mo lang talaga kumanta."sabi niya.Aaaawwwww...

Pagkatapos ng school,pauwi na ako."Hatid na kita."sabi ni Dwayne."Wag na,baka may gagawin ka pa."sabi ko."Wala naman akong gagawin.Halika na,pakipot ka pa."sabi ko."Oo na."sabi ko.

Hinatid na nga niya ako."Dito na lang ako samay kanto bababa."sabi ko."Sure ka ba?"tanong niya.Bumaba na ako sa motor.Naglakad na ako pauwi.

Bigla namang may bumangga na bicycle sa akin tapos natumba pa ako at umulan pa."Ang mala malas talaga."sigaw ko.Ouch!May sugat pala ko.Bigla namang may dumating na mototr."Ano nangyari sayo?"tanong ni Dwayne.

"Bakit nandito ka pa?"tanong ko."Di na yon mahalaga.Halika na."sabi niya sabay buhat sa akin.Niyakap ko na lang siya."Thanks."bulong ko."Welcome."sabi niya.

My Unexpected LoveOnde histórias criam vida. Descubra agora