1. Third Party

267 11 2
                                    


SYDNEY

"Hayy! Ang hirap ng math!!!!!" bulaslas ng katabi ko A.K.A bestfriend ko

"Ang math kasi, parang pagmamahal lang yan, kahit pilit mong intindihin, hindi mo rin yan maiintindihan unless kung malaman mo ang totoong rason o kaya sa math ay formula. Tsk" Pailing iling pa na sinasabi ko

"Hoy! OA neto! Sinabi ka lang na mahirap yung math tapos manghuhugot ka nanaman?!"

"No im not. Sinasabi ko lang ang totoo noh."

"Tss. Samantala kasi si Jake."

"Isa pang banggit mo sa pangalan niya, paiikutin ko yang dila mo"

"Ikaw ba naman kasi ang bitter bi---Aray!!!!!!"

"Ano ha? Ano? Magsasalita pa ba yang bibig mong sinalpakan ng Megaphone?"

"Oo na! Haaay. Ang hirap talaga ng math."

Tinalikuran niya ulit ako saka niya sinagutan yung problem solving sa math.

Nang bigla siyang dumating. Bakit siya nandito? At talagang nandito pa talaga yung Hipon na pinagpalit niya.

Flashback

From: Jake <3
Love, sorry hindi kita maihahatid ngayon. May practice kami ng Soccer eh.

Halos araw araw na niya kong hindi hinahatid nagmula last Week at may nagtransfer ditong babae ma rumor na Ex daw ni Jake. Maganda naman pero mas maganda ako. Lagi nalang ganito ang excuse niya. Parang wala na siyang time sakin. At hindi na ko naniniwala sa rason niya minsan

"Syd, hindi naman siya maghahatid no? Halika na nga." hila sakin ng bestfriend ko. Buti nalang talaga at nandito siya.

*Kinabukasan*

Pagpasok ko palang ng Classroom ay ang ingay ingay na. Pero ibang ingay na ang naririnig ko

"Pakshet Pre, kayo na?!"

"Paano na si Sydney? Akin na siya?!"

"Totoo nga pre?!"

"Mas bagay kayo ni Drea kaysa kay Sydney pre."

"Pero pre sinong mas mahal mo?"

"Gago pre. Hindi ko nga alam pero mas gusto ko si Drea"

Siya na nga mismo. Siya na mismo ang nagsabi niyan. At bigla ng tumulo yung luha ko. Nang hindi ko inaasahan.

Nagpakatanga ako. Nagpahulog. Hindi naman ako sinalo.

End Of Flashback

Napingiti nalang ako nang makita ko siya.

Yung oras na ginago niya ko.

Natuto na ko.

Natuto na kong wag magpakatanga

Natuto na kong lahat ng lalake manloloko

Na putangina, walang forever.

Buhay ng mga BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon