2. BITTER na walang LOVELIFE

181 10 6
                                    


KAITHLEEN

Ano ba kasing purpose ng Lovelife? Hindi naman tayo mabubusog diyan. Marami pa ngang nasasaktan.

Ako si Kaithleen, walang naging boyfriend, Walang lovelife pero akala mo nakalaklak ako ng isang dosenang ampalaya.

I prefer being Boyish. Buti pa ang mga lalake pag nagka gusto, todo amin at ligaw na pero pag babae hanggang for your eyes only.

Karamihan ng bestfriends ko nasasaktan sa punyetang pagmamahal na yan.

Magmamahal ka na nga lang samahan mo pa ng panloloko. Ang daming nang nasasaktan diyan, ewan ko ba kung anong feeling ng pagmamahal. Oo nga at wala kong past lovelife pero nakikita ko palang sa mga ibang tao ayoko ng magmahal. Magmamadre nalang ata ako neto.

Ano bang tinutulong ng pagmamahal? Pinapataas ang grades? Nakakatulong para tanggalin ang K to 12? Nakakatulong para makabili ng mga gusto ko? Eh putangina, wala ngang naitutulong yan kundi ang paiyakin ang mga tao at paasahin sila.

Wala naman kasing aasa kung walang paasa. Yan ang sabi ng isa sa bestfriend ko. Dumarami na rin ang paasa ngayon, yung akala mo gusto ka niya nilandi ka lang pala.

Meron rin yung mga lalakeng akala mo kung ubod ng kagwapuhan at kung makapili ng mga babae yung pang miss universe. Meron nga yung mga gwapo, kasing baho naman ng pinagsamang septic tank at canal.

Mayroon din yung mga babaeng akala mo kung makapagpili ng gwapo, ubod nang kagandahan. At yung mga babaeng halos ibigay sa ang pagiging babae sa kalandian *knock knock sa gilid*

Maraming teenagers ngayon ang pinagaawayan ang kung may Forever ba o Wala. Pero para sakin, sinasabi ko sainyo WALANG FOREVER.

Simple lang dahil kahit man sabihin niyo sa isat isa na di kayo mag aaway, di kayo magsasawa sa isat isa. Asus. Magbrebreak din kayo

Yung isang bestfriend ko nga umaasa parin dahil paasa naman kasi si boy. Tsk.

Nakakainis din yung taong nagsasabing may forever pag in a relationship pero pag nagbreak sasabihing walang forever? Gaguhan ba?

Ang Love ay isang simpleng salitang pinaniniwalaan ng mga tao ngayon kung sila ay inlove, at inlove naman ang tawag sa mga taong nagpapakatanga, nagpakatanga naman yung mga umaasang mahal sila ng mahal nila, umaasa naman yung mga taong umaasa sa mga taong paasa, paasa naman yung mga taong mahilig paglaruan ang mga babae, mapaglaro naman ang mga tawag sa mga putanginang walang sawang pinapaiikot ng mga babae na pinaniniwalaan rin ng mga babae, dyan nagsisimula ang Love, yung nagpakita ng motibo yung lalake na pinaniniwalaan ng mga babae at maiinlove yung babae at magiging sila at magpapakatanga yung babae at umaasa dahil paasa yung lalake pinaglalaruan niya pa at walang sawang pinapaikot sa salita niya. At nalaman ng babae na pinagloloko lang naman pala siya at magbrebreak sila. Edi tapos. Walang Forever.

Para sa mga babae: Wag kayong maniwala sa sinasabi ng mga lalake agad agad yung mag tetext sayo ng 'Your Beautiful' yun pala send to many. Paniwalaan ang Gawa keysa sa Salita.

Para sa mga Lalake: *Hindi ko nilalahat -,-* Kayo naman kung mahal niyo ang mga babae magsabi kayo nang totoo! Kung may ayaw ka sakanya sabihin mo! Hindi yung pinapaikot mo at kala mo kung bola bola! Wag mo ring paasahin ang mga babae dahil karamihan ng mga babae ay madaling masaktan, madaling magmahal pero todo effort ang mga babae pag nagmahal kaya huwag pakawalan.

-

Kaithlyn's Hugot for the Chapter: Love is like a Magic, magandang tignan, madaling paniwalaan pero hindi marerealize mo nalang pala na ang magic ay hindi totoo.





~Stick


Buhay ng mga BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon