5. On & Off

21 2 0
                                    

GWEN

"Bes anong mas maganda, nike or adidas?"

"Alam mo bes, parehas lang silang sapatos kaya wala ring kwenta kapag tatanungin mo yan sa'kin. Ganito kasi yan para bang ikaw yung lalaki at yung mga sapatos naman ay yung mga girlalush, malamang kung sinong mas maganda yun yung pipiliin mo, diyan naman kasi magagaling yang mga lalaki na yan e, nadadaan silang lahat sa pisikal na anyo. Masakit yun bes, mashaket talaga--punyemas ba't ka namamatok?!"

"Grabe ha! Nagtatanong lang ako tungkol sa sapatos tapos humugot ka na naman? Gusto mo ng apple? Isalpak natin diyan sa bunganga mo, siguro masaya yon no?"

Napa-irap ako. Hindi naman ako humuhugot, nagsasabi lang ng totoo. Naglaro nalang ulit ako ng games sa phone ko nang biglang tumawag si magaling kong ex.

PUNYETA NIYA! ASA SIYANG SASAGUTIN KO TAWAG NIYA!

"Uy Gwen! Kanina pa kita tinatawag, sino ba yan? Si Mike na naman ba? Nako sabi ko kasi magpalit ka na ng sim eh!"

Hindi ako nakasalita.

"Gwen naman, ilang taon na ba kayo nagb-break at nagkakabalikan? 4 years? Hindi ka ba nagsasawa Gwen? Sabihin mo lang kung talagang tanga ka lang o bobo at maiintindihan kita."

Mas lalo akong napai-rap, sapakin ko kaya mukha neto?

"Huwag mo akong ma-irap irapan dahil andon ako nung mga taon na umiiyak ka dahil sa tukmol na Mike na yan."

Flashback

Reunion ngayon ng family ko at gusto kong ipakilala sa kanila si Mike besides 2 taon naman na kami. Ngayon, nandito kami sa beach resort namin sa Batangas.

"Oh anak? Asan na ang nobyo mo?"

"Saglit lang po mommy." Asan na ba kasi yung lalaking yun? Kung saan saan nagsusuot.

Ay oo may naalala ako sa sinabi niya. Pupunta daw siya sa pool area. Jusme nasa beach area ako masasapak ko talaga yun humanda siya.

Okay. Nakakapagod maglakad pipol. Malapit na ako sa pool area at naaninag ko na siya and yeeees nag zozoom in na naman yung mata ko sa abs niya hihi PERO SINO YUNG KASAMA NIYA?

"Babe?" Hindi ko maaninag yung kasama niya. Buset! Ba't ba kasi ako pinagkaitan ng height?!

"Teka bakit ganun yung boses ni Mike? Biglang nag evolve? Sabi ko naman kasi na wag niyang lamutakin yung chocolate e!" Mas lumapit pa ako para magkaroon ng magandang view kaso parang luluwa na yung mata ko sa nakita ko.

"Jason?! Mike?!"

Pareho silang tumigil sa katarantaduhang ginagawa nila at gulat na napatingin sa akin.

Sana pala kinuha ko yung bbq stick kanina para tusukin 'tong dalawa sa sobrang kalandian nila!

Well, naabutan ko LANG naman silang nag fre-french kiss. Oo LANG, hiyang hiya ako e! Hanggang baby kiss nga lang ako, yung tipong  pang maria clara talaga, pero eto?! Pang p*rn star ata to e! Next level na next level ang kalandian! Anak ng asdfghjkl!

"B-Babe..."

"Gwen..."

At ang mas nakakatawa? Ex ko si Jason at hindi ko alam kung sinong hinayupak ang nag invite sa gunggong na 'to papunta dito. Huwaw naman, nakakahiya ata sa dalawang 'to mukhang nag uumpisa palang sila e.

"Babe I can explain!"

"I CAN EXPLAIN I CAN EXPLAIN MO YANG PAGMUMUKA MO! ANAK KA NG NANAY MO UMALIS KA DITO BAGO KO PA KAYO LUNURIN DIYAN SA SWIMMING POOL."

"Gwen naman..."

"ISA KA PA!" Huminga muna ako ng malalim. "PATI BA NAMAN BOYFRI---ex na pala." Maiintindihan ko pa sana kung sa babae pumatol tong si Mike e. But guess what? Insecure snakes are everywhere.

Yes. Jason's my ex. Why? Lahat ng lalaki na kaibigan ko pinatos niya. Nilandi niya.

After that incident naging on and off kami ni Mike. Akala ko talaga magbabago siya kaso ang libog niya pa rin. Libog na libog kay Jason.

End of flashback

I KNOW EEEW KAYA BALIK TAYO SA PRESENT.

"Gwen! Anong mas maganda? Etong blue or pink?"

Ibinaba ko yung phone ko na ayaw manahimik sa kaka ring.

"Kung usapan ay si Jason yung blue at ako yung pink. Syempre yung pink! Ang ganda ganda ko kaya and please don't make angal."

"Pwede ba?!"

"Pwedeng alin? Na ibalik yung nakaraan? Naku wag na bes! Ano? Para masaktan ulit ako? Bes naman! Dobleng panggagago naman yun!"

"Ewan ko sayo!"

Lumabas kami sa store at tumunog bigla yung tiyan ko kaya dumiretso kami sa food court. Nasa counter na kami.

"Hi ma'am ano pong gusto niyo?" Tinuro ko yung sarili ko. Malay niyo, iba kausap ayoko na naman mag assume.

"Ako ba? Gusto ko? Teka miss eto yung mga gusto ko wait ha? Naka lista kasi siya eh wait lang." Kinuha ko yung maliit kong notebook sa bag ko.

"Eto makinig ka ha? *Ehem* UNANG UNA HINDI PAASA yun yung mga bet ko bes, maibibigay mo ba? Ay eto pa HINDI GAGO oh yan bes may mga tao pa bang ganyan? At nako! Eto pa YUNG PURE  yung tipong straight na straight talaga---ano ba di pa ako tapos dito!"

"Pagpasensyahan niyo na po! Sorry po! Ha-ha..."

ANO BANG MALI SA ORDER KO?







Buhay ng mga BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon