Episode 8: Neko-chan

822 20 16
                                    

Episode 8: Neko-chan

Noong una'y nag-alangan pa si Tristan na paniwalaan ang mga sinabi ni Ken tungkol sa ginawa ni Mira kay Sakura. May nakapagsabi kasi sa kaibigan niya kung ano ang nakita nito sa roof top noong first day ni Sakura sa school nila.

Halos perpekto na si Mira sa mata ng lahat. Napaka-imposble naman yata ng sinasabi ni Ken, pero kilala ni Tristan ang kaibigan. Hindi ito magsisinungaling sa kaniya ng walang dahilan. Isa pa, wala rin itong rason upang siraan ang class President.

Nagdadalawang isip man ay sabay nilang tinungo ang roof top at nakita kung ano nga ba ang tunay na kulay ni Mira. Nagkaroon ng sagutan sa pagitan nilang tatlo habang ipinagtatanggol nila si Sakura.

Dinala ni Ken ang ibidensyang maglalagay kay Mira sa isang hindi maganda sitwasyon. Naiinis si Tristan dahil kailangan nilang isumbong ang mismong class President dahil sa naging asal nito, ngunit wala siyang pagpipilian.

Kaibigan niya si Sakura. Iyon ang unang beses na nakita niyang umiyak ito. Tila nabasag ang puso niya nang masaksihan ang itsura nito -malayo sa masayahin at palangiting babae na lagi siyang kinukulit.

Samantala, na-suspend si Mira at hindi pinayagang makapasok sa loob ng pitong araw. Maaaring maliit na bagay lang ito para sa iilan ngunit batid ni Tristan na malaki ang magiging epekto nito kay Mira at sa pag-aaral niya -sa mga pangarap niya.

Ayaw ng tao na kinaaawaan sila ngunit iyon mismo ang nararamdaman ni Tristan para kay Sakura. Hindi tanggap ng mga tao ang mga kagaya ni Sakura na nabubuhay na lamang sa pantasya, na walang inatupag kung hindi ang guguluin ang oras sa kakapanood ng mga anime. Pero higit kanino man, si Tristan lang din ang kaibigan nito. Siya lang ang nakakaintindi rito sa mga pinagdadaanan nito.

Magkaibigan sila at handa siyang ipagtanggol ito. Maging ang best friend niyang si Ken ay naroroon upang umunawa.

*****

SABADO ng umaga. Naka-upo lamang sina Tristan at Sakura sa may balkonahe sa likod bahay. Nakatanaw sa hardin habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.

May iniabot na malaking kahon si Tristan kay Sakura. Binuksan niya ito at nagulat pa nang makita kung ano ba ang laman noon.

"Ano ito?" tanong ni Sakura habang buhat-buhat ang laman ng karton.

"Bulag ka ba?" tanong ni Tristan. "Pusa!" sarkastikong sagot nito.

"Alam ko,"tugon ni Sakura. " Pero hindi ko naman birthday, a. Ano ito, regalo?"

"Sabi ni Ken, sinira daw ni Mira 'yung key chain mo so binigyan na lang kita ng alaga. At least, alam kong hindi na 'yan magagalaw pa ni Mira," sagot ni Tristan.

Tumawa naman ng malakas si Sakura. Isang natural at masayang tawa na ngayon lang din nakita ng binata.

"Tawa lang ba talaga ang matatanggap ko mula sa'yo? Wala mang lang thank you?"

"Thank you, Tristan!" ngumiti pa ito sa binata. "Natuwa lang ako. Ngayon lang ako nakatanggap ng regalo mula sa isang kaibigan kahit walang okasyon. Key chain lang din naman ang nawala pero pinalitan mo ng pusa!"

Napatawa na rin si Tristan sa mga narinig. Masaya siya na kahit paano'y napasaya niya ang kaibigan. "Basta hw'ag mo nang isipin ang ibang tao. Kami ni Ken, mga kaibigan mo kami. Na'ndito lang kami para sa'yo!"

"Salamat talaga!" wika ni Sakura sabay yakap sa kaibigan. Napatda naman sa kinauupuan niya si Tristan. Ni hindi siya nakagalaw o nakapagsalita man lang. Nabigla siya sa ginawa ni Sakura.

"A... e, o-okay lang-" yayakapin na sana niya ito pabalik nang bumigla namang kumalas ang dalaga mula sa pagkakayakap nito.

"Tatawagin kitang Neko-chan!" wika naman ni Sakura sabay himas sa itim na balahibo ng pusang kalong-kalong niya.

Napailing na lang si Tristan habang pinagmamasdan si Sakura. Bumalik na naman ito sa pagka weirdo niya. At ang malala pa, hindi ito magaling magbigay ng pangalan sa alaga. Bakit nga ba sa dinami-rami pa nang maaaring ipangalan ay iyon pa ang naisipan nitong itawag sa alaga?

She's an Otaku [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon