Episode 10: Rival’s Appearance
Isang linggo matapos kausapin ni Sakura si Mira ay pumasok na ulit ito sa school. Naging palaisipan para kay Tristan kung paano nagkabati ang dalawa sapagkat noong huli niyang nakita ang dalawang babae na magkaharap, tanging ang pag-iyak lang ni Sakura ang kaniyang naaalala, maging ang asal ng Class President na doon lang rin niya nakita.
Kahit may pagkaweirdo, aminado si Tristan na nag-aalala siya para kay Sakura. Kaibigan na niya ito at naiintindihan niya kung bakit ganoon ito mag-isip. Sa katunayan, aminado siya sa sarili na labis na nag-alala para dito, lalo na noong pumunta sila sa apartment ni Mira.
Kasalukuyang naglalakad sina Ken at Tristan pabalik sa klase.
“Bro, si Sakura, o!” hirit ni Ken kay Tristan na tila natauhan mula sa malalim na pag-iisip. Awtomatiko namang napalinga amg binata sa paligid para hanapin ang dalaga.
“Saan?” tanong ni Tristan habang nagpipigil ng tawa ang kaibigan.
Tinapik ni Ken ang balikat ng kaibigan. “Teka nga. Sabihin mo nga sa’kin, may gusto ka ba sa kaniya?” nakakalokong tanong nito kay Tristan.
Napataas naman ang kilay ni Tristan dahil sa mga sinabi ng kaibigan. “Sira ka ba? Anong klaseng tanong ‘yan? Paano naman ako magkakagusto sa isang ‘yun?” tanong pa niya.
Pero sa loob-loob ni Tristan, iba ang naramdaman niya nang marinig niya ang tanong ng kaibigan. Tila naging mabilis ang tibok ng kaniyang puso.
Natawa pa ang kaibigan niya. “Wala naman. Naisip ko lang,” sagot nito. “Saka, parang nataranta ka kanina noong binaggit ko ‘yung pangalan niya.”
“H’wag mo na lang bigyan ng kahulugan ang mga bagay-bagay, Ken,” wika ni Tristan sabay buntong-hininga.
Hindi pa rin nagpapa-awat ang kaibigan niya. “Pero espesyal siya sa’yo?” hirit pa nito.
“Special child, pwede pa,” masungit na sagot ni Tristan kahit nais na niyang ngumiti dahil sa isip-isip niya, tila espesyal na nga ang dalaga para sa kaniya.
Napailing na lang si Ken bago tumingin sa field habang naglalakad sila. Napsulyap pa siya ng ilang beses sa babaeng nakatayo, hindi kalayuan mula sa kanila.
“Bro, si Sakura!”
“Ken, ano ba? Akala mo ba maniniwala pa ako sa biro na ‘yan?” tanong ni Tristan. Batid niyang hindi tumatama sa iisang lugar ang kidlat kaya’t mas imposbileng maloko pa siya ng kaibigan tulad ng biro na ginamit kanina.
Napa-eye roll na lang ang kaibigan niya. Hinawakan niya ito sa mga balikat at pinilit na ipaling sa direksyon kung saan nakita ang dalaga.
SAMANTALA, nagmamadali na rin sa paglalakad si Sakura dahil mahuhuli na siya para sa susunod na klase. Ihahakbang na sana niya ang kaniyang mga paa upang takbuhin ang natitirang distansya mula sa soccer field kung nasaan siya ngayon hanggang sa entrance ng school building nang biglang may kung anong tumama sa ulo niya.
Nawalan siya ng balanse at napa-upo sa guilid ng field. Hawak ang balakang, napatitig siya sa siang bola, hindi akalyuan mula sa kaniyang kinauupuan.
Namula siya.
Nakakahiya! Wika pa niya sa isipan nang mapagtanto kung ano ba ang nangyari.
“Uhm, miss, okay ka lang ba?” Narinig ni Sakura na may nagsalita sa harapan niya. Nang pagmasdan niya ang lalaki, nakalahad na ang mga kamay nito para tulungan siya sa pagtayo.
“Kyosuke?” usal ni Sakura na labi namang ipinagtaka ng lalaking kaharap. Inabot naman ng dalaga ang kamay nito at tumayo na upang magpagpag ng damit.
Napakamot na lang sa ulo ang lalaki. “Naku, miss, nagkakamali ka,” wika pa nito sabay lahad ulit ng kamay para pormal na magpakilala. “Renzo Theodoro. Iyon ang pangalan ko.”
Tila natauhan naman si Sakura mula sa kaniyang mga pantasya. Ang buong akala niya ay ang bida sa anime na Hungry Hearts: Wild Striker ang kaniyang kaharap. Naka-brush up rin kasi ang buhok nito at nakasuot ng damit na panlaro.
“Renzo?”
“Oo. Pasensya ka na talaga sa nangyari, hindi naman sinasadya noong kasama ko ang nangyari,” pagpapaliwanag pa nito.
“O-okay lang naman,” sagot pa ni Sakura.
“Sigurado ka ba? Gusto mo samahan kita sa infirmary?”
“Kami na ang bahala sa kaniya!”
Sabay pang napalingon sina Sakura at Renzo upang tingnan kung sino ang nagsalita. Nakalapit na pala ang magkaibigang Tristan at Ken sa kanila at ngayon nga’y kasalukuyang nakatayo sa likod ng dalaga.
“A, mga kaibigan ba kayo ni Sakura? Pasensya na talaga,” wika ni Renzo sa mga kaklase ng dalaga. Nakatitig naman ng masama si Tristan sa kaniya na hindi niya nagustuhan. Muli niyang ibinaling ang tingin sa dalaga. “Paano? Aslis na ako. Sakura, sorry talaga!” pagpapaalam ni Renzo sabay kuha ng bola ng soccer. Kumindat pa siya kay Sakura namang nagpangiti sa dalaga.
*****
NASA loob na ng room ang tatlo. Medyo nahuli pa sila ng ilang minuto sapagkat sinamahan pa nina Tristan at Ken si Sakura sa infirmary. Mabuti na lang at hindi sila magkaklase ngayong hapon dahil sa isang mahalagang announcement.
“Good afternoon, class!” bati sa kanila ni Mr. Soriano, ang kanilang guro sa Biology. “Malamang ay tuwang-tuwa kayo’t walang klase, ano?” biro pa nito na tinawanan naman ng mga estudyante. “Magkakaroon ng school festival sa isang linggo. Nais kong pag-usapan niyo kung ano ba ang gusto niyong maging theme ng section na ito.”
Narinig pa nito ang mahinang pagdiriwang ng mga estudyante dahil batid niyang excited na ang mga ito sa parating na event.
“At bago ko makalimutan, kasama ko ngayon ang magiging mentor niyo mula sa star section ng mga seniors,” anunsyo ni Mr. Soriano. “Maaari ka nang pumasok!”
Mula sa pinto ng nasabing silid ay naglakad papasok ang isang matangkad na lalaki. Nagtilian ang mga babae nang makita siya, kahit si Sakura ay tila nangintab ang mga mata nang makita itong papasok. Napataas naman ang kilay ni Tristan nang makita kung sino ito.
“Good afternoon, guys. My name is Renzo Theodoro,” bati niya sa mga kapwa estudyante habang nakangiti. Masigla naman siyang binati ng mga babae. “So, ako ang magiging mentor niyo sa nalalapit na event next week. At hindi sa pagmamayabang pero isa ako sa top students ng fourth years na naatasang tumulong sa mga juniors namin.”
Bukod pa roon ay siya rin ang Auditor ng SSG kaya’t kilala siya ng class President na si Mira. Si Renzo rin ang pride ng Augustussoccer team. Popular siya sa buong paaralan kaya’t hindi nakapagtataka na kilala siya ng karamihan.
*****
HALOS isa’t kalhating oras ding nag-usap-usap ang mga estudyante ng klase sa pangunguna ni Renzo at Mira. Nagbigay ito ng mga ideya at nakinig din sa mga suhestson hanggang sa mapagdesisyunan ng buong klase na gawing isang Café ang buong classroom.
May ilang naatasang maging maids and butlers para sa nasabing event. Ang ilan naman ay tutulong sa pages-set up ng decorations, ang ilan ay sa kusina para magluto ng mga beverages at maghugas ng mga plato at baso. Mayroon din mapupunta sa security and admission committee sa Café.
Matapos ng nasabing meeting, nagpaalam na si Renzo sa mga taga-class 2-A. At bago siya lumabas ng pinto, mabilis siyang sumulyap kay Sakura at kumindat. Pakiramdam tuloy ng dalaga ay hihimatayin siya ano mang oras.
Hindi naman nagustuhan ni Tristan ang nasaksihan kaya’t mabilis siyang lumapit sa kaibigan. “Sakura, mauna ka nang umuwi. Hindi ako makakasabay ngayon,” wika pa niya.
Saan naman kaya pupunta ang isang ito? Tanong ni Sakura sa isipan niya. Wala na rin naman siyang magagawa dahil mabilis itong naglaho mula sa kaniyang paningin.
BINABASA MO ANG
She's an Otaku [Completed]
RomanceNang umalis ang mga magulang ni Sakura para sa isang buniness trip sa America, napilitan ang dalaga na mag-transfer sa Augustus High School. Pansamantala rin siyang nanirahan sa tahanan ni Tracy Ildefonso, ang matalik na kaibigan ng kaniyang mama. D...