Episode 9: Sins are forgiven, not forgotten
One week suspension lamang ang ipinataw na parusa kay Mira ngunit makalipas ang mahigit isang linggo ay hindi pa rin siya pumapasok sa paaralan. Alam ni Sakura na hindi tama ang ginawa nito sa kaniyang ngunit nabahala pa rin siya sa mga nangyari.
Hindi rin lingid sa kaalaman niya na mag-aalala si Tristan sa kung ano mang desisyon niya ngunit humingi pa rin siya ng pabor dito.
"Ano?" tanong ni Tristan sa kaibigan.
"Samahan mo na lang ako, please!" paki-usap pa ni Sakura sa kaibigan.
"Sigurado ka ba d'yan?" nag-aalala pa nitong tanong.
"Trust me, Tristan. Hindi lang talaga ako mapalagay. Hindi pa rin kasi siya pumapasok."
Wala nang nagawa pa si Tristan sa kakulitan ni Sakura. Kahit kailan ay hindi siya nanalo sa kakulitan nito.
*****
NAKARATING ang magkaibigan sa Apartment kung saan mag-isang nakatira si Mira. Nagpasya si Sakura na mag-isang kausapin ang dalaga kaya't sinabi niya sa kaibigan na magpa-iwan na lang muna sa labas.
Kumatok na si Sakura sa pinto ng kwarto ni Mira ngunit wala siyang narinig na kahit na anong tugon, ni walang nagbukas ng pinto para sa kaniya.
Hinawakan niya ang door knob at nagulat pa siya na hindi nakasara ang pinto.
Delikado 'yun, a. Usal pa ng dalaga sa isipan niya.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Kadiliman lamang ang tumambad sa kaniya. Hindi nakabukas ang ilaw ng silid ngunit hindi ito sapat upang masindak si Sakura. Nakarinig siya ng impit na paghikbi at agad niyang hinanap kung saan iyon nanggagaling.
Natagpuan niya si Mira sa isang sulok ng silid na iyon. Naka-upo ito sa gilid ng kama, nakasubsob ang mukha sa sariling tuhod habang yakap-yakap ang mga binti.
Hindi alam ni Sakura kung ano ba ang dapat niyang maramdaman nang mga sandaling iyon. Mabilis niyang pinuntahan si Mira upang yakapin ngunit sinigawan lang siya nito.
"Ano ba'ng ginagawa mo ritong weirodo ka?" Nakita ni Sakura ang pag-agos ng luha ni Mira. Nakita niya ang isang bahagi ng pagkatao nito na marahil ay hindi niya inaasahang masasaksihan pa. Nakita niya ang kahinaan nito.
"Mira, tahan na!" wika ni Sakura habang hinihimas ang buhok at likod nito.
"Kasalanan mo ito! Kasalanan mo lahat!" sigaw pa ni Mira habang patuloy na umaagos ang masaganang luha pababa sa kaniyang mga pisngi.
Ikinulong ni Sakura sa kaniyang mga bisig ang kausap. Niyakap niya ito ng mahigpit. "Tama ka, Mira, kasalanan ko ang lahat," wika pa niya. "Kasalanan ko kung bakit ito nangyari sa'yo."
"S-Sakura?" mahinang usal ni Mira na tila unti-unti anng kumakalma.
"Siguro nga kaiba ako sa karamihan. Pasensya na at ganito ako," mahinang wika ni Sakura. Tuluyan na ring bumigay ang mga luhang kanina pa nasi na kumawala mula sa kaniyang mga mata.
Naramdaman ni Sakura ang unti-unting paghaplos ni Mira sa kaniyang likod. "Patawarin mo ako, Sakura. Wala kang kasalanan," bulong ni Mira. Nagtama ang kanilang mga paningin habang nakahawak ito sa mga balikat ni Sakura. "Kung hindi ako nag-eskandalo, nasa school pa sana ako. Ngayon, nahihiya na akong bumalik. Hindi ko ala kung may mukha pa akong maihaharap sa lahat."
"M-mira-"
"Hindi dapat kita inaway dahil lang sa isang mababaw na rason."
Lubhang malambot ang puso ng dalaga. Hindi niya maitiis si Mira. Kahit pa malaki ang naging kasalanan nito sa kaniya, hindi niya maatim na hindi ito patawarin. "I forgive you," bulong niya.
BINABASA MO ANG
She's an Otaku [Completed]
RomanceNang umalis ang mga magulang ni Sakura para sa isang buniness trip sa America, napilitan ang dalaga na mag-transfer sa Augustus High School. Pansamantala rin siyang nanirahan sa tahanan ni Tracy Ildefonso, ang matalik na kaibigan ng kaniyang mama. D...