Chapter 1(saving her 1)

10.7K 408 19
                                    


Alexian's POV

Ilang taon na ako dito sa kwartong ito,, walang pintoan, may bintana pero hindi ko mahawakan kasi may kuryente, dinadalhan naman nila ako ng pagkain pero... ayaw ko dito ayaw ko sa kanila gusto ko ng umalis dito

Papaano? anong gagawin ko.. gagayahin ko sila na lumulusot sa pader pero ilang ulit ko na nagawa yun at wala... walang resulta

Ako nga pala si Key Alexian Gregg.. 16 years old... nandito ako sa isang madilim na kwarto kung saan hawak hawak ako ng mga negosyante... Ginagamit nila ako para yumaman... Pilit nila akong pinapaiyak para maging perlas ang butil ng luha ko at maibenta nila simula palang nung 11 years old ako...

Kaya ngayon immune na ako sa pagpapasakit nila sa akin hindi na ako lumuluha.. kahit sinusugatan na nila ako kusa namang naghihilom ang sugat ko... Galing ako sa mayamang pamilya halata naman sa apilyedo ko.. natatandaan ko pa nung panahong nadakip ako

.... mga wala silang puso pati si papa pinatay nila para makuha lang ako dahil sa taglay kong kapangyarihan.... at sana man lang may lumigtas sa akin dito balang araw
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Vince' POV

Pinapatawag ninyo daw kami Jerico" umupo siya doon sa upuan at itinaas ang paa sa lamesa ni boss.... kinuha naman ni boss ang sapatos niya at ibinato kay Mark

Tangina Mark!!! ilang ulit ko nabang sabihin sa iyo na galangin mo ako kahit minsan lang" napatayo bigla si Mark at sinalo ang sapatos patagilid tch.. kahit kailan talaga mga isip bata

Chill ka lang Jerico our little boss----ouch! aray! osige na sige na hihinto na ako" sabi niya habang himas himas ang noong natamaan ng liquid eraser


Oh ....bakit mo kami pinapunta dito??" malamya kong tanong tumingin muna siya kay Blake na nakamasid lang sa amin sa sofa

May ipapagawa akong misyon sa inyo" umupo muna siya sa sofa na inuupuan ni Blake kaya sumunod kami

Kailangan ninyong iligtas ang babaeng nasa kamay ngayon ng organisasyong COLAR.. matatagpuan ninyo siya sa gitna ng lupain ng mga Colar sa tagong gubat" seryosong saad niya habang humihigop ng kape..


Ang pangalan niya ay Key Alexian Gregg .... magkasing eddad lang kayo at kagaya ninyo nagtataglay siya ng malakas na kapangyarihan at hindi niya pa ito alam at hindi rin ito alam ng nagdukot sa kanya....ang alam lang nila ay lumuluha ito ng perlas kaya nila dinukot" grabeh napatulala kami sa pinakitang pictures ni Jerico sa amin... grabeh napakaganda niya... Blonde ang kulay ng buhok niya na hanggang beywang at may asul siyang mata na napaka inosente


Napakurap na lang ako ng may tumikhim si Jerico lang pala.. Napatingin kami sa kanya at siya napakalawak ang ngisi sa amin

So ano ililigtas ninyo ba *smirk*" napatango tango nalang kami.. sino kayang tatanggi sa pagligtas sa isang napakagandang dalaga

The Spirit CatcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon