Vince's POV
Nandito na kami sa entrance ng gubat sa lupain ng mga Colar.. grabeh ang daming puno .. tch syempre gubat nga eh
So... ano----papasok ba kayo kung hindi ako ang unang liligtas kay miss beautiful" sabay hakbang ni Mark papasok pero di niya natuloy kasi maraming dumaan na palaso ngo pana..
yan nga ba ang sinasabi ko may mga patibong dito.. Wala kaming nagawa kundi iwasan ang mga palaso habang tumatakbo ng mabilis
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ha Hay malayo pa ba pagod na ako sa kakatakbo nating tatlo.. pwedeng magpahinga kahit one minute lang" tanong niya sa amin ni Blake
Tanga kaba gusto mong magkabutas butas yang mga katawan mo dahil sa mga palaso" napalingon naman ako sa paligid teka bakit wala ng palasong sumusunod sa amin? tumingin naman ako kay Mark na nakaupo habang nakapikit ang mga mata at nakangisi
Ano? pwede naba tayong magpahinga?" pagkatapos niyang sabihin yun bigla siyang dumilat at siya namang napapakilabot sa akin... ang mga mata niya ay biglang naging kulay abo kung gumagamit siya ng kapangyarihan... isa sa palatandaam ng Spirit Catcher kagaya ko----- naming tatlo
tch siguro pina hinto niya ang hangin na siyang nagpapa lipad ng palaso.. aba ang gago may pakinabang naman pala.. dahil sa pagod napaupo narin kami ni Blake
By the way si Blake nakakakontrol siya ng KALAYO, tahimik siya at wala ata akong narinig na salita mula sa kanya...
Si Mark naman ay nakakakontrol ng HANGIN, at siya ang pinaka ingay sa grupo namin...
Then ako which is Vince YELO naman ang kapangyarihan ko
at gaya ng sinabi ni Jerico kanina we are just 16 years old..
Alexian's POV
Napakainit argghh.. napakainit ng katawan ko para akong sinusunog arrghhh ang sakit parang may lumalabas na enerhiya sa katawan ko
Arghhh ahhh" napa luhod ako sa sakit at init nanararamdaman ko..... napahawak ako sa kamay ko na umaapoy ng kulay asul p-pero b-bakit??.....
tinititigan ko lang ito hanggang sa humina ito,, pahina ng pahina at nawala.. Nawala na rin ang sakit sa katawan ko na parang sinunog...
Bumalik ako sa pagkakaupo at tulalang tinititigan ang labas ng bintana...kailan ako makakalabas dito... Napakurap na lang ako ng may biglang may sumabog sa pader ng kwartong ito na naglikha ng malaking butas..
Agad akong lumabas doon, palinga linga ako sa paligid ng mapansin kong walang katao tao dito.. Nasaan sila yan ang nasa isip ko pero patuloy ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong pintoan
Agad kong binuksan yun dahan dahan.. Natuwa ako ng malamang yun ang fire exit palabas kaya dumaan ako doon
Bumungad sa akin ang isang gubat, naglakad lakad ako nang may nakakita sa aking grupo ng mga lalake siguro mga sampu sila
Pare yan yung bihag dali habulin natin!" sigaw nung isang lalake kaya tumakbo ako papasok sa gubat. wala akong kaalamalam sa dinadaanan ko basta tumatakbo ako...
Lumiko ako sa kanan at patuloy ang pagtakbo ng mapansin kong may tumatakbo rin na mga tao at parang nagpapaunahan sila kaya nakisabay ako sa kanila para di ako mahanap nung naghahabol sa akin
BINABASA MO ANG
The Spirit Catcher
FantasyI'm Key Alexian Gregg... Xian Cradse.... or should I say Diel Lou Primrose... the los----- ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ ooppss di ko muna sasabihin!!! hehe paki add nalang sa library ninyo key love you guys....
