Chapter 3

2 0 0
                                    


Kalalabas ko lang ng auditorium. Kakatapos lang ng meeting para sa new member at kasama ako doon. Hindi ko akalain na muntikan pang pagtalunan ng leader at ng co- lead ang pagiging member ko doon. Sa huli ay wala din nagawa ang bwiset na lalakeng yun kaya natanggap ako.

Pababa na sana ako ng hagdan ng biglang may umangkla sa braso ko. Gulat naman akong napatingin sakanya at sya naman ay wagas kung makangiti.

"Claire.."

"I didn't know na magkakilala pala kayo ni Kuya. Nakakatuwa kasi mukhang nakahanap sya ng katapat nya." sabi nya .

"Kapatid mo pala yung baliw na yun. Buti hindi ka nahawa sakanya." matabang kong sabi at sya naman ay napasinghap.

"Oh.. I think pangit ang first encounter mo sakanya. Mabait naman si Kuya and sweet. Cold lang talaga ang pakikitungo nya minsan sa iba." depensa nya sa sinabi ko.

"Hmm.. yeah pangalawang beses to at di ko akalaing ganun sya." sabi ko at di maiwasan maalala ang nagyari kanina.

--

"Then watch me." hamon ko at nagsimulang mag strum ng gitara. Tatlong minuto rin bago matapos ang kanta. Isa sa mga kanta ni Julie Anne SanJose ang napili ko. Nang matapos ay ngumiti ako sa ibang members ng grupo at bumaling ng tingin sa kanya.

Blanko. Yun lang ang nakikita ko. Samantalang ang babaeng katabi nya ay ngiting ngiti habang nakatingin sakin.

"So..Travis what did you say?" magiliw na sabi ng katabi nya.

"Walang emosyon. Next!" sabi nya at binalingan ang papel na hawak nya.

"Oh my God. No Travis. Kukuhain ko sya." may halong pag ka gulat at pagtatakang sabi nya.

"What? Hindi. That's final."

"Gahd! Pinalampas mo nga yung naunang dalawa kanina diba? Anong problema sakanya ngayon." napapairap na sabi ng babae pero hindi parin pinansin ng baliw na yon.

"I think theres no problem with me. He's just a coward crazy guy that's why. Ayos lang may isa pa naman akong choice." sabat ko at naghanda ng bumaba ng stage.

"No miss you stay. I have a rights to decide. So... your in." nakangiting sabi nya at binalingan naman ang baliw na iyon.

"Travis wag kang mamersonal. I don't know why you act like that. She have a voice at alam kong malaki ang magagawa nya sa grupo." sabi ng babae at sumenyas na tawagin na ang kasunod ko.

---

At yun nga ang nangyari. Nakakainis lang dahil ako lagi ang trip nya. Lumapit ako kay Jam na ngayon ay nakataas ang kilay at masama ang tingin sa kasama ko.

"Bakit kasama mo yan?"
"Kilala mo sya?" halos magkasabay na tanong nilang dalawa. Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Magkakilala ba kayo?" takang tanong ko.

"Hindi." sabay nilang sagot. Mataray ang pagkasabi ni Jam at normal ang kay Claire. Nagtataka parin ako kaya tiningnan ko silang dalawa.

"Sa tingin ko ay may gusto sya sa best friend ko at nagagalit sya sakin dahil ako ang laging kasama ni Zinc." paliwanag ni Claire. Tiningnan ko naman ng masama si Jam.

"What?! Is theres something wrong wrong with that?!" pagtataray nya inirapan ko muna sya. Hindi kaagad ako nakasagot dahil sumingit muna si Claire para mag paalam.

"Jam. Hindi masamang magkagusto. Umaakto ka na parang bata sa ginagawa mo. And according to Claire, mag best friend sila and theres nothing wrong para magalit ka sakanya. Natural lang naman na madalas silang magkasama. And God! Jam you pursuing the guy?! Hindi ko inaasahan na ikaw ang hahabol. Sa taas ng confidence mo at sa ugali mo, umaasa pa ko na sila ang maghahabol." dismayado kong sabi sakanya habang tinutungo namin ang parking lot.

"El.. support me na lang okay? Gusto ko talaga sya kaya nga dito ako nagpumilit na mag aral." gulat naman akong humarap sakanya matapos nyang sabihin yon.

"My god! Don't tell me sya yung matagal mo ng ini- stalk." iiling iling kong sabi pero tumango sya bilang sagot.

"I can't believe it." hindi makapaniwlang sabi ko sakanya.

*****

Nakarating na kami ng super market. Naisipan naming dito na dumiretso dahil ubos na rin ang stock sa apartment. Hanggang ngayon ay hindi parin maalis sa isip ko yung sinabi nya. Almost five years syang nag stalk sa lalaking yon at akala ko ay tumigil na sya yun pala kaya doon nya gusto mag aral dahil para sa lalaking iyon.

"El wag mo na nga isipin yun!" naiiritang sabi nya habang kumukuha ng mga can goods.

"How? You act like obsessed woman sa ginagawa mo." hindi parin makapaniwalang sabi ko.

"Bahala ka. Anyway, kamusta pala kanina? Balita ko gwapo daw yung leader ng club na yon. Totoo ba?" pagiiba nya sa usapan.

"Fine and No."tipid kong sagot.

"Kaylan nga ba nagkaron ng gwapo sa paningin mo. So, what his name?"

"Travis." tipid na sagot ko parin at tumungo sa stool na puro cookies.

"Oh Travis.. wait! Travis?! Oh my God El! Is he the guy last night?" gulat na sabi nya tumango na lang ako at nag busibusyhan sa wala.

Hindi parin ako tinigilan ni Jam ng malaman nya na yung baliw na yun ang leader sa Glee club. May sinasabi pa syang baka daw destined kami ng baliw na yun. Sinagot ko na lang sya ng 'over my dead body' pero tinawan lang nya at sinabi pa nyang baka kainin ko lahat ng sinasabi ko pag nagkataon. Nagkibit balikat na lang ako dahil wala pa naman sa isip ko ang mag boyfriend.

Eighteen pa lang ako at wala pa sa isip ko ang pumasok muna sa isang relasyon. Para kasi sakin tama na muna ang isang puppy love na naexperience ko dati, atleast hindi ako magmumukhang walang alam pagdating sa pakikipagrelasyon.

Halos tatlong oras kami bago matapos sa pamimili. Bago palang kasi samin to kaya hindi pa kami gaanong sanay. Nang makauwi ay kanya kanya kaming pasok sa kwarto. Kahit na hindi pa ko nakapag papalit ay agad kong binagsak ang sarili ko sa kama saka pumikit at hinayaang ang sarili kong matulog.

Nagising na lang ako dahil sa pagkalam ng aking sikmura. Kinusot kusot ko muna ang mata ko at tumingin sa orasan na nakapatong sa maliit na table sa gilid ng kama ko. Eleven thirty na pala. Tamad akong bumangon at tumungo muna sa banyo para maligo.

Nang matapos ay bumaba na ako at naghalungkat ng pwedeng makain. May nakita akong adobo at yun na lang ang ininit ko. Naglaro muna ko sa cellphone ko habang inaantay na matapos uminit yung ulam. May lumitaw naman na message galing sa unknown number at binasa ko iyon.

'Tomorrow. 3 pm sharp. Auditorium ' sabi sa text . Hindi na ko mamghuhula kung sino ang nagtext dahil halata naman na kung sino iyon. Sumagot na lang ako ng 'ok' dahil ayoko namang maisip nya na snober ako. Matapos yun ay sinave ko na ang number nya. Nangingiti pa ko habang tinitipa ang pangalan na nilagay ko sa number nya na
'Crazy Squid' at nagpaka busy na sa iniinit kong ulam.

*****

what do you think? Free to comment po. Pa vote rin.. thanks :)

When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon