Chapter 4

4 0 0
                                    


Business Managment ang first subject ngayon. Panay ang reklamo ni Jam dahil ang aga aga daw padudugin kaagad ang utak namin.

Nasa ganitong field kasi ang magulang naming pareho saka hindi ako makapag decide kung anong gusto kong kurso kaya eto muna ang kinuha ko. Pwede naman kasi akong mag masteral kung gugustuhin ko pa ulit mag aral. Pero kung ang bestfriend ko ang tatanungin ay sa pagkakaalam ko ay napilitan sya dahil iyon ang kondisyon ng magulang nya kung gugustuhin nyang mag aral dito.

Tumahimik ang buong klase. At lahat yata kami ay takot sa Prof. naming ito. Mahahalata mo na kasi sa itsura nya ang pagiging mataray at strikta. Nasa ugali din nya ang pagiging prangka. Naaawa pa nga ako sa nasita nya kanina at sinabihan na tanga. Tinanong kasi nito kung ano para sakanya ang business at siguro dahil sa kaba ay hindi nya nasagot ito ng maayos. Nagulat ako ng bigla syang maglakas ng boses.

"My God class! Are you aware that this is the course that you take? It's just a simple question! At hindi nyo masagot ng maayos. And class try to speak English, hindi kayo aasenso kung paiiralin nyo ang pagiging maka Pilipino nyo. We are in a modern world at mapag huhulihan kayo kung paiiralin nyo ang pagiging tanga." diretsahang sabi nya at naupo sa maliit nyang table sa harap. Ang ibang kaklase ko ay napasinghap at ang iba ay yumuko na lang.

"Ok I understand you guys. Kaya ganito ako sa inyo dahil gusto ko kayong maging muwang sa mga bagay bagay na nagyayari sa mundo. Hindi yung puro kayo tutok sa mga gossip or showbiz na nangyayari sa environment nyo. Wala kayong mapapala dyan. Yung kursong kinuha nyo ay seryoso. Hindi kayo pwedeng basta pa tyamba tyamba na lang. Nagiging prangka ako coz I want each of you to be evolve for a new one. Hindi na kayo mga bata. And college life is so serious to take. At mas lalo kayong dapat mag seryoso dahil sa kursong kinuha nyo." mahinahon at mahabang paliwanag nya. Tumango naman ang mga kaklase ko.

"Ok, next meeting ayoko na ng ganito. Mag advance reading kayo. Class dismiss." sabi nya at saka lumabas. Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi nyang iyon. At ang tahimik na klase kanina ay nagsimula ng magingay.

"Grabe El. Pag sa klase nya talaga lagi akong kinakabahan." si Jam at umangkla na sa braso ko. "Sa cafeteria muna tayo, ang aga nya nag palabas. May 1 hour pa bago next class." dugtong nya at hinila na ko papalabas.

Nasa cafeteria na kami ngayon. At pumuwesto ulit ako sa sulok kung saan ako naupo kahapon. Kaunti lang ang studyante sa loob. Hindi pa naman kasi oras ng break.

"Mukhang may practice kami mamaya. Nag text kasi yung club lead at sabi mag meet daw mamayang 3. After class." sabi ko habang dinidip yung fries sa mayonnaise. "Kung gusto mo mauna ka na umuwi o may practice din kayo?" dugtong ko at saka tumingin sa kanya. Umiling lang sya.

"Wala pero antayin na kita. Doon muna ko sa gym mamaya. Manuod ako ng try out ng basketball." sabi nya at hinarap na ang kanyang cellphone.

"Ok." pagsangayon ko na lang.

Napatingin naman ako kay Claire na kakapasok lang. Nakita nya rin siguro ako kay kumaway sya at lumapit dito.

"Hi!" bati nya na syang nag pasimangot naman sa bestfriend ko. Pero kaagad din namang nawala yun ng makita nya yung kasamang lalaki ni Claire.

"Tabi na kami sa inyo ha." sabi nya at naupo sa upuan sa harap ko. Umalis naman yung lalaki para bumili siguro ng pagkain.

"May meeting mamaya. Sabi ni Kuya pipili daw saatin ng tatlo or apat para sa kakanta sa acquaintance party na magaganap pagkatapos ng election." tumango tango naman ako. Dumating na rin yung lalaking kasama nya at umupo sa harapan ni Jam.

"Oh by the way he's my best friend. Si Zinc, captain sya ng basketball team ng school."pakilala nya sa lalake. Nginitian ko muna si Zinc bago tumingin kay Jam na kasalukuyang di mapakali sa kinauupuan nya. Captain huh? Kaya pala gusto manuod ng try out mamaya.

When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon