Chapter 5

1 0 0
                                    


Sumulyap ako sa relos ko. Napakagat labi ako ng makita ko kung anong oras na. Nine na at nagsisimula na rin ang pagdagsa ng mga tao. Kanina pa ko tinatadtad ng text ni Jam pero binalewala ko lang iyon. Hindi pa kasi nagsisimulang tumugtog ang banda nila Travis. At naiinip na ko dahil ilang oras na rin akong nakaupo dito at nagmamasid sa mga taong dumadating.

"Hey girls, drinks?" sabay lapag ni Axe - yung lalaking kausap ni Claire kanina ng kulay pulang inumin. Hindi ko alam kung anong tawag doon dahil bago pa saakin ang lahat ng yon.

"Uhmm.. ano.. bawal kasi.." pinutol agad ni Claire ang pagtanggi ko matapos nyang inumin yung sakanya.

"Hindi ka naman malalasing agad dyan. Saka minsan hindi masamang sumuway, for experience you know." kibit balikat nya. Humalakhak naman si Axe na nasa harap nya.

" Oo nga naman EJ. You should experience our lives being teen. Liipas din yan. Wag ka masyadong magpaka bread winner." napangiwi ako sa sinabi nyang iyon. But I understand what his point. Ayoko lang talagang ma disappoint sila Mommy pag gumawa ako ng mga bagay na ganito. I'm the only child at alam kong mataas ang expectations nila para sakin.

"Uhmm.. ok." pag suko ko saka kinuha yung inumin at mabilis na nilagok. Ngumisi naman si Claire at sumenyas naman si Axe na humihingi ng isa pa. Medyo napangiwi ako, kahit naman kasi hindi gaanong karamihan ang alcohol content nun ay may posibilidad parin na malasing ako. And God! Hindi ko alam kung bakit nagugustuhan ko rin gawin ito.

Sinabihan ako ni Claire na dalawang minuto na lang at magsisimula na. Ininom ko ulit ang pangatlong cocktail na binigay ni Axe. Medyo ramdam ko na ang paginit ng katawan ko at konting pagkahilo. Naalala ko hindi pa pala ako nakakapag dinner kaya siguro mabilis akong tamaan. At isa pa ito ang unang beses kong nakainom. Hindi naman ako mangmang pagdating sa ganitong bagay. Umiinom si Dad at minsan ako pa ang taga pag salin nya sa baso nya at nagaasikaso sakanya pag may hang over sya. Ang iniisip ko ngayon ay malalagot ako kay Jam pag nalaman nyang umiinom ako ngayon. Hindi ko alam kung kukunsintihin ba nya ang kagagahan kong ginawa. And speaking of...

Matagal ang pagvibrate ng cellphone ko sa aking bulsa at alam kong hindi na text ang natanggap ko. Sumulyap ako sa stage na kasalukuyan palang nagsisimula sa pagtugtog. Kinuha ko ang phone at sinagot iyon bago mamatay at sumenyas kay Claire na lalabas muna ko. Tumango naman sya at bumaling ng tingin sa Kuya nyang kumakanta ngayon.

Hindi ko pa naitatapat sa tenga ko iyon pero dinig na dinig ko na agaf ang naghaharumentadong Jam.

"Shit ka El!! Anong oras na! Ako malilintikan sa ginagawa mo eh!" sabi nya

"Ano.. kasi ngayon palang kasi nagsisimulang tumugtog -." binara nya agad ang sasabihin ko.

"I don't care. Itext mo sakin ang lugar ng bar na yan dahil hindi ko gugustuhing pati ako mapagalitan dahil sa kalokohang ginawa mo." sermon nya. Kahit di ko sya nakikita ay alam kong umiikot ang mata nya habang sinasabi iyon.

" I'm with Claire at saka hihintayin ko munang matapos yung ano.." hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil sa hindi ko malamang dahilan.

"Just text me kung saan yan okay! Susunduin ka namin ni Kuya Ping. At saka hindi na rin naman ako makapag antay na sungalngalin yang Claire na yan. She's bad influence to you. My God!" frustrate na sabi nya. Wala naman akong nagawa kundi tumango kahit hindi naman nya ko nakikita.

Pumasok na ko sa bar at inabutan ko paring tumutugtog ang banda nila Travis. Tumingin ako sakanya at nagulat ako ng makita kong nakatingin din sya sakin habang kumakanta. Love song ang kinakanta nya ngayon kaya naaasiwa ako sa pag titig nya sakin. Hindi ko alam kung ano nanamang trip nya kaya ako na ang unang nagiwas ng tingin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon