Chapter 2

3 0 0
                                    


Kinabukasan ay maaga kaming pumasok kahit expected na namin na walang klase. Gusto ko sanang magpatanghali kaso masyadong excited si Jam para sa sasalihan nyang club. Sa Dance Troupe sya sasali at ako naman sa Glee club. Actually marunong din naman ako sumayaw kaya lang mas passion ko ang pagkanta. At nadala na rin ako last year dahil sa pagpipilit sakin ni Jam. Napilayan kasi ako at ilang buwan din akong hindi nakalakad. Kaya siguro hindi na rin sya nagpumilit ngayon na parehas kami ng club na sasalihan.

Patungo na kami sa Gym dahil sinabihan na ang lahat ng freshmen na magtungo doon. Ramdam na ramdam ko ang pagkunot ng noo ko kasabay ng pagikot ng mata ko. Tuwang tuwa pa naman ako noong unang araw ng pasok dahil walang pa welcome welcome at orientation na magaganap. Yun pala malelate lang sila ng isang linggo.

"Gahd! Jam bat kaylangan pa ng ganito? College na tayo at hindi na tayo bata para magkaron pa ng event na ganito. Pwede naman ung club hunting na lang yung maganap. Kakainis! Para silang mga ewan." reklamo ko.

"Bakit sakin ka nagrereklamo? Dun ka magsabi sa nag orgamize ng program. Ikaw tong parang ewan dyan e." sagot nya na di man lang ako masulyapan dahil busyng busy kapipindot ng cellphone.

"Palibhasa pabor sayo e." sabi ko habang hinahagilap yung iba pa naming kaklase. Nang makita ko naman sila ay kaagad kong hinablot si Jam at mabilis na naglakad patungo doon.

Isang oras din bago matapos ang program at inanunsyo na sa lahat na pwede na kaming mamili ng kanya kanyang club na sasalihan. Hanggang dalawa ang pwedeng salihan kaya lang mas gusto kong isa na lang dahil ayoko rin naman mapuno ang schedule ko.

Nagpaalam na ko kay Jam para makapila sa club na gusto ko at ganun na rin ang ginawa nya. Pang sampu yata ako sa lahat ng nakapila at mayroon pang nakapila sa likod ko. Hindi ko inaasahan na ganto karami ang may gustong makasali dito.

Karamihan halos babae at parang mga kiti kiting di mapakali at panay ang tingin sa kani-kanilang salamin.
'Sa pagkakaalam ko boses ang pagbabasihan dito hindi mukha.' Nagkibit balikat na lang ako at napairap sa kawalan. Bumalik naman ako sa ulirat ng tawagin na ko ng babae na nakaupo sa table.

"Miss lagay mo na dito yung pangalan mo tapos fill up -pan mo na din yung ibang detail." sabi nya na sinunod ko naman. Matapos yun ay maypahabol pa syang sinabi. "1 pm mamaya sa auditorium. Magdala ka ng minus 1 na kanta na gusto mo o kaya pwede rin may gamit ka na instrument. " tumango na lang ako at nginitian sya saka umalis.

Tinext ko na lang si Jam na sa cafeteria na lang kami magkita. Dumiretso na ko sa counter at saka pumili ng tanghalian. Pasta at pine apple juice ang binili ko. Hindi rin kasi ako nakakain ng maayos kaninang umaga at mukhang kaylangan kong kumain ng marami para may energy din ako mamaya.

Tinungo ko ang table sa may sulok at doon na upo. Napabaling ang tingin ko kay Jam na kakapasok lang at papalapit na sa kinauupuan ko.

"Grabe ha! Porque gwapo lang yung kumukuha ng pangalan sa club na yun dinagsa na ng mga babae. Sa tingin ko naman wala talaga silang talent sa pagsayaw." kwento nya agad. "Saka mamaya na rin nila pipiliin yung pwedeng maging member sa club. Pero syempre alam ko namang mapapasama ko don." taas noong sabi nya at napairap na lang ako.

"Mamaya na rin yung sakin e. Kaso di ko pa alam kung anong kakantahin ko. Buti pinadala mo yung gitara kakaylanganin ko rin pala." at nagsimula ng sumubo ng pagkain ko.

"Ako pa! Malakas instinct ko sa ganitong bagay. Wait lang tungo lang akong counter." paalam nya . Tamango na lang ako at saka tinuon ang pansin sa kinakain ko.

Natapos na kaming mag lunch. Kinuha ko muna yung gitara. Iniwanan ko lang kasi yun kanina sa kotse bago pumasok.

Nang makarating na ko sa auditorium ay medyo marami na din silang nandoon. Karamihan ay may dala dalang mga gamit na gagamitin mamaya o di kaya ay minus 1 na cd nila. Ilang minuto pa ang aantayin ko bago magsimula. Inilabas ko muna ang gitara ko at kinalabit iyon na naglikha ng munting tunog. Napansin kong tinitingnan ko ng babaeng medyo malapit sa kinauupuan ko. Nginitian ko na lng sya at ganun din naman ang ginawa nya.

"Buti ka pa hindi kinakabahan. Nadinig ko kasi yung bulong bulungan ng iba. Strict daw yung leader. Ang tinitingnan daw yung emosyon sa pagkanta at yung timbre ng boses. Hindi daw basta basta kumukuha ng basta may boses lang." mahabang lintaya nya at medyo simangot ang mukha.

Medyo kinabahan naman ako sa sinabi nya. Confident naman ako sa boses ko dahil minsan na rin akong nag voice lesson. Pero kung pagbabasihan sa emosyon hindi ko sigurado kung magagawa ko kahit na minsan ay damang dama ko ang pagkanta.

"Sa tingin ko yung iba gusto lang makita yung leader kaya gustong sumali ng club. Sabi kasi gwapo daw yung leader. Ewan ko, parang hindi naman." at nagkibit balikat sya. "Ay! Kanina pa kita dinadaldal dito. Hindi pa pala ko nakakapagpakilala. I'm Sing Claire. " magiliw nyang saad at inilahad ang kamay nya.

"Elizsandra Jamice. Eliz na lang or EJ." at nakipag shake hands sakanya.

Naalarma naman kami ng mag si datingan na ang mga member ng club at kasama na ang leader doon. Kanya kanya silang sabi ng goodluck pero mas napukaw naman ang atensyon ko kay Claire na umiirap sa kawalan.

"Gwapo ba yan? Itsura nya. Feel na feel naman nya." parang naiinis na sabi nya. Napangiti naman ako at pilit na tinitingnan kung ano nga ba talaga ang itsura nung leader. Masyado akong na cu- curious dahil ganoon makaangal si Claire.

Nagsimula na sila. Mabilis natapos ang apat. Dalawa ang nakapasok at ang dalawa ay hindi. Umakyat na ang panglima doon sa stage. Hindi ko mawari ang itsura nya. Namumula sya at parang namamalipit. Hindi ko alam kung matatae ba sya na ewan.

Nagsimula na syang kumanta. Wala pa sya kalagitnaan ay napapangiwi na ko sa nadidinig ko sakanya.

"Stop!" naiiritang sabi nung leader. Nadinig ko naman ang pag hagikgik ni Claire. "Miss hindi kami naghahanap ng taga basa ng pasyon dito na mali ka yata ng gustong salihan. Next!" walang emosyong sabi nya na nagpasinghap maging sa member ng kanyang grupo.

"Pang nine ako kasunod kita. Goodluck ha. Wala kasing girlfriend yan kaya masyadong mainit ulo walang mapaglabasan. Hahaha biro lang." pilyang sabi nya.

"Huh? Kilala mo ba yung leader?" Nagtatakang tanong ko. Sasagot na sana sya nang biglang tawagin ang pangalan nya. Nag kibit balikat na lang ako. Mabilis natapos ang tatlo pang nauna samin. Magkakabarkada pala ang apat na iyon at ang gusto nga lang ay makita ang leader.

Kinalma ko muna ang sarili ko dahil ako na ang susunod. Tatlong minuto at natapos nang kumanta si Claire. Wala akong maipintas sa boses nya. Maganda iyon at walang pumalyang tono. Love song ang kinanta nya at puno ng emosyon ang bawat salitang binibigkas.

"Ok, Next." matabang na sabi ng leader. Napansin ko ang pagkunot ng noo at pagtaas ng isang kilay ni Claire. Lalo tuloy akong nacurious sa itsura nung lalake dahil sa inasta nya.

"What? Wala ka manlang masasabi?" may bahid ng pagtataray nyang sabi.

"God! Alam mo kung anong gusto ko diba? Pero gusto mo yan so I have no choice. Next!" naiiritang saad nya. Medyo nataranta naman ako dahil mukhang uminit ang ulo nya dahil sa pagsita sakanya.

"Goodluck Eliz." ngumiti si Claire kahit alam kong naiinis parin sya dahil sa kanina. Tinanguan ko na lang sya at umakyat na sa stage.

Umupo ako sa isang high chair doon at inayos ang gitara ko. Pumikit muna ko ng ilang segundo at saka huminga ng malalim. Pagkadilat ko ay bumungad sakin ang lalaking nasa gitna at pilyong nakangiti. Ramdam na ramdam ko ang paginit ng mukha ko at ang pagkalukot ng mukha ko dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon.

"So... you are Elizsandra Jamice? Nice name. Sana maganda rin ang boses baka kasi mamaya ako lang rin ang tinungo mo dito." pagyayabang na sabi nya. Umirap ako.

"Then watch me." hamon ko at nag concentrate sa hawak kong gitara.

*****

:) comment and vote.. thanks!

When I FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon