Chapter 7

196 8 4
                                    

***7***

Pinunasan muna ni Audrey ang kanyang mga luha at tumingin sa kanyang katabi. Binigyan niya 'to ng tingin na parang nagtataka. Napansin niya din na parang pamilyar ang mukha ng lalaking ito. 

"Huh?! Partner?" Sa wakas, may lumabas na sa bibig niya.

Ngumiti ang lalaki at nagsalita. "Oo, ako yung partner mo sa research paper." 

Napagtanto niya na isa nga 'to sa mga kaklase niya. Kaya pala pamilyar ang mukha. Ang pinagtataka lang niya kung ito ngang lalaking 'to ang partner niya sa research paper, bakit wala 'to kanina sa klase?

"Anung pangalan mo?" Tanong niya sa lalaki.

"Alexander" Casual na tugon sa kanya ng lalaki.

Napaisip siya. Saka niya lang nalaman na itong Alexander na 'to ay isa sa mga sikat sa batch niya. Varsity kasi 'to ng basketball. Si Alexander din ang sinasali ng klase nila sa contests. Bukod kasi sa magaling  'to sa basketball, matalino din. Pero bilang kaklase, hindi niya talaga 'to ka-close. 

"Surname, please?" Gusto kasing malaman ni Audrey kung sino si Alexander sa mga absents kanina.

May binatong maliit na bato si Alexander sa dagat at saka sumagot. "Natividad"

Humurap muli si Audrey sa dagat, naging mas mabilis at malakas ngayon ang hampas ng mga alon. Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Malapit na din mag ala-sais , hudyat ng paglubog ng araw. 

Huminga muna ng malalim si Audrey at saka humarap kay Alexander. "So.. kanina, sa tingin mo ba, kaya ako umiiyak ay dahil wala akong partner sa research... kaya mo sinabi yun?"

"'Ahmm..." Huminto saglit si Alexander at ngumiti ulit. "Oo." 

Imbis na mainis ang dalaga, tumawa ito. Yung tawa niya na parang walang pinoproblema. Nakatitig lang sa kanya si Alexander habang pinagmamasdan siya sa pagtawa. 

"Sa wakas, tumawa ka din. Mas-cute ka tignan."

Nahinto ang pagtawa niya nung magsalita si Alexander. Bigla ulit naging seryoso ang mukha niya. "Ewan ko sayo!" 

Tumawa naman si Alexander sa naging reaksyon niya. Nagkaroon muli ng katahimikan, sapat na para marinig nila ang huni ng mga ibon pati na din ang paghampas ng mga alon. Kasabay nito, ang panonood nila ng paglubog ng araw. Biglang naalala ni Audrey ang mga oras kung saan kasama niya si Jay habang pinanonood din ang paglubog ng araw. Unti-unting lumalabo ang paningin niya dahil nagbabadya na namang pumatak ang kanyang mga luha. Napayuko siya. 

Napansin ni Alexander na biglang naging malungkot si Audrey. "Hoy, iiyak ka na naman?" 

Pinipilit ni Audrey na 'wag umiyak. Kaya panay ang lunok niya.. nagkunyari pa siyang napuwing para mapunasan niya ang gilid ng kanyang mga mata. Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang ulo at bahagyang humarap kay Alexander. "Hoy ka din... 'di ako ii----" 

"Okay lang naman eh.. umiyak ka lang kung gusto mo. Pero tandaan mo, walang mangyayari kung iiyak ka lang." 

Literal na napanga-nga si Audrey. Biruin mo? Ang bibo na si Alexander... magsasabi ng ganun? Ilang sandali lang, na-realize ni Audrey na nakanga-nga siya kaya pinili na lamang niyang magsalita. "Sabing hindi nga a----" 

Sa ikalawang pagkakataon, hindi siya ulit pinatapos magsalita ni Alexander. Niyakap lang siya nito. Nung una nagpupumiglas pa siya at pinilit na kumakalas sa pagkakayakap... kaya lang, hindi siya pinakawalan ni Alexander. Ayun.. sa huli, malumanay niyang isinandal ang kanyang ulo sa likod ng binata.

Trust Once, Regret ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon