Chapter 2

208 11 0
                                    

 ***2***

As the bell rang, Audrey hurriedly stood. She doesn't want her boyfriend to make him wait. Yes, she has a boyfriend. Inamin niya sa sarili niya na hindi niya talaga to mahal. Pero, pinipilit niya ang sarili niya na mahalin si Jay kahit papano. 

Kaya lang bago siya lumabas ng classroom, bigla na lang may nagsalita sa speaker. Ang maingay na kwentuhan ng mga estudyante ay biglang nawala. Audrey's ears abruptly twitched after hearing a familiar voice. Sigurado siya na si Leila yun. She 'tsk' and left the room. Kaya lang, muling napako ang kanyang mga paa matapos niyang marinig ang mensahe mula kay Leila.

 "Audrey, alam kong naririnig mo to. Gusto ko lang mag-sorry sa lahat ng ginawa ko."

Mula sa labas ng classroom ay pinagtitinginan si Audrey ng mga estudyante. Pero hindi niya 'yon pinansin. Nakasentro lang ang mga tainga at atensyon niya sa taong nagsasalita sa buong campus. Hindi niya mawari kung bakit parang lumalambot ang kanyang damdamin. 

 "Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko ginawa 'yon sayo. Tinuring kitang kapatid, pero sinira ko 'yon. I'm so sorry.."

Unti-unting nababasag ang boses ni Leila. Anytime, alam mong iiyak na to. On the other hand, Audrey heavily sighed. May kung anong p'wersa kasi na tumutulak sa kanya sa principal's office.. gusto niyang puntahan ang kanyang best. Yakapin ito at tuluyang magsimula ulit. Pero tama pa ba? Ang magtitiwala siya ulit?

"Patawarin mo na ko..." That's it.. Leila finally sobbed. "...best..." 

Ang kaninang katahimikan ay napuno ng bulungan. Merong sumasang-ayon kay Leila at meron namang hindi. Actually, pati ang puso't isipan ni Audrey ay hindi magkasundo. Kung puso ang susundin niya, papatawarin niya si Leila. Kung isip naman, ay hindi. 

Pero sino ba naman siya--- isang Audrey. Tanga na kung tanga.. tumakbo siya papuntang principal's office. Hindi niya pinansin ang gulat at bulungan ng mga estudyante sa paligid. Two long years had passed.. sino ba naman siya para hindi magpatawad? At sa bestfriend pa niyang tinuturing niyang kapatid. 

 As soon as Audrey entered the principal's office, she ran towards Leila and hugged her tight. Narinig ng dalawa ang pang-aasar ng kanilang principal. "Jusko.. daming arte magbabati din naman." They both laughed. Na-miss ni Audrey to... ang yumakap sa kanyang bestfriend, ang makipagtawanan sa kanyang bestfriend. Lahat-lahat. Hindi niya akalaing sa dalawang taong  nakalipas, nasa puso pa din niya  ang closure nilang mag-bestfriend. Na kaya pa din pala niya itong patawarin. 

 Is it time for Audrey to trust again? I think she answered it already. 

--

Tinext ni Audrey si Jay, ang kanyang boyfriend, na magkita na lang sila sa labas. Kasama niya ngayon ang kanyang bestfriend, si Leila at ang boyfriend ni Leila na si Zac. Yes, bestfriend na ulit sila. Although, inamin ni Audrey na hindi na katulad ng dati but still, they promised to each other that they will do anything para bumalik lahat sa dati. Todo sorry si Leila sa kanya.. ganun din naman siya. At ang kanyang ex.. na boyfriend naman ngayon ni Leila? Ayun, todo sorry din. Well dalawang taon na nga ang nakalipas.. aaminin niya may konting gusto pa din siya dito. Pero hindi na ganun kalala, Jay is already with her. 

Nakarating na sila sa labas pero hindi pa din makita ni Audrey ang presensya ng kanyang boyfriend. 

Ilang sandali lang, nakaramdam siya ng pagyakap. Jay hugged her from behind. She smiled. Naamoy niya ang pabango ng kanyang boyfriend. Inaamin niya, kinikilig siya. 

"Yieeee... sweet!" Pang-aasar sa kanila ni Leila. 

 Ngumiti sina Audrey at Jay. Pinipilit tanggalin ni Audrey ang pagkakayakap ni Jay sa kanya. Pero nagpumilit ang binata.. lalo pa niyang hinigpitan ang yakap dito. Samantalang si Audrey, namumula na sa hiya, dahil inaasar siya ng kanyang bestfriend at pinagtitinginan sila. At the same time, dahil sa kilig. Ikaw kaya yakapin ng pinakagwapo at pinakasweet na nilalang? 

Nagpaalam na sa kanila sina Leila at Zac.

 Kumalas sa pagkakayakap si Jay at inabutan ng isang cute na teddy bear si Audrey. "Teddy Bear.. para san kaya 'to?" Sabi ni Audrey sa kanyang sarili.

Napansin ni Jay ang pagtataka sa itsura ni Audrey kaya naman agad niya itong tinanong. "Huwag mong sabihing nakalimutan mo?" 

Lalong nagtaka si Audrey. Umabot ng dalawang minuto bago niya malaman kung para saan ang teddy bear na 'yon. Napa-facepalm tuloy siya. "Shet. Sorry! Monthsary nga pala natin ngayon." Sabi niya sabay yakap kay Jay.

Ngayon ang ikalawang buwan ng pagiging mag-syota nila. Hindi naman sa nakalimutan ni Audrey, talagang hindi niya lang ito binibigyan ng pansin. Eh sa hindi nga niya mahal si Jay. 

"Sus. Wala 'yon!" Sabay halik ni Jay sa ulo ni Audrey. "Tara kain tayo sa favourite mong Jollibee." Tumango si Audrey bilang pagsang-ayon habang nakayakap pa din sa kanyang boyfriend.

Pinangako ni Audrey sa kanyang sarili... simula ngayon, kung kinakailangang itulak niya ang sarili para kay Jay ay gagawin niya. Gusto niya itong mahalin.

--

Masayang humiga si Audrey sa kanyang kama. Siguro nga ito na ang pinakamasayang araw niya. Nagkabati na sila ni Leila at ngayon niya lang na-realize na mahal pala talaga siya ni Jay. 

Umikot-ikot siya sa kama habang inaalala ang ka-sweetan ng kanyang boyfriend kanina. Napahinto naman siya dahil may napansin siyang naka-rolyo na white bond paper na nakasukbit sa kanyang hand bag. Nagtataka siya kasi hindi niya na to nakita kanina.. or sadyang hindi niya 'to tinignan. 

Walang pagaatubili niyang kinuha 'yon mula sa kanyang bag at tinanggal sa pagkakarolyo. 

"If you're hurt.. just run and I'll CHASE you."

Trust Once, Regret ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon