Chapter 9

195 7 2
                                    

***9*** 

Nabitawan ni Audrey ang hawak niyang ballpen dahil sa kanyang nakita. Pati ang kanyang mga luha ay tumigil sa pag-agos. Tumingin siya sa binata, ang kanyang mga mata ay puno ng pagtataka, lungkot, at galit. Iisang Chase lang ang pumasok sa isipan niya, yung taong nagpapadala at nagpapakita sa kanya ng kung anu-anong mensahe.

"Ikaw 'yon?" she said with full of disbelief.

He glanced at her, his face was completely serious. Afterwards, he nodded.

She left a heavy sigh. Hundreds of ideas are keep on circulating on her head. The name 'Chase' is not the only thing that makes her deeply think. Bumalik sa kanya yung nangyari sa canteen.. hindi siya pwedeng magkamali sa kanyang narinig, sigurado siya na tinawag ni Alexander si Leila ng 'ate'. Bago pa man siya mabaliw sa kakaisip, isang tao lang ang makakasagot ng lahat ng mga tanong niya.

"Ate mo si Leila?" she asked.

Yumuko si Alexander, "Hindi ko siya ate, ako ang mas matanda sa kanya.. kaya kuya niya ko. Nag-stop ako nung Grade six dahil sa financial problem kaya magka-batch tayo."

Lalong naguluhan si Audrey. "Huh?? Ba't kanina tinawag mo siyang ate?"

Inangat ng binata ang kanyang ulo at tumingin ng diretso kay Audrey. "Dahil 'yon ang gusto niya. Gusto daw kasi niya maging ate. Kaso lang nung nakunan si mommy, wala na ulit sumunod.. kaya ayun, malungkot nun si Leila. Kaya I told her that I'll call her 'ate'. Pero nung patanda na siya ng pata----"

Hindi na pinatapos ni Audrey kung anu man ang sasabihin sa kanya ni Alexander. She immediately stood. Inaamin niya, gulong-gulo pa din siya sa mga nangyayari, pero gusto muna niyang magpalamig ng ulo. Gusto niya munang lunukin kung anu man ang nanyayari sa buhay niya ngayon.

Tumalikod na siya, pero hinigit siya ni Alexander sa kanyang kanang braso at iniharap.

"Let me finish first, please."

She transferred all her burden to his right hand and slapped Alexander.

"I thought you're different from them."

Tumalikod na siya at tuluyang umalis. She keeps on blaming herself from being a fool again. Kung siguro naging mas maingat siya hindi siguro siya nasaktan ulit.

--

Kinabukasan, hindi pumasok si Audrey. Nagpaliwanag naman siya sa kanyang mama na masakit ulo niya. Pumayag naman ito, alam niya kasi na sakitin ang anak niya.

Ten o'clock na ng umaga nang magising si Audrey. Dahan-dahan siyang tumayo at pagewang-gewang na pumunta sa banyo. Napansin niya ang mugto niyang mga mata sa salamin. 'Nakakapagod na umiyak' she said to herself. Nagmumog at naghilamos na siya, saka humilata ulit sa kanyang kama. Paikot-ikot lang siya sa kanyang kama habang unti-unti na namang niyang naaalala lahat.

Huminto siya sa right side edge ng kanyang kama, nakita niya kasi sa lamesa yung teddy bear na binigay sa kanya ni Jay nung second monthsary nila. Kinuha niya 'to at pinagmasdan. The moment she stared to that teddy bear, she remembered Jay. She immediately threw the teddy bear.

She closed her eyes again. And after ten seconds, she heard a knock on the door. Alam niya na Mama niya yun at dinalhan siya ng pagkain. Idinilat niya ang kanyang mga mata at bumangon. Nakayuko siya nun habang ang hawak ng kanang kamay niya ang doorknob.  

Huminga muna siya ng malalim saka binuksan ang pinto.

"Salamat ma." matamlay niyang sabi habang nakayuko.

Trust Once, Regret ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon