An All-Out Game of Love [2]

157 17 9
                                    

sa chap na 'to madami ang nagka POV dahil mga pasikat ang mga yun sa pagkukwento kaya ayun pagpasensyahan nalang dahil makukulit e ayaw ako tantanan kung hindi ko bigyan :D enjoy!

----------------------------------

Chapter 2

Tara's POV

Nandito na kami sa bahay ready na nga ang lahat merong mga pagkain, drinks at iba pa. Ganyan ako ka adik hehe para sa basketball game hinihintay nalang namin na magsimula na. Nakasuot ako ngayon ng isang cap na may nakasulat na Dong Shang Go!! at syempre pina suot ko rin ang mga BG ko, dapat supporter rin sila dahil ako ang boss nila hahaha.

"Malapit na magsimula" sabi ko "kaya dapat i cheer natin sila!!" utos ko. Ginawa naman nila at nagsigawan sa pagchi cheer "Long Live Dong Shang!! Fight Fight Fight!!" habang ako sinasayawan ko ang cheer "Long Live Dong Shang!! Fight Fight Fight!!" sayaw lang kami ng sayaw habang nagchi cheer feel na feel ko kasi ang moment na mananalo talaga sila.

"Ang ingay! nakakabulabog kayo ng tao" galit nyang sabi.

Liningon ko ang nagsalita at nagulat ako sa nakita ko "Pa, andito ka??"

"Diba sinabi ko sayo na dapat Honorable Father ang itawag mo saken ikaw pa naman ang successor ko"

"Sorry po Honorable Father" tss ganto talaga papa ko masyadong gusto na rinerespeto siya.

"Chenisse diba pinayagan ko na kayo na manuod nyang basketball game na yan?" tumango lang ako "at bakit ganto?" tanong ni papa sabay tingin sa paligid "hindi ba exaggerated ang paglagay dyan ng projector meron naman tayong TV ah"

"Eh pa" pinandilatan nya ako ng mata "Aiy este Honorable Father ngayon lang naman 'to kaya please pagbigyan mo na kami" please with puppy eyes pa ako sa kanya.

"O sige basta wag ng maingay ok?" tanong nya at nag ok sign ako pabalik "atsaka ikaw Chenisse ha" sabay turo saken "Nahahalata ko na nawawala na yung pagiging refine at ladylike mo ikaw pa naman ang successor ko kaya dapat yan ang inaasal mo"

"Ha? e Honorable Fother! sino bang may kasalanan?" sarcastic kong tanong habang nakapameywang "e ikaw nga tong pinag-aral ako ng taekwando, karate, judo at yung ... " di na ko pinatapos ni papa at nagsalita "Ginagawa ko lang yun para pagdating ng panahon you'll learn how to defend yourself ... hindi yung ganto" litanya ni papa sabay kilatis saken "umaasta kang parang lalake"

---------------------

Josh's POV

Papunta na ako ngayon sa 13 streets arena. Malapit na rin kasi magsimula ang game, nakasakay ako ngayon sa motor ko habang pumapasok sa arena. Ang daming supporters na nandito at kitang kita na excited na sila para sa kung sino man ang mananalo.

Napahinto ako sa pag dra drive ng motor ko dahil may nadapa na babae sa unahan. Bumaba ako at tinulungan sya "Pasalamat ka ako ang muntik ng makabangga sayo dahil kung si Jazzen pa yun ... magagalit talaga sya sayo" at ayun tumayo na.

An All-Out Game of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon