Chapter 3.1
Jazzen's POV
Nandito na ko sa bahay and I really need a rest. Mabuti naman at tahimik lang dito at walang party nabalitaan na siguro nila kanina na talo kami.
Pagliko ko sa living room, sumalubong sa akin ang madaming tao "Surprise!!" sigaw nilang lahat at nagsilapitan na saken.
"Jazz apo, pinanood kita kanina at ang galing galing mo talaga ... naipasok mo yung blue na bola at napatumba mo yung mga balls. Strike! ang galing mo talaga sa bowling apo" tss pati si lola walang alam.
"La, basketball po yun" pag correct ko sa kanya "Ah yung blue na bola! very good" at kinamayan pa ako. Matanda na talaga, di na alam ang pinagsasabi.
"Jazzen we're so proud of you, your'e such a basketball pro" - guy 1
"Yeah oo at nakita namin yung ipinamalas mong mga skills para manalo kayo" - guy 2
Nakakainis na 'to ha! Congratulations and were so proud of you ang mga bukam bibig. Halata namang wala silang alam at di man lang nanuod nung game ko.
"Salamat sa pagdalo but hindi kami nanalo, kung nanuod lang kayo ng game kanina sana malalaman nyo na talo kami ngayon kaya there's no use for this party" galit kong sabi at pina alis na sila. If I know plano 'to lahat ni Dad, wala naman talaga syang pakialam saken e, tingnan nyo nga nagpa party kahit talo ako. So fake, tss ginagalit ako lalo e.
"Sir Jazzen pinapatawag po kayo ng papa nyo" sabi nung buttler namin. Pinuntahan ko nalang sya sa study room.
"Ano yun Dad?" tanong ko pagkapasok ko "You left your car in the middle of the road?" tanong nya. Ah oo, kaya nga pala na late ako kanina sa basketball game dahil na flat yung kotse ko. Sa tingin ko nga yung kasamahan ng unggoy na babae ang gumawa nun kasi sinadya talagang butasan ang gulong "Ah yes dad, na flat kasi" sagot ko.
"At iniwan mo lang ito sa sasakyan mo?" yung case na may laman ng laptop ang tinutukoy nya "That's very stupid Jazzen! bago ka gumawa ng kung ano ano man make sure to think things properly!" galit nyang sabi saken "pano nalang kung may nakakita nitong mga secret files?"
Talagang magagalit si dad dahil nandun kasi ang mga papeles na na pag-usapan namin ni Mr. Ramos but Im not dumb as what my dad thinks "Yeah thats why bago mangyari yun, I already saved it here" saby taas ng flash disk "and deleted the secret files in the laptop" confident kong sabi kay dad.
Napangiti naman sya at kinuha ang flash disk "That's better" at kumalma na. Umalis nalang ako dahil nawalan na ko ng gana para magpahinga. Nakakabwiset ang mga tao sa bahay kaya wala na ko sa mood. Tinawagan ko nalang sina Ryan at Josh at pumunta kami sa bar. Mas trip ko pa dun mag unwind at magsaya.
[Sa Zero-Up] yan pangalan ng bar
Hinanap ko na kung nasan naka upo sina Ryan at Josh at nung nakita ko agad ko yung pinuntahan. Papalapit na ko sa kanila nang biglang may humarang saken. Naglalaro siya ng billiard at tiningnan ako agad naman syang pumagilid at nung lalakad na sana ako hinarangan na naman nya ako. May problema ba 'tong isang 'to?? Tiningnan ko lang sya ng masama "Pare, sorry naglalaro lang" sabay ngiti saken. Di ko nalang siya pinansin at umupo na sa table.
BINABASA MO ANG
An All-Out Game of Love
FanfictionTara is an avid fan of basketball. But she never expect na because of basketball, she got to know love's many shapes and forms. At dahil na rin sa basketball she got to know Jazzen Martizano, ang tinuturing nyang kaaway. It is when she got to know h...