1

113 2 0
                                    

" 'Nay, pasok na po ako!" , mula sa pintuan ay sigaw nya.







" Aba e sige pumasok kana. Mag iingat ka anak ", nasa kusina eto at nagluluto para sa dalawa pa nyang kapatid.








Bumukas ang pinto ng kwartong katabi ng kwarto nya at mula doon ay lumabas ang walong taong gulang na kambal na lalaki at babae.








" Mga anak magpaalam kayo sa ate nyo ", nakangiting utos ng nanay nya sa dalawa. Mababanaag sa mga mata neto ang sobrang kasiyahan. Masaya syang nakikita na palagi etong ganeto.







" Bye ate. Ingat ka po", si Snow na nakangiti.







" Bye ate Ayla ", sa dalawa si Snow ang mas madaldal kabaligtaran ng kambal neto na ang tipid magsalita.







" Wag nyo pagurin si nanay ha. Behave kayong dalawa dahil hindi ko kayo ibibili ng chocolate cake pag pasaway kayo. Ok? ", paborito ng mga eto ang cake kaya pag nagkakaroon sya ng raket binibilhan nya ang mga eto.








" Opo ate ", sabay pang sabi ng dalawa.







" Male-late kana sa pasok mo. Sige na at pakakainin kopa ang mga yan ", pagtataboy ng nanay nya.






Ginulo nya pa muna ang buhok ng dalawa bago tuluyang lumabas ng bahay.







17 year old na sya at second year high school sa paaralang pinapasukan nya ngayon. Medyo malayo rin ang school nya sa bahay nila kaya maaga pa ay nagigising na sya.







" Jayla Quinn Herrera! ", pagkapasok palang sa gate ay ang sumisigaw na bestfreind nya ang sumalubong sakanya.






" Good morning too, Leila. Anong meron? ", sarkasmo nyang sagot. Ang lakas ng sigaw neto samantalang ang guard napapailing nalang sa inasta ng bruha.







" You wouldn't believe it pero kami na ni Zeph! As in kami na talaga. Hindi ko iniexpect na mas mapapaaga pala kesa sa inakala natin. Look, he gave this to me yesterday ", kinaway-kaway pa neto sa harap nya ang isang bracelet na alam nyang mamahalin.







" Yon lang masaya kana? ", napapantastikuhan nyang tanong.








" Why not. Sa lahat ba naman ng ginawa ko para sakanya ngayon nag paid off, syempre masaya ako ", ewan ba nya kung bakit patay na patay eto sa kanilang school president na nerd. Walang ginawa kundi isubsob ang mukha sa mga libro.







" Hindi naman gwapo yang boyfriend mo. I bet pag nakasama mopa yan ng matagal baka ikaw din ang sumuko. Wala ngang pinapansin yon kundi ang mga libro lang nya!", totoo naman talaga yon lahat. Nagtataka nga sya panung pumayag ang lalaking yon maging sila ng pinsan nyang loka-loka.






" Hindi naman. Masyado kasi focus sa study nya kaya ganun yon. Ikaw ba naman ang mamamahala ng isang malaking kompanya syempre kelangan talaga todo pag-aaral ", ang kanilang nerd na school president ay anak ng isang kilalang business tycoon. Katunayan ang pamilya neto ay isa sa founder ng university na pinapasukan nila ngayon. Kaya nga kahit nerd eto hindi eto binubully dahil kilala ang angkan ng mga eto.







" Sabi mo e ", pagtatapos nya.







Pagdating sa room nila ay umupo sila sa unang hilera. Silang magpinsan/bestfreind ang hindi nag iiwanan kaya anuman ang desisyon neto susuportahan nya. Masaya syang masaya eto. Malay nila baka nga seryoso ang na nerd na'yon.

Man Of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon