" Jayla, halika na ", tawag sakanya ni Leila.







Kahit pangalan nila magkatunog at medyo hindi nagkakalayo ang histura nila. Uwian na at sila ang magkasabay. Kaninang umaga ay nauna lang ito sakanya dahil may gagawin daw sa library. Yon pala iba ang pinagkakaabalahan ng bruha.








" Teka lang ", nagpalinga-linga muna sya.







" Wala na'yon may sariling kotse at driver ang 'mister' mo. Nakauwi na sya kanina pa ", ang tinutukoy neto ay walang iba kundi ang masungit at seryosong si Sky.








" Ha! Alam na alam mo talaga kung nasaan lagi ang lalaking yon ", stalker ba eto.







" Malakas lang talaga ang source ko ", sabay tawa na parang naloloka.








" Nasaan naba yong boyfriend mo? Akala koba ihahatid ka nya ", mula ng maging magdyowa ang mga eto laging hinahatid ni Zeph ang pinsan nya.








" I'm here. Sorry may chineck muna ako sa library kaya medyo natagalan ", humahangos na si Zeph. Hawak neto ang susi.








" Ok lang Zeph. Tayo na ", pagsasawalang bahala ni Leila.








" Mauna nalang kayo meron pa kasi akong dadaanan ", kunwari lang iyon. Ang totoo nahihiya syang sumabay sa mga eto.








Kahit pinakilala na sya ng kanyang pinsan dito medyo hindi sya komportable sa presensya ng lalaki. Masyado kasi etong tahimik.









" Wag kana magsinungaling alam ko wala kang pupuntahan ", malakas talaga ang pang amoy ng pinsan nya.







" It's okay for me. You can ride with us. I don't mind at all ", Zeph said.









Tumingin sya sa paligid at konti lang ang natitirang estudyante. Ang iba ay nagsiuwian na.







" Ok lang talaga sa inyo? ", paninigurado nya. Ayaw nya kasi sirain ang moment ng dalawa. Isa pa nakakaasiwa na sya lang makikisakay baka isipin pa ni Zeph e abusado silang magpinsan.








" Paulit-ulit nalang. Hindi nangangain ng tao si Zeph, ganyan lang talaga yan ", ni Leila at pinatirik ang mga mata.







" Very unfriendly kasi ang mukha ng boyfriend mo. Baka naiinis yan satin hindi lang nya sinasabi ", pabulong nyang sabi sa pinsan.








Ang totoo may hitsura si Zeph. Konting push lang at pasok na eto bilang isang model. Kahit naman kasi book lover eto at tinatawag nyang nerd hindi parin talaga eto maihahalintulad sa mga common nerds na nakikita nya. Yong tipong may suot na salamin, baduy ang get up, nauutal pag nagsasalita, madaling takutin alam mo yon? Karamihan sa mga nerds ganun e pero si Zeph napaka confident neto pag naglalakad, hindi nauutal pag nagsasalita, hindi nagsusuot ng salamin. Isang tingin lang at sasabihin mong may kaya ang pamilya nila. Kaya lang naman nerd ang tawag nya dito dahil sa pagka-addict neto sa mga libro at masyadong seryoso hindi nakikipag usap maliban lang sa mga teachers. Wala din etong kaclose sa school ni isa. Parang may sariling mundo.









" We're here ", dumating na pala sila hindi nya namalayan, nag uusap ang dalawa habang sya kunwari ay may kinakalikot na kung ano sa phone nya. Paminsan-minsan sinasali sya ng mga eto sa usapan nila na sinasagot naman nya.









" Salamat ", in-unlock ang kotse at umibis na sya.








" Salamat Zeph ", nasa labas narin ang pinsan nya at kumakaway eto sa lalaki.









" Good night, Leila ", paalam ng lalaki at pinaibis na ang sasakyan palayo.







" Ganun lang, wala man lang kiss or hug?", Hindi napigilan ang sariling tanong nya.








" Ano kaba sa mga romantic movies at novels lang yang mga yan nag eexist. Alam mo naman ang isang yon hindi mahilig sa sweet gestures. Kita monga hindi man lang ako pinagbukas ng pintuan ", humahagikhik na sabi neto.









" Kunsabagay ", pag ayon nya. Nakikita naman nya sa lalaki na gusto talaga neto ang pinsan nya. Sapat na siguro yon. May mga lalaki nga siguro na pinagkaitan ng kaligayahan kaya masyado seryoso at matipid magsalita.







Tulad ng isang yon. Hmp!








" Sige na pasok na ako ", paalam neto. Magkatabi kasi mga bahay nila. Yong nanay neto kapatid ng nanay nya. Buhay pa ang tatay ng pinsan nya kaya kahit papano may kaya ang mga eto, parehong may trabaho ang mga magulang hindi tulad nya na nanay lang nya ang naghahanap-buhay.

Man Of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon