" Nakita nyo ba yong bagong transferee!? ", tili ng campus beauty queen na si Fiona. Certified maarte sa lahat ng maarte. You know what I mean.






"Ay, yong masungit na napakaseryoso? ", dismayadong sabi ng isa pang nakilala nya sa boses palang. Si Lizzy, anak ng mayor sa kanilang bayan. Kilala rin eto sa school bilang isang playgirl dahil sa papalit-palit netong boyfriend kada buwan.







" That's him! Anak sya ng isang billionaire businessman. Ayon sa search ko nag iisa lang daw syang anak at tagapagmana ng kanilang businesses around the world ", si Monique. The top one. Ang tatlo ang hindi mapaghiwalay kaya pag magkakasama laging panlalait sa mga ibang estudyante ang ginagawa.





Kumakain si Jayla at eto ang mga naririnig nya. Paano ba naman halos isang dipa lang ang agawat ng mga upuan. Kaya lahat ng sinasabi ng mga eto abot sa pandinig nya.







" Have you heard, meron daw bagong salta dito. At ang dinig ko isa syang tagapagmana. Sobrang guwapo daw, Ayla. Mamaya puntahan natin ang room nya ", humahangos na tili ng kaibigan nya, hindi pa man nakakaupo.






" Hoy babae may boyfriend kana! Baka nakakalimutan mo? ", paismid nyang paalala dito.






" Ano kaba ok lang naman na humanga ako sa ibang adonis basta si Zeph parin ang mahal ko. Hindi naman ibig sabihin e ayaw kona sakanya. Isa pa faithful ako kay Zeph ", pag eexplain neto.






Hindi nalang sya nagkomento sa sinabi neto. Binalik nalang nya ang atensyon sa kinakain. Lunch break nila kaya nasa canteen sila sa mga oras na'yon.





" Dalian mo jan para mapuntahan na natin ang room nya ", pagmamabilis pa neto sakanya.






" Mag isa kang pumunta dun kung gusto mo. Wag mong bulabugin ang pagkain ko. Pwede? ", she snapped.






" Ano bang meron jan sa tyan mo at kahit ang laki ng kinakain mo hindi ka mabusog-busog? ", may iritang saad neto.





" Hoy! hindi kona kasalanan kung ganeto ako. Hindi mo ako katulad na nagda diet wala naman nababawas sa taba ", maanghang nyang patutsada.






" Hindi naman ako mataba ah. Eto yong tinatawag nilang malaman masyado ka kasing skinny kaya tingin mo sakin mataba ", pag eemphasize neto sa salitang skinny.







" Alam mo bang etong tinatawag mong skinny sa america tawag nila ay slim? ", salamat sa nanay nya at nagmana sya ditong hindi tabain.






" Oo na ikaw na ang sexy. Hala! Bilisan mona jan baka mag bell hindi pa natin masilayan ang sinasabi nilang Greek god ", gusto pa yata netong isahing subo nya ang kinakain.






" Ayaw konga pumunta dun. Ilang minutes lang naman magbebell na e ", tanggi nya.





" Sasamahan mo ako sa ayaw at sa gusto mo. Mabilis lang eto. Promise ", sabay taas pa neto sa kamay na parang nangangako.






" Sige pero mabilis lang. Ten minutes pag lumagpas dun malalagot ka sakin ", pananakot nya sa kaibigan nya.





Wala din syang nagawa dahil inaakay na sya neto sa pinakadulong building kung saan ang room ng mga fourth year high school.






Pagkarating nila agad netong in-inspection ang isang classroom kung nandun ang particular na taong hinahanap nila.






" Ano nakita mona ba? ", naiinip nyang tanong. Kanina pa nagkakandahaba-haba ang leeg neto sa may pintuan.





" Wala sya dito. Hali ka tanungin natin isa sa mga eto baka may alam sila kung nasaan si Sky ", sabay turo sa isang lalaking palabas.






Sky pala pangalan ng lalaking yon.






" Hi pogi ", kumaway eto sa lalaking dadaan palabas sa room na iyon.







" Ahm. Nasaan yong bago nyong kaklase? Yong si Sky? ", kunway nahihiya netong tanong sa lalaki.





" Wala sya dito miss. Bakit, kilala kaba nya? ", balik tanong ng lalaki.






" Ano kasi ", walang masabi ang kawawa nyang pinsan dahil hindi naman neto kilala ang Sky nayon.






" Kilala sya ng pinsan ko ", bigla netong sagot sabay turo sa kanya. Ano?! 






" Sabihin mo jan sa pinsan mo hindi ko sya kilala. Now get lost ", mula sa likod ay ang lalaking nakapamulsa habang matamang nakatingin sakanya.






Sa buong buhay nya ngayon lang sya nakakita ng isang nakapagandang lalaki pero ang mga mata neto ang sobra nyang nagustuhan. Steel blue eyes, halatang may halong banyaga ang lalaki.








Man Of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon