" Jayla, serve mo eto dun sa table na'yon ", turo ni Kyle sa upuang inuukopa ng isang customer. Dahil weekend ay nagtatrabaho sya pandagdag sa kita ng nanay nya. Para naman sa personal na paglalaanan nya ang matitira.






" Yes boss ", sumaludo pa sya dito bago kinuha ang tray na may laman na cake at drink. Nagtatrabaho sya sa isang cafe na malapit lang din sa school nila.






"Here's your order sir! ", magiliw niyang sabi dito bago inilapag ang order.







" Thank you ", hindi neto tinatanggal ang tingin sa binabasang kung anong
mga papeles.







Parang pamilyar ang boses neto. Hindi sya maaaring magkamali dahil kabisadong kabisado nya ang may ari ng boses.







" Do you mind if you leave now. See? I'm busy and I can't work with someone's prying into it ", inis netong sabi. Hindi parin eto nagtataas ng tingin kaya hindi sya nakita. Naiirita pala eto pag may nagmamasid habang nagtatrabaho.








" Oh, sorry about that. I'm happy to see you here again. Enjoy your drink ", saka naman nagtaas eto ng tingin. Nabigla eto pero dahan dahan ding nakabawi kaya pumormal uli ang mukha.







Hindi siguro neto aakalain na magkikita sila sa oras na iyon kaya ang dati na nyang masayahing mukha mas lalo umaliwalas pagkakita sa lalaki. Ngayon lang nya nakita ang lalaki dito sa buong rasyon ng pagtatrabaho nya sa cafe. Destiny nga talaga kami hahaha!







" Tell me if you need anything, sir ", aniya saka nagmamadaling umalis dahil tinatawag narin sya ni Kyle.







"Sino ba yon? Dyowa mo? ", tanong ni Kara, isa sa mga kasamahan nya dito sa cafe.







" Nope. Magiging boyfriend palang ", pabiro nyang sagot sabay kindat dito.







" Talaga! Sino magiging boyfriend mo?! ", ang humahangos na si Cheska. Sa lahat ng katrabaho nya eto ang napakalakas ang antenna pagdating sa tsismis.







" Hinaan monga boses mo Cheska. Nakakasira ka ng eardrum e ", si Kara na kunwari'y naiinis.







" Nagsalita ang maganda. Huh! Ikaw nga parang kuti-kuting pag si Liam na ang pinag uusapan. Lahat nalang sya ayaw mo magkwento kami ni Jayla. Masyado kang obsessed dun sa boyfreind mong parang gangster ", nanunuyang sabi ni Cheska.






" Hoy babae hindi gangster ang tawag sa ganung hitsura ", depensa ni Kara sa boyfriend. " Kaya malaki ang pangangatawan ni Liam kasi nga isa syang bodyguard kelangan nya ang ganung katawan. Ang lakas at gwapo nga nya e ", kinikilig pa netong dugtong.







Naiikot nalang ni Cheska ang mata sa sinabi ng kaibigan nila. Habang sya natawa nalang.






" Girls keep going. We're still have customers to entertain! ", ani Kyle na galing sa kitchen at may hawak hawak sa magkabilang braso.







" Cheska honey, bring this to table number four", utos nito kay Cheska. " You too Kara mia, bring this to that lady over there ", baling naman nya kay Kara kung saan itinuro ang babaeng mag isa sa bandang dulo.







" Need my help? ", boluntaryong tanong nya dito.







" Yes of course honey. Why don't you clean those vacant tables first and I'll go see if Luigi has done baking ", dagdag na sabi ni Kyle.








Si Kyle ang boss nilang napaka galante at napakabait. Ang alam nya may kaya ang pamilya neto at nasa ibang bansa ang mga iyon. At si Luigi ang business partner neto at kaibigan . Magkaibigan ang mga eto noong college at ang kwento ng dalawa lagi silang tinutudyo dahil lagi silang magkasamang dalawa. Si Luigi ay isang orphan na nakapagtapos dahil sa sariling sikap. Galing eto sa ampunan at walang alam kung ano ang nangyari bakit sya napadpad sa bahay ampunan noong bata pa.








" Ok ", mabilis nyang sagot. Hindi nya namalayan na kanina pa pala bakante ang upuan ni Sky nang tingnan nya iyon. Ang bilis nya hindi ko man lang nakitang umalis.







" Are you done? ", tanong ni Kyle. Dalawa lang naman ang nilinisan nya kaya mabilis syang nakabalik sa counter. " Pwede kanang mag out darating mamaya si Lizzete ", ang papalit sakanya. Morning shift kasi sya at yong si Kara at Cheska naman ay whole day. Nag aaral din ang mga eto pero sa ibang school nga lang kaya pag Saturday lang sila nagkikita-kita sa trabaho. Naging kaclose narin nya ang dalawa.

Man Of My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon