Chapter 1- Cellphone

360 17 3
                                    

Nandoon na naman siya.

Sa tuwing break time namin ay pupunta ako sa canteen para kumain. Ngunit pagbalik ko sa classroom ay nakikita ko na naman si Sherwin na prenteng-prente sa pagkakaupo sa upuan ko at nakikipag-usap sa mga kabarkada nya.

Dito sa school namin, he's considered as the most trendy and hottest guy.

"That's my seat!", sigaw ko sa kanila. Pero syempre, hanggang sa isip ko lang yan isinigaw. Di naman kasi ako matapang. Wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanila ang mga saloobin ko. And besides, ayoko ng gulo.

Tahimik lang naman kasi akong tao. Idagdag mo pa na nagsusuot ako ng isang makapal na eyeglasses at laging naka-braid ang buhok ko. Ang nerd ko diba?

Kasalukuyan silang nagtatawanan ng mga kaibigan nya. At ako? Nandito lang ako sa labas ng classroom namin, nagtatago sa may pintuan at nakatingin lang sa kanila. Naghihintay kung kailan sila aalis. Pinagpapawisan na ako dahil alam kong malapit ng dumating ang teacher namin ngayon.

 "Umalis na kayo,please. Mapapagalitan na naman ako nito." 

"Miss Benitez, anong ginagawa mo dyan sa pintuan?"

Napalingon ako at nakita ang teacher ko na nakataas ang kilay sa akin. "Ma-ma'am? I-im so-sorry. Papasok na po a-ako.", sabi ko pumasok na sa room namin nang nakayuko.

"Magsisimula na ang klase natin. Please take your seat."

 Salamat kay Ma'am Sanchez at umalis na si Sherwin sa upuan ko. My seat is finally free!! Ano bang meron sa upuan ko at lagi na lang syang umuupo dito? 

"Hey,nerd. Bilisan mo at umupo ka na rin." sabi ni Ma'am. Tumawa naman ang mga kaklase ko. 

"Hindi nerd ang pangalan ko! It's Janine Benitez!" sigaw ko pero as usual, sa isip ko lang din yun isinigaw. Umupo na lang ako dahil nahihiya na ako.

"Kahit si Sir ay tinatawag siyang nerd. Hahaha", sabi ng isang kaklase ko.

"How sad. Galing kasi sa ibang planeta. Hahaha", sabi pa nila at pinagtawanan pa ako. Napayuko na lang ako. Kahit papaano, sanay na ako sa pangbu-bully nila sa akin.

Binuksan ko na lang ang drawer ng desk ko at nagulat ako nang may nakalagay na isang cellphone doon.

"Cellphone?", takang tanong ko at kinuha ito. Hindi naman ako nagdala ng cellphone. Kanino kaya ito? Mukhang mamahalin pa naman ito dahil ito ay isang touch screen. Tiningnan ko ang likod nito at may nakasulat doon.

SHERWIN VILLASPIN

SHERWIN VILLASPIN

SHERWIN VILLASPIN

SHERWIN VILLASPIN

Paulit-ulit kong binasa ang pangalang nakasulat doon dahil di ako makapaniwala sa nabasa ko. Kay... kay Sherwin 'tong cellphone?

"Kyyyyyyyyyyyyaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh", sigaw ko. Sa pagkagulat ko ay naihagis ko sa ere ang cellphone ni Sherwin.

Nagulat naman ang mga classmate ko sa pagsigaw ko at napatingin silang lahat sa akin. Ngunit mas naagaw ang pansin nila sa cellphone na malapit nang mahulog.

"Is that my phone?", sigaw ni Sherwin na di makapaniwala sa cellphone nyang malapit nang bumagsak.

At sa di ko pa inaasahan ito babagsak. Nag slow motion pa talaga sa paningin ko kung paano ito nahulog sa aquarium. At ngayon ay unti-unti na itong lumulubog sa tubig at pinagpi-pyestahan na ng mga isda.

 OH MY GOD!!

Tell me, namamalikmata lang ako. O kaya ay nananaginip lang ang lahat. Patay talaga ako nito. Hindi to pwedeng mangyari! 

********

"Bakit mo ginawa yun?", tanong ni Sherwin sa akin. Andito kami ngayon sa likod ng building namin. Dito nya ako kinaladkad matapos ang nakakawindang na pangyayari kanina. Ipinakita nya sa akin ang cellphone nyang basang-basa at di na mapapakinabangan. Nakakatakot ang aura nya ngayon kaya di ako makatingin sa kanya. At mas lalong di ako makasagot sa tanong nya.

Pinagpapawisan na ako at nakayuko lamang. Nanlalamig na ang kamay ko sa sobrang kaba na nararamdaman ko ngayon. Parang bibitayin na nya ako ngayon o kaya ay ipasalvage. Nakakatakot!

"Alam mo bang sirang-sira na ang phone ko? Kahit memory card ay di ko na magamit?" Mas lalo akong napayuko sa sinabi nya. Grabe na ang tulo ng pawis ko kahit nakatayo lamang ako rito. Ilang contact numbers ba meron sa phone nya? Twenty? Thirty? Fifty?

"Hindi ko sinasadyang maiwan ang phone ko sa upuan mo. Pero anong ginawa mo?", singhal nya sa akin kaya napapikit na lang ako. Tatanggapin ko lahat ng masasakit nyang salita laban sa akin. Kasalanan ko naman,eh.

"Paano na ang 1,000 na numbers na naka-save sa phone ko?"

"O-one t-thousand numbers?" sa gulat ko ay yun na lang ang nasabi ko at nag-stammer pa ako. Oh my God. Grabe! Andami palang naka-save sa cp nya. Baka mga girlfriends nya. Ano 'tong gulong napasukan mo Janine? Anong gagawin ko? Paano na'to?

 

"Sana mapatawad mo ako. Di ko naman sinadya yun. Nagulat lang ako kanina.", sabi ko na nakayuko lang. Feeling ko, ang putla-putla ko na. 

"I'm sorry, Janine. Hindi sapat ang sorry mo para mabalik ang cellphone ko. But you'll just have to compensate." sabi nya at nag-crossed arm pa siya sabay smirked.

Oh,no. This is bad! Someone help me!

 -----------------------------------------------------------------------------------------------

Trapped (Kathniel short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon