Chapter 2- SLAVE

312 14 2
                                    

Kahit walang nagbabasa nito ay mag-UUD pa rin ako. Eh, sa gusto ko na 'tong matapos,eh... Ahehehe... Don't forget to comment at vote.. salamat...

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"I'm sorry, Janine. Hindi sapat ang sorry mo para mabalik ang cellphone ko. But you'll just have to compensate."

"But you'll just have to compensate."

"But you'll just have to compensate."

"But you'll just have to compensate."

Nagpaulit-ulit ito sa aking isipan hanggang sa lubusan na itong tanggapin ng aking isipan. Napanganga ako dahil sa di ako makapaniwala sa mga sinabi nya. Waaaaaaaaaaahhhh!! Anong ibabayad ko sa kanya? Wala akong pera. Mahirap lang kami. 

Anong gagawin nya sa akin? Ipabubugbog ba nya ako? Ipapakain sa buwaya? Ihuhulog sa tulay Is he going to sell my organs? Ibebenta nya ba ako sa mga foreigner? Oh,no! Hwag naman sana. Promise, magbabagong buhay na ako. Wag lang nya akong patayin!

"Ang kabayaran ng iyong kasalanan..." ayan na! ayan na ang hatol nya sa akin. 

"...ay ang iyong katawan."

Nanlaki ang aking mga mata sa mga narinig ko. "M-my b-body?", kinakabahang tanong ko sa kanya. It can't be. His aim is my body? O baka nagkamali lang ako ng dinig? Nagbibiro ba siya? Pero nang tinignan ko siya ay seryoso naman ang mukha nyang nakakatakot.

Oh my God! Janine, mag-isip ka kung paano mo ito malulusutan. Bata ka pa para gumawa ng mga milagrong bagay. Di pa time para mawala ang v-card mo. Pero isa lang naman akong nerd? Anong mapapala nya sa katawan ko?

Sa mga naisip ko ay bigla kong nayakap ang sarili ko.

"Hwag po. Maawa ka sa akin.", sabi ko sabay tingin ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nya.

"Hoy, kung ano man  ang iniisip mong mga kababalaghan dyan sa isipan mo, di yan mangyayari."

I sighed in relief. Tinanggal ko muna ang salamin ko dahil di ako makakalma kung nakasuot ako ng eyeglasses. "T-talaga? Pero sabi mo ay katawan ko ang ipangbabayad ko?" Nagugulumihanan kong tanong sa kanya. Parang natulala naman siya dahil matagal siyang di nakasagot.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Oo. Di ka naman bingi,di ba?" Wala sa sariling tumango naman ako.

"Gagawin mo lahat ng sasabihin ko, di ba?" Tumango ulit ako ngunit nang maunawaan ko ang sinabi nya ay umiling ako.

"At bakit ko naman susundin lahat ng sasabihin mo?" pagpo-protesta ko.

Bigla nya akong itinuro kaya natakot naman ako. "Don't say anything. You are my slave!"

Ehhhhhhhhhhh????!!!! Tama ba ang narinig ko? Slave in english? Alipin sa tagalog? Ulipon sa bisaya?

"A-ano??!!!"

"Hindi ka bingi di ba? Kaya hwag na hwag mong pinauulit ang mga sasabihin ko. One word is enough for a wise man. Understand?" Talagang inilapit nya ang mukha nya sa akin kaya tumango na lang ako. Nakakatakot talaga siya.

"From now on, kailangan mong mag-trabaho nang maigi, slave, nang 'di ka nakakahiyang kasama." Aray! Talaga bang nakakahiya akong kasama? Kasalanan ko bang tahimik at mahiyain akong tao?

"H-hanggang k-kailan naman i-ito?" Tagaktak na ang pawis ko habang nakatingin sa kanya. Kailan ba mawawala ang dark aura nya?

"Until I decide to stop. Did you get it? My orders are absolute. Kaya wala kang karapatang tumanggi. Tandaan mo, slave kita. From now on, nobody own you because yo are mine." At habang sinasabi nya yun ay nanlilisik ang mga mata nyang nakatitig sa akin.

"Ahh.... Uhmmm... But I..."

"Stop stuttering!"

"Yes!" agad na sagot ko sa kanya para matapos na ang lahat. Di ko na kaya ang atmosphere rito. 

Nararamdaman kong may di magandang mangyayari. Ano ba 'tong napasukan ko? May balat ba ako sa pwet? Ba't ba lagi kong kadikit ang malas? Kung ganito lang naman ang manyayari sa akin, mas gugustuhin ko pang ibenta sa foreigner!

"Mamaya, pagkatapos ng klase. Dito pa rin. Hwag kang magkakamaling di sumipot.", yun lang ang sinabi nya at umalis na.

Pagka-alis nya ay napa-upo agad ako sa damuhan. Ngayon ko lang naramdaman ang panghihina ng tuhod ko. Ano na ang gagawin ko? Someone help me!

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sana mabasa nyo ang dalawa ko pang story... HE IS MY PERSONAL ENEMY NO.1 at SINGLE SOCIETY 1: THE DESTINY ADDICT... Check nyo po sa profile ko.

xoxo,

zhel

Trapped (Kathniel short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon