Ang ganda ng bagong cover,noh? dedicate sa kanya dahil siya ang gumawa ng cover ng Trapped pati na sa ibang stories ko.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Chapter 3- the first step
Buong araw ay di ako makapag-isip nang maigi. Di nga ako makapag-concentrate sa klase. Kung sa’yo kaya nangyari ang mga ‘yun, makapag-concentrate ka pa kaya?
Kaya ang result, naging laughing stock na naman ako ng mga mababait at understanding na mga classmate ko. Note the sarcasm,please.
Buong araw din akong di na kinausap ni Sherwin. Yung mga napag-usapan naming kanina ay sa aming dalawa lang yun. Ayaw nyang malaman pa ng iba na nag-usap kami. Malamang, sino ba ang gustong kausapin ang isang tulad ko? Heller, siya ang pinakasikat na estudyante sa school tapos papansinin ang isang tulad ko? Baka madungisan ko lang ang pangalan nya.
Naitatanong nyo siguro sa mga sarili nyo kung bakit hindi ako lumalaban sa kanila. Ako lang naman kasi yung tipo ng tao na nanahimik lang dyan sa tabi-tabi at takot na maka-agaw ng attention. Wala rin akong mga kaibigan dito. Sino ba naman kasi ang gustong makipag-kaibigan sa akin? Isang nerd, naka-braid ang buhok, laging tahimik at talagang manang style kung manamit.
Kaya kung magtatanong din kayo kung may naduling/ nabulag at nagkamaling manligaw sa akin? Isang malaking W-A-L-A ang sagot ko. Oh, binaybay ko na nang ma-gets nyo. Kung bakit? Basahin nyo ulit ang description ko sa taas at kayo na ang bahalang sumagot.
Nasanay na rin ako na since elementary ay ako na ang center ng bullying. Like, duh? Immune na ako, although noong una ay halos ikamatay ko ang mga ginagawa nila. Pero kalaunan ay nasanay na rin ako. Tanggap ko ng ito na talaga ang kapalaran ko.
Andito na ako ngayon sa likod ng school building namin. Ito yung lugar kung saan nag-usap kami ni Sherwin. Tapos na lahat ng subject naming at uwian na kaya wala ng masyadong estudyante sa campus.
Kasalukuyan akong nakaupo sa bench na nandito at hinihintay ang pagdating ni Sherwin. Grabe, ang tagal naman nya. Baka mamuti na ang buhok ko ay di pa siya dumating.
Ano kaya ang gagawin namin? Bilang alipin nya, uutusan ba nya akong ibigay ang sarili ko sa kanya? Di ba di naman nya habol ang katawan ko? Paano kung nagbago na ang isip nya?
>//////////////////////<
Waaaaaaaahhhh. Di pa ako handa sa mga ganyang bagay!! Erase. Erase. Nagkakalumot na ang inosente kong utak!
“Hoy, ano na namang naglalaro dyan sa isipan mo?”
Nag-angat ako ng ulo at tinignan ang nagmamay-ari ng baritonong boses na narinig ko. Sa wakas, dumating na rin ang prinsipe. Nakatayo siya sa harapan ko habang nakalagay sa bulsa ng pantalon nya ang mga kamay nya. Mas nakadagdag pa ito sa bad boy looks nya.
BINABASA MO ANG
Trapped (Kathniel short story)
Fiksi RemajaMeet Janine, the nerdest and the most introvert person sa campus nila. Thanks to that fateful day, biglang nagbago ang lahat sa kanya. Wanna know what happen to her?