Chapter 5.

574 34 43
                                    


*Kinabukasan*

Ellen's POV.

Nagising ako ng may maramdaman akong gumagalaw sa tabi ko.

Anubayan! Ang aga aga. Ang likot likot ng nasa tabi k-?

TABI KO? TEKA! WALA AKONG KATABI!

Agad akong napadilat at ang napaka-gwapong muka kagad ni Jeykinitlog yung nakita ko.

"Good morning Beautiful!" Masiglang sabi nya saka kumindat.

Nakahiga sya sa tabi ko pero nakaharap sya sakin.

Mabilis pa sa alas kwatro akong bumangon at lumayo sa kanya.

"Hoy hindot! Anong ginagawa mo dito!" Sigaw ko habang nakaturo sa kanya.

"Grabe naman! Ang aga aga ang ingay mo na bebi ko!" Nakangiting sabi nya.

Nakasando lang sya at naka-boxer. Juskuday! Ano ba to! Nagkakasala na naman ako!

"Bakit ba nandito ka ha itlog?" Nakasimangot na sabi ko saka nagpamewang.


Bumangon din sya habang todo ngiti pa din. Pero naka indian sit lang sya sa kama.

"Sexy mo pala!" Sabi nya kaya tinignan ko yung sarili ko.

Sexy? T-shirt at short? Sexy?

Sabagay sexy naman talaga ako noh! Since birth.

"Syempre naman noh! Saka bakit ba kasi nandito ka!? Paano ka nakapasok?" Sabi ko saka bumuga ng hangin at naglakad na ulit pabalik sa kama at umupo paharap sa kanya.

Nagulat lang ako kanina. Hindi kasi ako sanay na may nakikita akong tao pag gising ko.

"Bukas ang terrace mo kaya pumasok ako. And pinagluto lang naman kita ng breakfast!" Sabi nya at kumindat uli.

Eh? Pasalamat sya gwapo sya. Kaines!

"At ano namang breakfast yan ha? Baka naman itlog lang yan!?" Pangaasar ko.

Hindi naman sya nagsalita sa halip ay tumayo lang sya saka nya rin ako hinatak patayo.

Pumunta sya sa likod ko saka nya tinakpan ang mga mata ko saka nya na ako inalalayang maglakad.

"Ano bang pauso to?" Iritang sabi ko.

"Basta!"

Mayamaya lang ay huminto na kami sa paglalakad.

"O eto na. 1 2 3!" Sabi nya sabay tanggal ng kamay nya sa pagkakatakip sa mata ko at nanlaki yung mata ko ng may makita akong cake sa harap ko.

Chocolate sya at may nakasulat na. 'Happy 1st day!' Ewan ko pero natawa ako dun!

1st day lang bumili pa sya ng cake hahaha.

"Hahaha! Saan mo binili to?" Natatawang tanong ko sabay tingin sa kanya.

"Ako gumawa nyan. Kagabi nung umuwi ka pinag-aralan ko na yan. Tikman mo bilis!" Sabi nya saka kumuha ng platito at tinidor.

Ako naman hindi ko alam pero ang saya ng umaga ko ngayon. First time kayang may gumawa ng cake para sakin haha.

Inabot ni Itlog sakin yung platito at tinidor saka na sya naghiwa ng cake. At mukang excited na excited pa sya dahil ang lapad ng ngiti nya.

Ang gwapo nya! Swear. Ang bait pa kahit hindi halata :))

The Boy Next Door Again? (A Darren Espanto Fanfiction)[BOOK 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon